CHAPTER 30
*Xynelle's Pov*
Ano ba ang tawag sa ginagawa ko? Masokista? Sadista? Parlorista? Ano mang lista yan.. Lista man ng utang yan. Basta yun na yun! Martir. Tanga. Ewan! Lahat na itawag nyo na sa akin pero wala akong pakialam. Desperada na kung desperada. Bahala na! Ako to e. Ako din ang masasaktan, hindi kayo sa ginagawa ko ngayon.
Okey naman kami dati e. Maayos kami ni Aaron dati. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nagbago yun nung nagkita muli sila ni Lourenz dito sa Westbridge. Bakit dito pa? Bakit kelangang magkita pa silang dalawa matapos ng halos isang taon?
Akala ko.. Akala ko nabura ko na sa puso't isipan nya si Lourenz pero nagkamali ako. Dahil nagkagulo lang ang lahat nung nagkita sila uli.
Masakit man isipin at aminin eh parang panakip butas lang ako ni Aaron eversince. Ako ang ginamit niya para magbreak sila ni Lourenz. Ako ang dahilan kung bakit galit sa kanya si Lourenz ngayon.
Inaasar nun si Aaron dahil nobya nya eto. Nerd daw eto at di nababagay sa kanya kaya napilitan syang ibreak ito at ligawan ako. Sinagot ko sya at minahal. Natutunan rin nya akong mahalin sa kabila ng lahat. Naging masaya kami.
Di naman mali ang ginawa ko e. Minahal ko lamang sya. Minahal ko sya kahit nung umpisa palang alam ko ng mahal nya si Lourenz.. Mahal pa nya eto.
Bakit dito pa kasi sila nag-aral ng bestfriend nya? Ang daming university dito sa Pilipinas! Siguro, tadhana na talaga ang gumagawa ng dahilan para magkita uli sila. Laking pasalamat ko talagang may boyfriend na si Lourenz at may mahal na etong iba nung magkita sila.. Pero yun ay una lang dahil biglang nanggulo si Aaron sa relasyon ng dalawa. Nangialam at mukhang gusto pa nitong makipagbalikan sa babae. Grabeng selos ang nararamdaman ko dahil mas may oras pa syang mag-isip kay Lourenz kesa sa nararamdaman ko. Unfair! Pero okey lang, tanggap kong ganun talaga. May masasaktan.. May magiging masaya. Kung kinakelangang masaktan ako para manatili sa akin si Aaron. I'm willing to accept it. Desperada noh?
Nakakainis di ba? Yung mahal mo, yung boyfriend mo ay mahal pa din ang ex nya sa kabila ng lahat ng ginawa mo..
Ginawa ko ang lahat para maayos ang relasyon namin. Nagbulag bulagan ako kahit nasasaktan ako, kahit obvious na bumalik ng tuluyan ang nararamdaman nya sa kanyang ex. Tanga ba ako? Martir ba talaga ako dahil yun ang ginagawa ko?
Ano pa ba ang dapat kong gawin? Halos magpakamatay na ako para bumalik sa dati ang lahat sa amin.. Kahit pinagtatabuyan nya ako, ayos lang. Gusto ko lang naman mahalin nya ako ulit.. na maging masaya ulit kami tulad ng dati na wala si Lourenz sa buhay namin pero parang malabong mangyari yun.
Tulad ngayon, nagpapakalasing na naman sya dahil sa babaeng yun. Naging iba na sya. Walang pakialam sa sarili.. Pabaya. Di na pumapasok. Kahit pinagtatabuyan nya ako, di pa rin ako umaalis sa tabi nya. Mahal ko e. Ganun siguro talaga. Natitiis mo lahat para sa taong mahal mo.
Minasdan ko syang natutulog sa sofa. Marahan kong hinaplos ang mukha nya nang lumapit ako sa kanya. Pagkatapos nun, kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig para ipangpunas sa kanya.
Habang pinupunasan ko sya, nakaramdam ako ng awa para sa aming dalawa. Awa para sa kanya dahil gaya ko, pareho kaming nagmamahal ng taong di kayang suklian ang pagmamahal namin ng tulad ng hinahanap namin.
Di ko mapigilang wag mapaiyak. Bakit kelangang malagay kami sa ganitong sitwasyon? Bakit kelangang masaktan kaming pareho?
" Lourenz.. " Bulong nya na narinig ko. Kahit sa pagtulog, eto pa rin ang nasa isip nya. Parang dinudurog ang puso ko. Parang sinasaksak ng paulit ulit. Why do I beg this man to loved me again? Kahit wala ng pag-asa?
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...