chapter 15.4

3.6K 67 8
  • Dedicated kay Gina Esguerra Madayag
                                    

CHAPTER 15.4

*Aaron's Pov*

Yung sakit ng feeling na makita mong yung dating minahal mo, may mahal ng iba. Yung feeling na nakita mo mismo sa harap mo na ipagsigawan ng boyfriend nya na mahal sya nito sa harap ng maraming tao na di mo minsan nagawa sa kanya. Ganun! Ganun ang nararamdaman ko! Sobrang sakit. Nanliliit ako sa sarili ko. Ni di ko man lang yun nagawa sa kanya dati. Parang kinakahiya ko pa nga sya nun eh. Pinagsisihan ko talaga yun ng sobra.. Pinagsisihan kong pinakawalan ko pa si Lourenz dahil kay Xynelle. Karma na nga talaga ang nararamdaman ko ngayon. Karma na talaga.

" Aaron, lagi na lang ba akong invisible sayo? Andito nga ako sa harap mo na kasama lagi pero iba naman ang laman ng isip mo.. " Nabigla ako nang nagsalita si Xynelle. Bumalik ako sa huwisyo ko.

" Xynelle! "

Buong araw ko nga syang kasama pero ang isip ko naman ay lumilipad, yung nasaksihan ko pa rin kanina ang iniisip ko hanggang ngayon. Ang nakita ko kung paano ipagsigawan ni Ice na mahal nya si Lourenz sa harap ng maraming estudyante ng Westbridge. Selos na selos ako at inggit na inggit. Alam ko wala na akong karapatan pero di ko talaga mapigilan. Di ko talaga mapigilan na di yun maramdaman.

" Alam ko namang mahal mo pa sya eh pero sana naman.. Sana naman Aaron, learn to accept the fact na di na sya babalik sayo! May mahal na syang iba. At sana wag mo naman ipamukha sa akin yun. Kung sampal lang ang ginagawa mo, malamang puro pasa na ang pagmumukha ko.. Naiintindihan mo ba ako?! "

" Xy.. "

" Pareho lang naman tayo ng nararamdaman eh.. Kung nasasaktan ka! Nasasaktan din ako. Pero doble ang nasa akin dahil ako nakikita ko at nararamdaman na di mo talaga ako mahal at sya ang mahal mo. Kahit sana konti, as in konti lang isipin mo naman ako. Sana maramdaman mo na nasasaktan din ako sa twing pinapakita mong di ka pa rin makamove on sa kanya. Sana maisip mo na sa twing nag-aalala ka kay Lourenz, nagseselos din ako. Hanggang kelan ba ako magbulag bulagan sa mga ginagawa mo sa akin? Hanggang kelan ako magtitiis na nasasaktan para magwork out ang relasyon natin? "

Habang ako nagpapabitter kay Lourenz, may nasasaktan naman akong tao na di ko sinasadya. Nakita kong any moment bibigay na ang mga mata nya at wala akong magawa para man lang ma-less ang pain na nararamdaman nya.. naming dalawa. " Xy -- "

" Pero alam ko, ginusto ko to. Ginusto kong ipilit ang sarili ko sayo. Alam ko nagpapakatanga na ako pero please naman, ibaling mo na ang nararamdaman mo sa akin. May mahal ng iba si Lourenz kaya naman sana magmahal ka na rin ng iba. Kalimutan mo na sya ng tuluyan. Masasaktan ka lang at masasaktan kung patuloy mo lang syang minamahal! " niyugyug na nya ako. Gusto kong magsalita pero wala akong maapuhap na salita para maisagot sa mga sinasabi nya. Wala akong maisasagot na di makakasakit ng damdamin nya.. Bakit ba 'to nangyayari sa akin? Eto ba ang parusa sa pag-iwan ko kay Lourenz? Ang mahirapan din ako? Ganito din ba ang nararamdaman nya nang iwan ko sya?

Di ako nagsalita. Niyakap ko lang si Xynelle. Gusto kong mag-isip kung ano ba talaga ang tamang gawin.

*Ice's Pov*

Jun. 29, 9:45am at the cafeteria

" Bakit mo ba ako dinala dito? " nagpupumiksi si Sunget nang hinila ko sya dito sa cafeteria. Break time kasi.

" Lets celebrate! " Then humarap ako sa kanya at hinawakan ang dalawa nyang kamay. Ngumiti ako ng todo sa kanya.

" Celebrate? Ano na namang kaek ekan 'to Ice! Wala namang dapat icelebrate ah! " Bumitaw naman sya sa pagkakahawak sa akin. " Baliw ka talaga! Dyan ka na nga! " Akma sana syang tatalikod palabas ng cafeteria nang pinigilan ko.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon