chapter 46

2.2K 43 0
                                    

Lourenz: The Nerdy Rock Princess

written by: PurpleRaindrops

CHAPTER 46

** Yehey! Five chapters left na lang po at matatapos na ang kwento na 'to. Hehe. Sa May 15, one year na 'to! Tagal natapos noh. Saka, Wag mo po kalimutang basahin din ung kwento ng kapatid ni Ice na si Xhyren sa My High School Ex Girlfriend. Salamat! Ü Pang-tweener. :D

*Ice's Pov*

" Hindi ba masyadong gabi na para bumalik pa tayo sa inyo? At ang layo pa nun eh. Bukas na lang kaya tayo umuwi sa inyo.. Saka, gusto ko pang matulog at magpahinga dahil.. " tumigil siya sa pagsalita kaya napatingin ako sa kanya saglit habang nagmamaneho ng kotse. Pagkatapos kasi tumawag ni Mama, nagpasya akong umuwi ng bahay kahit gabi na. Hindi kasi ako mapakali sa sinabi ni Mama eh. Kaya kahit pagod pa ako, uuwi ako ng bahay. Gusto ko kasi malaman ang dahilan kung bakit pumunta dun si Xhyren sa bahay.

Ngumiti ako ng nakakaloko. " dahil ba napagod kita kanina? Pasensya na.. " pabiro kong tukso. Binalik ko ang tingin ko sa unahan at hindi na tiningnan ang reaksyon niya.

" Ice! " sabi ni Sunget. May warning pa ang tono nito ng pagkasabi. Di ko tuloy maalis ang ngiti ko sa tono pa lang ng pagsabi niya, what more kung tingnan ko pa ang mukha niya di ba? Baka namumula na siguro siya.

" Oh bakit? Hindi ba't ikaw din naman ang nagprovoke kaya nangyari yun? Yung alam mo na.. " di ko mapigilang hindi mapangiti kapag naaalala ang nangyari kanina. Yun ata ang magandang regalo para sa pasko ko ngayon na natanggap ko. Hindi man materyal pero sapat na ang presence niya. Best gift ever. Sobrang saya lang talaga. :) Rawr.

" Ice naman e. Ang kulit! Kelangan talaga ulit ulitin? Hmp. " na-sense kong naaasiwa na siya sa topic namin at waring hindi na uncomfortable kaya naman iniba ko na lang. Baka magalit na sa akin, mahirap na. Hehe.

" Oo na. Sorry na Bhabe. :) Ang saya ko lang kasi dahil alam ko talagang mahal na mahal mo ako. Sana di ka mapagod na intindihin ako.. "

" Matagal na kitang mahal.. Bhabe, hindi ako mapapagod na intindihin ka tulad ng ginawa mo din sa akin dati. Asahan mong andito lang ako sa tabi mo. " pinisil ko ang kamay niya gamit ang isang kamay ko na hindi nakahawak sa manibela.

" Salamat, my princess. Hindi lang kasi ako mapakali sa tinawag ni mama eh kanina. Sana maintindihan mo. Gusto ko lang talaga malaman ng personal kung bakit pumunta ang kapatid ko dun. Baka kasi naalala na niya kami. " gumanti siya ng pagpisil kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin kaya naman yung kaba na nararamdaman ko kanina ay bahagyang nabawasan ng konti. Hindi ako natatakot harapin ang lahat ng mga problemang dumadating sa akin dahil alam ko nandyan si Lourenz para suportahan ako at intindihin.

Tinuon ko ang tingin ko sa daan habang magkahawak kami ng kamay. Positive lang Ice! Magiging okey din ang lahat.

Halos 11pm na kami nung nakarating sa bahay namin. Ipinagtaka ko kung bakit may christmas light na nakasindi sa labas ng bahay namin na karaniwang hindi naman tuwing pasko. Hindi kasi kami nagsisindi o naglalagay ng anumang christmas decor simula nung nawala si Xhyren. In short, hindi kami nagsi-celebrate ng pasko. Kaya naman nagtataka talaga ako ngayon kung bakit meron. Hindi kaya?

Mahigpit hinawakan ni Sunget ang kamay ko habang papasok kami sa bahay namin. Tahimik at nakapatay ang ilaw sa sala. Tanging sinag lang ng mga christmas light ang nagbibigay liwanag sa sala namin. Malamlam. Ano ba ang nangyayari? May nangyari bang hindi maganda? Takang taka talaga ako.

" Bakit nakamatay ang ilaw? " tanong ko.

" Baka tulog na sila? Eh di ba gabi na. Kaw talaga! "

" Hindi. May kakaiba e. Ma? Pa? "

" Shh. Ang ingay nito. Baka magising sila. " sinuway ako ni Sunget. Binuksan ko na lang ang ilaw para makita namin ang buong kabahayan. Baka nga tulog na sila Mama. Pagswitch on ko ng ilaw..

" Merry Christmas! " malakas na pagbati ang sumalubong sa amin. Nagulat na lang ako sa aking nakita. Andun sina Mama, Papa at si Tita Virgie na mama ni Sunget, masayang binabati ako ng Merry Christmas. Akala ko, hindi na ulit mangyayari 'to.. na magcelebrate uli kami ng pasko. Nagulat talaga ako. Hindi ko yun inaasahan.

" Ma? Pa? Ano ibig sabihin nito? Di ba? "

" I know, Son. Kaya lang may nangyari na nagpabago ng lahat. Your sister is back! Nandito na sya ulit. " mula sa likod nina Mama, lumabas dun si Xhyren. Nakayuko pero umangat din ang ulo nito at tumungo siya sa akin.

" Xhyren? B-Bakit? " i looked puzzle.

" Kuya Ice.. " sabi niya. Kahit alam kong nandun siya sa bahay namin, nagulat pa rin ako nung nakita ko siya dun. Bumitaw ako kay Sunget at humakbang ng ilang beses.

" Naalala mo na ba kami? " umiling siya. Pero bakit siya nandito? At alam ni Mama na siya ang kapatid ko? Paano? Sinabi ba niya? Eh di ba hindi nga siya naniwala sa akin nung sinabi kong kapatid ko siya. Paano?

" Pero paano? Bakit ka nandito ngayon kung hindi mo pa kami naaalala? "

" Sinabi nina Mama at Papa sa akin, kung paano nila ako nakita at natagpuan sa dagat years ago. Sinabi nila ang lahat lahat. Ipinaliwanag nila. Kaya pala naiisip ko na parang may kulang sa akin, eto pala yun! Ang totoo kong pagkatao. Kuya, hindi ko pa naalala ang nakaraan ko pero sana hayaan niyo ako at tulungan para maalala yun. Pwede ba yun? Samahan niyo akong balikan ang lahat. " napaluha ako na tumango sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang saya saya ko ng araw na yun! Best Christmas na nangyari sa akin. Kumpleto kaming lahat.

" Pwedeng pwede. Ikaw pa. Saka bakit kelangan balikan pa natin ang nakaraan kung pwede din namang gumawa tayo ng mga bagong magagandang memories na magkakasama? Magsimula ulit tayo. Kalimutan na natin ang mga bad memories na nangyari. Ang mahalaga ay alam mong pamilya mo kami at tanggap mo na ang totoo. Wala na akong mahihiling pang iba bukod dun. Sapat na yun sa akin. Sapat na sa akin na kumpleto tayo. "

" Salamat Kuya Ice. Sorry din pala nung nakaraang araw, Kuya. Naisip ko na tama ka rin naman sa mga sinabi mo nun. Nabigla lang talaga ako sa aking nalaman. Pero nung sinabi nina Mama ang lahat, naintindihan ko na. Hindi man ganun kadali na tanggapin pero kakayanin ko. Magiging din naman siguro ang lahat di ba? "

" Hindi mo lang alam kung gaano mo kami pinasaya nina Mama at Papa sa mga sinabi mo. " inakbayan ko siya saka hinalikan sa noo. " Teka? Paano mo pala nalaman na nandito ang bahay namin? Eh di ko naman sinabi. "

" Sinabi ni Merck. Alam niya kasi dahil kapatid niya yung kaibigan mo.. "

" Si Merck na kuya ni Kenny? " she nodded. " Paano? "

" Ex ko siya eh. " uh? Ex niya ang lalaki na yun? Ang liit talaga ng mundo ano. Magkakaugnay lang pala kaming lahat pero hindi namin alam. Hay buhay nga naman! Nangyayari talaga ang mga bagay na hindi mo inaasahan. Kilala lang pala ni Merck ang kapatid ko. Tsk. Tsk. Di ko pa alam. Sabagay, sino mag-aakala di ba? Natupad nga ang nais kong mangyari, naging regalo ko si Xhyren sa mga magulang ko ngayong pasko.

Pagkatapos naming mag-usap saglit, niyaya na kami nina Mama na pumunta na sa mesa para kumain na dahil papalapit na ang 12mn. Nagpakurot pa nga ako kay Sunget dahil akala ko, panaginip lang yun lahat. Pero dahil nasakitan ako, ibig sabihin ay totoo nga. Nasa bahay nga namin si Xhyren na nagsi-celebrate ng pasko. At totoong okey na kami saka kasama namin siya.. Maaring hindi pa niya naaalala ang nakaraan niya pero okey lang. Ang mahalaga eh kasama na namin siya. Kahit wag na nga niya yun matandaan eh dahil gagawa kami ng bagong alaala na hindi nya malilimutan.

Para sa akin, yun na talaga ang pinakamasayang paskong nangyari sa akin dahil kasama ko ng gabi na yun ang dalawang babaeng mahalaga sa akin. Ang girlfriend ko at ang bunsong kapatid ko. How lucky i am! Wala na akong hihingin pa sa Diyos kundi ang maging masaya kaming lahat.

Itutuloy..

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon