EPILOGUE
*Lourenz's Pov*
Naalala ko pa nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang 'yong mga ngiti At Ika'y sasabihanBukas ng alas siyete sa dating tagpuan,
Buo ang araw ko.." Gusto kong.. Gusto kong maging formal na maging fianceè kita. Kaya naman, itatanong ko 'to. Will you be my princess? My queen. My other half. Gusto kong maging asawa kita. Makasama sa lahat ng bagay, sa hirap man o ginhawa. Bhabe, please marry me. " Lumuhod sya sa tapat ko na hawak ang isang singsing. Katulad yun ng suot suot kong singsing na binigay din nya sa mismong monthsary at engagement namin na suot ko ng mga oras na yun pero mas elegante eto at pinaganda. May mga diyamante ring nakapalibot sa singsing. Ang ganda. Ang cute. Eeehh!
" Ice.. " I uttered.
Marinig ko lang ang mga himig mo
Hindi ko man alam kung nasan ka Wala man tayong komunikasyonMag hihintay sa'yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko." Kahit ikaw na ang pinakamasungit na babae sa buong mundo. Sadista at tila amazona. Kahit batuk batukan mo ako parati, hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa'yo. Mamahalin at mamahalin pa rin kita at iintindihin. Wala akong mamahalin na gaya mo. Ikaw at ikaw lang. Una ko palang kita sa'yo, alam kong ikaw na ang babaeng nakalaan sa akin. Nakakatawa, oo pero kahit ganun pa man hindi na magbabago ang totoo na mahal talaga kita. My princess. Sungitbhabe ko. Lourenz Padilla, gusto kong makasama ka habang buhay. Pwede ba yun? " Muntik na akong matawa, the way kasi ng pagtanong nya eh nakakatawa tapos naiiyak na ako. Mixed emotions. Basta. Ewan. Ang labo ko talaga kahit kelan. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Halo halo talaga e. Nakakatense na nakakaba. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa ganito kang sitwasyon. Hindi mo talaga matantiya kung ano ang nangingibabaw sa'yo. Basta-- yun lang ang masasabi. Basta can't define everything.
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming paskoKahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko..Lord, hindi pa man pero nagpapasalamat na ako na nakilala ko si Ice. Nagpabago ng buhay ko. Akala ko dati, walang magmamahal ng totoo sa akin dahil isang nerd ako pero mali pala ako. Dahil higit pa dun ang binigay mo. Napakaswerte ko kasi si Ice yung nakatadhana sa akin. Lalaking umintindi sa akin. Minahal ako sa kabila ng aking kakulangan. Di man ako perpekto pero hindi naging hadlang yun para mahalin nya ako ng sobra sobra. Ano ba yan! Nakakaiyak naman! Wala na akong mahihiling pa kundi ang tumanda sa piling nya. Makasama sya habang buhay. Pumuti man ang mga buhok namin, alam ko mamahalin namin ang isa't isa. Pupunan ang mga kakulangan na meron kami. Hay. Pag-ibig-- makapangyarihan. Kayang magpabago ng tao at nang paniniwala nito. " Gagawin ang lahat, masunod ka lamang. " Yun din ang nag-uugnay sa aming dalawa ni Ice. Napakasarap talaga mainlove pagkatapos ng mga unos na mga nangyari sa'yo. Ano? Di ba?
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin.." Ikaw talaga! Nakakahiya ka! " Mahina kong tinapik ang balikat nya saka nag-face palm ako. Namumula na marahil ako sa eksenang aming ginagawa.
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...