chapter 20

2.9K 69 5
                                    

CHAPTER 20

Late update. Pasensya. :] thanks ke Ms. Nida :)

*Lourenz's Pov*

Isang oras na ata kaming nasa resto bar na nakaupo at kumakain lang. Nakakainis kasi si Ice, ayaw pang umuwi eh ang tagal na namin dun. Ang sabi nya, may gagawin pa daw sya. Di ko naman alam kung ano yun. Gusto ko ng umuwi dahil pagabi na pero etong kasama ko, ayaw pa. Ano naman kaya ang gagawin ng sira na 'to? Eh kumain na kami eh.

" Ice, uhm, umuwi na kaya tayo. Pagabi na eh? " Sabi ko ulit.

" Saglit lang ha? Wait lang bhabe. " Sabi nya na lang sa akin. Malapit na akong mainis sa kanya. Pero dahil ayaw ko namang sirain ang araw ko, hinayaan ko nalang muna.

" Haist. " Wala na akong nagawa kundi ang maghintay. Wala naman syang ginagawa kundi nakaupo lang tapos parang may hinihintay.

Ay ewan!

10minutes pass.. 

30minutes 

Hanggang naging 7:30pm na. Antagal lang namin dun! Di na talaga sya nakakatuwa. Wala ba syang balak umuwi? Kung hindi, iiwanan ko na lang sya dito sa resto bar na to.

" Ice? " Kukublitin ko sana sya nang humarap naman sya sa akin.

Tumayo sya at lumapit sa akin. Bumulong. " Wait lang, may gagawin kasi ako eh. Dito ka lang at wag aalis. Ok? Just stay here and wait for me. " Wala sa sariling tumango ako tapos umalis naman sya at di ko alam kong saan sya pumunta. Alam nyo naman, medyo may gayuma itong lalaking to kaya di ko maresist. Di ako makatanggi. Ngiti pa lang nga eh nagwawala na mga nerve cells ko sa katawan ko. Okey! Sya na! Ang nag-iisang Ice sa buhay ko. Ansabe lang! Ako na ang inlove sa kanya. Ako na! Kasalanan nya eto eh. Sa sobrang kulit nya, nahulog ang loob ko sa kanya

Ok. Nakaupo lang ako dun. Yung mesa ko este namin nasa may bandang gitna kaya kitang kita talaga kami at yung mga nangyayari sa paligid namin. Biglang nagdim light ang paligid, yung kaninang kulay puting liwanag napalitan yun ng sari saring kulay. Nung una, nagulat ako kung bakit nagkaganun pero syempre nung una lang. Resto bar nga di ba? Ang engot ko lang.

Tapos, may nagpatugtog ng rock song. Pssh. Hate ko talaga pumunta sa ganitong lugar. Nasaan na ba ang yelong yun? Antagal lang nya ha! Gustong gusto ko na talaga umuwi eh. Magbibilang ako ng sampu kung di pa talaga sya magpapakita sa akin, aalis na ako. Bahala sya sa buhay. Iiwan ko sya dito!

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Apat..

Lima..

Anim..

Pito..

Walo..

Siyam..

Pagsampu at di pa talaga ---- bigla akong napatigil sa pagbilang ng napalitan ang kantang rock ng isang solemn at love song na tono. Anyare? Rock then biglang love? Hmm, ignore ko na lang yun. Kung ano ano na lang ang napapansin ko. Kainis!

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon