CHAPTER 27
*Ice's Pov*
Bakit kaya kapag kasama ko si Sunget? Parang mainit? Mainit ang mundo ko. HAHAHAHAHAHA. Ay takteng pakiramdam to! Kung ano ano ang nararamdaman.. Li*tot* na ata! Biro lang. Baka batukan na naman ako ng Sunget na yun kapag nalaman nya pinag-iisip ko. HAHAHAHA. Kelan pa kaya naging manyak si Ice? HAHAHA. De biro lang talaga. Oh eto na! Seryoso na ako.
Uh wait! Binalikan ko muna sya. Nagulat pa nga ata nung bumalik ako e. May nakalimutan lang akong gawin. Kung kiss? Hindi! Nakadalawa na ako eh. Sapat na yun at may bonus pang sapak. HAHAHAH. Kissmark pala.. Sana nga eh wag nya burahin o tanggalin yun. Remembrance di ba? Sa maniwala kayo o sa hindi, sa kanya lang ako nagkaganito. Para syang droga na malakas ang tama sa akin, high na high despite ng hindi ko naman talaga eto natikman. Sabi lang ng iba.. O di kaya alak na kapag tumatagal, lalong sumasarap.. parang ganun!
Kaya okey na ako, kahit papaano nakakalimutan kong may kasalanan pala ako sa kanya sa pangungulit ko. Kelan kaya nya ako mapapatawad? " May nakalimutan lang ako. " Sabi ko sa kanya. Hindi sya kumibo. Nanatili lang syang nakatayo dun at nakatingin sa akin.
May kinuha ako sa bulsa ko at binigay sa kanya. Isang mini stuff toy na isang dangkal lang ang laki. Ang cute. Buti nga at di eto nasira kasi nilagay ko sa bulsa ko. Tamad kasi ako magbitbit ng bag kaya dun ko na lang nilagay. Good student di ba? Hehe.
" Ano to? " Inabot nya ng pagtataka.
" Maliit na teddy bear. " Seryoso kong sagot habang nakapamulsahan.
" Alam ko. Di ako bulag at mas lalong di ako tanga! " Ayun na naman sya. Sunget to the highest level sagad sa buto! Sinagot ko lang naman ang tanong nya eh. Huhuhu. Di ba? Wala namang mali sa sinabi ko. Hmp.
" Kalma lang! Nakalimutan mo ba? " Tanong ko na lang.
" Ang alin na naman? " Ano ba yan! Nakalimutan ba nya? Haist.
" Happy first monthsary. July 24 po ngayon e. Nakalimutan mo nga siguro kasi galit ka sa akin. Alagaan mo yan ha? Saka di lang basta maliit na teddy bear yan. " Nakangiting wika ko. Di ko makita sa mukha nya kung nagustuhan nya yun kasi as in blank face lang syang tinitingnan eto. " Sige, una na ako. "
Iniwan ko na nga sya dun ng tuluyan. Sana ikeep nya ang binigay ko kasi as i said di lang basta maliit na bagay yun. Basta! Meron dun na dapat malaman nya.. Something na talagang regalo ko.
**
Pagkauwi ko ng bahay, wala namang bago. Kain tulog. Kaskas ng gitara at makinig ng music lang ang ginawa ko. Nasa vacation kasi mga parents kaya boring din. Ako lang tao. Okey lang sanay naman ako eh. Kaso pag ganitong eksena, naalala ko ang kapatid ko. Buhay pa kaya sya? Hayyy!
' Bunso, nasaan ka na ba? '
Kasalanan ko talaga kung bakit nawala sya. Haist.
*Hilary's Pov*
Masama man isipin..
Pero..
Natutuwa akong nagkakalabuan sina Louiice at Lourenz. Kontrabidang bestfriend man kung titingnan pero yun ang nararamdaman ko kahit mali.
Maling mali talaga.. Dapat hindi ko to maramdaman kasi bespren ko si Louiice. Kaso babae lang ako na palihim na nagmamahal sa kanya. Sa katunayan, naiinggit ako.. kay Lourenz kasi kahit di sila okey. Ginagawa pa din ni Louiice ang lahat para magkaayos sila. Ang swerte ni Lourenz kasi na kay Louiice na ang karamihan ng ugali ng lalaki na hinahanap ng mga babae.
Kahapon, niyaya ako ni Louiice sa isang Jewelry Shop. Guess what? Ako ang dinala nya para daw makatulong sa kanya kung ano daw ang ireregalo nya kay Lourenz. I envy Lourenz! Sana ako na lang ang ginagawan ng ganun ni Louiice.
' Maganda 'to Louiice kaso ang mahal.. ' Sabi ko sa kanya.
' It's okey, Hil. I buy anything para kay Sunget my Labs. Hehe. '
' You really loved her huh? '
' Yah Hilary. Mahal ko sya. Lahat gagawin ko para sa kanya. I know it's been a month nung nakilala ko lang sya pero pretty sure na i love her so much. Yung feeling na talagang alam mong sya na.. Kahit na kakakilala nyo lang. Parang love at first sight. Hehe. '
' Halata nga eh. Kakaingit naman. ' Wala sa loob na sabi ko.
' Hehe. Best, wag kang mainggit! I know darating ang time na makikita mo rin ang sayo at kapag dumating na, wag mo pakawalan. Baka kasi magsisisi ka sa huli. ' Lihim akong nalungkot. I found him already. Nakita ko na ang taong yun kaso huli na nga ang lahat. I wished i could turn back the time siguro baka di pa huli.
' Yeah. Thanks for that words, BHEST. ' Sabi ko kahit masakit. Masakit.. Masakit na hanggang magBESTFRIEND na lang talaga kami. Minsan, dumadating ang puntong gusto kong aminin ang totoo sa kanya para ikakagaan ng nararamdaman ko pero lagi ko na lang iniisip na kung ano ang magiging kinalabasan kapag ginawa ko yun. Gulo lang! Magiging kumplikado ang lahat.
' Para saan ba to? ' Tanong ko para iwaglit na lang kung ano nararamdaman ko ng mga oras na yun.
' Regalo ko kay Sunget para sa first monthsary namin.. ' Ang sweet nya. Kahit galit sa kanya ang tao, naalala pa rin nitong bigyan ang halaga ang monthsary nila. Lourenz is so lucky to have him.
*Aaron's Pov*
" Aaron, tama na yan! Kanina ka pa umiinom! Magkakasakit ka nyan e. " Sabi ni Xynelle
" Umuwi ka na.. Buong araw ka ng narito, Xyelle. "
" Hindi.. Dito lang ako. " Niyakap nya ako. Kahit ilang ulit ko syang tinaboy, balik pa rin sya ng balik dito sa bahay.
Ilang araw na akong di pumapasok. Dito lang sa bahay, nakatambay at walang ginawa kundi ang uminom. Wala e. Nakakatamad lang! Nakikita ko lang kasi si Lourenz dun. Kahit di sila okey ng Ice na yun, di ko pa rin sya magawang lapitan at kausapin. Natatakot kasi ako na sumbatan nya ako sa mga ginawa ko sa kanya dati.. Kausapin ko? Para ano? Makipagbalikan? Marahil yun ang gusto ko kaya pilit ko ng tinataboy si Xynelle palayo sa akin. Nasasawa na akong dito sya palagi sa tabi ko.. Kulit ng kulit! Pero parang imposible atang mangyaring magkaayos kami ni Lourenz at layuan ako ni Xynelle.
" Bakit? "
" Nag-aalala ako sayo. Baka mapano ka e. "
Ininom ko at inubos ang bote ng red horse. " Di ka ba napapagod? Di ka ba nagsasawa sa akin, Xynelle? Lahat na ata nagawa ko na para magalit ka sa akin pero parang wala lang sayo.. "
" Pag mahal mo ang isang tao, di ka na makakaramdam ng ganyan. Nagiging manhid ka na lang, bulag at nagiging tanga para sa taong yun.. "
" Di mo deserve ang gaya ko.. "
" Sabi ko naman sayo, andito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari. Kaya kong magtiis at maghintay na mahalin mo ulit ako, Aaron. "
Ang tanga ko na siguro na ginagawa ko eto sa kanya. Mahal nya ako e. Tapos minahal ko naman sya dati pero why all the sudden bumalik ang nararamdaman ko nung magkita kami ni Lourenz muli?
" Love me again, Aaron. Ako na lang ulit mahalin mo. Please! " Ang kulit nya. Ayaw nya ba talaga mag-isip isip muna kaming dalawa?! Tulad ng sabi ko, space at time muna para makapag-isip kami for us.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...