CHAPTER 19
Salamat sa load ni Ms. Bhing Iglesias :) Sasaya sana ako at gaganahan kung me mga silent readers pang kikibo.
*Hilary's Pov*
Kung alam ko lang talaga na mangyayari to, di sana di na lang ako umalis. Di sana di naulit ang nangyari sa akin dati kay Enzo.. Pero kahit anong gawin ko, wala namang mangyayari. Tapos na yun at kahit lumupasay pa ako sa sahig ng Westbridge, wala ng Ice na babalik sa akin. Wala na ang dating Ice na kasama ko at bestfriend. Kasalanan to ni Enzo eh. Haist. Pero mahirap manisi ng tao, may kasalanan din naman ako eh. Di ko lang agad narealize yun. Bulag pa kasi. Hayy! Pag-ibig nga naman. Si Kupido kasi sablay minsan.
Ako na! Ako na ang dakilang heartbroken!
Pero kung sakaling bumalik sa akin si Ice. Tatanggapin ko sya.. kahit bestfriend lang. Ayun lang naman papel ko di ba? Bestfriend, tagacomfort, tagapayo, lahat ng mga taga. Yun na!
Ice, sana maging masaya ka sa kanya. Sana..
" Uy Hilarytot! Senti mode? "
" Enzo, ikaw pala, ang dakilang Casanova ng Westbridge. May ipaglilingkod ba ko sayo? "
" Naks naman! Pormal na pormal. Wala naman. Nakita lang kita kaya nilapitan kita.. "
" Ganun? Alam mo, sarap mo batukan! "
" Bakit naman? Naku! Kapag ginawa mo yan baka madaming magalit sayo. Haha! "
" Ang yabang mo talaga! Saan ka ba nakakakuha ng ganyan ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Tsk. Ewan ko sayo! Dyan ka na nga! Baka di ako makapagpigil at mabatukan talaga kita dyan! " Inis kong sabi sabay tayo.
" Eto naman! Kung makapagsabi ng ganyan eh parang wala tayong pinagsamahan dati. Remember, naging tayo before. "
Lumingon ako sa kanya, " Yun na nga eh. Pinagsisihan kong naging tayo. Kung maaari nga eh ay kalimutan ko na lang yun. "
" Haha! Grabe. Mukhang mainit ang ulo mo. " Di ko na lang pinansin. Baka kung ano pa magawa ko sa lalaking yun. Ewan ko ba kung bakit nagkagusto naman ako dun. Ang pangit naman ng ugali. Tss.
*Aaron's Pov*
Bat pa kasi nauso ang pag-ibig na yan! Leche! Dami tuloy heartbroken! Makilala ko lang nag-imbento nyan, papatayin ko. Pucha kasi eh! Ang sakit sa puso.
" Isa pa ngang alak! " Sigaw ko sa bartender.
" Sir, nakakarami na po kayo. " sabi nya. Ayaw pa ata ako bigyan.
" Bakit ba? Binabayaran ko naman ah! Anong akala nyo sa akin? Di kaya magbayad?! " Padabog kong nilapag ang wallet ko na may laman na ilang libo. " Yan! Saksak nyo sa baga nyo. Kala nyo.. Bilis! Bigyan nyo pa ako ng alak. Yung nakakalasing ha! " Hindi ko naman ugaling maging rude sa kanila pero nakakainis lang kasi. Ganito na nga akong badtrip eh, di pa nila pinagbibigyan. Sarap sumuntok tuloy.
Anong nangyayari sa akin? Parang di ko na kilala ang sarili ko. Argh! Epekto ba to ng lintik na pag-ibig na yan!
" Eto na po Sir. " Marahas kong kinuha ang bote at mabilis na nilagok ito. Sinagad ko lahat ng laman nito. Gusto kong makalimot. Kahit ngayon lang.. Kahit ngayon lang makalimutan kong may problema ako. Kahit ngayon lang, makalimutan ko si Lourenz.
Di ako palainom. Sa totoo lang, eto ang unang beses na uminom ako ng maraming hard liqour. Di ko na kasi kaya ang nangyayari sa akin at ang tangi kong na lang inisip ay uminom na lang para kahit papaano makalimot ako kahit di permanente. Alam kong di makakatulong ang pag-inom ko sa mga problema ko pero yun lang naisip ko eh. Wala na akong matakbuhan. At gun nalang naisip ko.
" Wooh! " Napasigaw na lang ako. Gusto kong makatakas sa realidad. Gusto kong magwala! " Argh! " May bigla yata akong natamaang matigas na bagay. Nang tingnan ko, nakaupo na ako sa sahig. Di ko alam kung paano ako nakapunta dun. Marahil sa kalasingan ko.
May tumulong sa akin upang makatayo ako pero tinabig ko lang. " Kaya ko ang sarili ko! Bitawan nyo ako! " Pasuroy suroy akong tumayo at naglakad. Sa di kalayuan ng bar, may nakita akong pamilyar na mukha. Ewan ko kung namamalikmata lang ba ako o talagang si Lourenz ang nakita ko.
Naisip ko, bakit naman sya pupunta sa ganitong lugar? Eh di mahilig yun. Baka dala lang to ng pagkalasing. Erase erase! Sa kakaisip ko sa kanya kahit saan nakikita ko na sya.
Oh Lourenz, wag ka ng dumalaw sa isip at puso ko. Kahit ngayon lang. Please. Wag mo akong pahirapan ng husto.
Pumunta ako ng dancefloor kahit paekis ekis na ako sa paglalakad. Madaming tao at lahat nagsasayaw. Malamang naman di ba? Alangan umupo sila dun eh dancefloor nga. Nakisabay ako sa mga sumasayaw kahit lasing na lasing ako. At ang tugtog pa ay Teach Me How to Dougie ng Cali Swag D. Bagay yun sa akin dahil para lang namang lasing na sumasayaw ang mga steps ng Teach Me How to Dougie eh.
Iba pala ang pakiramdam ng sumasayaw ka na lasing nuh? Nakakatawa! Para ka lang baliw na nakawala sa mental na hinahabol ng mga nurses kasi nakatakas ka. O parang may kitikiti lang sa puwet na todo sa pag-indak. Haha. Ayos description ko. May tama na talaga ng alak.
" Wooh! " Panay ang sigaw ko sa gitna ng dancefloor. Di ko alintana kung tingnan man nila ako o mainis sila kasi inioccupy ko ang buong floor. Wala na talaga akong paki kasi may tama na ako ng alak. Parang sabog lang pag nakainom. " Woh! Sige sayaw lang! Eenjoy natin tong gabi na to! " May patalon talon pa. Wala na talaga sa tamang wisyo. Kung normal na Aaron eto, nungkang gagawin ko to. Nakakahiya lang.
Sige lang ako sa pagsayaw. Baka nga pinagtatawanan na nila ako the way i dougie eh. May pagiling giling pa akong nalalaman. Bukas wala na eto kaya nilulubos ko na. Tatandaan ko to na isang gabi may ginawa akong kahihiyan.
Napatigil ako sa pagsasayaw ng nakita ko ulit si Lourenz. Kinusot ko ang mga mata ko. Baka guni guni ko lang eh. Pero di naman sya nawala at nagulat pa ako nung nakita ang kasama nya. Walang iba kundi si Ice!
Teka? Anong ginagawa nila dito? At nanlaki ang mga mata ko sa nakita, parang nawala ang kalasingan ko dahil dun, sinasayawan ni Ice si Lourenz. Leche! Ano to? May live show? Peste! Anong ginagawa nila? Bakit dito pa! Gusto kong sugurin ang dalawa kaso dahil medyo liyo pa di ako makalakad ng diretso.. Pag may ginawang masama yang Ice na yan sa kanya. Lintik lang!
**
Silent readers, kibo naman po. Nakakatampo naman. Di ako gaganahan magupdate nyan eh. :) comment naman kayo kahit negative basta in a nice way. Okey lang. Salamat.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...