chapter 37.2

2.7K 53 2
                                    

CHAPTER 37.2

** ang part two ng engagement party! Enjoy reading! :))))


*Ice's Pov*


" Feels like i'm walking in the rain,
i find myself trying to wash away
the pain,
cause i need you to give me some shelter cause i'm fading away
And baby, i'm walking in the rain "

~

Kung alam mo lang, Sunget kung ano ang nararamdaman ko sa bawat pag-iwas mo sa akin, sa bawat pagtataray. Sa tuwing tinataboy mo ako palayo. Masakit! Masakit na masakit dahil yung mismong taong mahal mo pa ang gumagawa ng bagay na yun.. Tao lang ako at nasasaktan. Dumadating din sa point na napapagod din ako sa pag-amo sa kanya.. sa pagsuyo na sana balikan nya ako. Nakakaramdam din ako ng pagsuko at nagsasawa sa paghabol sa kanya. KASO kapag nakikita ko si Sunget, nagbabago ang lahat. Bumibigay na lang ako. Siguro talagang mahal ko lang sya kaya nangyayari yun. Yung kahit napapahiya ka na, ayos lang sayo. Kahit minsan nagmumukha ka ng tanga, go lang ng go! Mahal mo e. Ilang beses na rin pumapasok sa isip ko na kung bakit ako nagkakaganito nang dahil sa kanya. Bakit di ko na lang itigil 'tong kabaliwan ko but in the end, isa lang ang nakikita kong sagot. MAHAL KO SYA! Maiintindihan nyo din yun kapag nagmahal kayo ng totoo.

Di katangahan ang tawag dun sa paghabol sa mahal mo, kundi sinubukan mo lang naman syang ipaglaban e. Yung sa huli di ka magsisisi at masasabi mong, " Atleast, i tried. " Kung nasayang man ang effort mo dahil di nya naappreciate yun, di mo yun kawalan.

Ano ba yan! Feeling ko maiiyak ako any moment. That's so gay pero di naman kasi ako bato e. Madali lang akong masaktan. Marahil cheerful lang talaga ako pagkaharap kay Sunget. Nakakaya kong magpanggap na di nasasaktan kahit ang totoo nahihirapan din pala ako.

Siguro, ayaw ko lang magpakita kay Lourenz na mahina din ako minsan. Gusto ko lang na makikita nya ay makulit ako at di napapagod kahit anong gawin nya.

Mahigpit ang hawak ko sa bouquet ng bulaklak habang papalapit sa kanya while kumakanta. Kinakabahan ako. Nakagawa na naman ako ng bagay na di ko inaasahang magagawa ko in my entire life. Tss. De joke lang. :D

Kapag di pa kami nagkaayos ngayon baka sign na yun na di talaga kami para sa isa't isa at dapat tigilan ko na sya. Whew! Natatakot din ako sa kakalabasan ng mga ginagawa ko.. Masasayang ang mga effort ko pag nagkataon. Wala na ding kasal. I sighed.

Nang makalapit na ko sa kanya, napansin kong umiiyak sya. Di ko mapigilang di punasan yun. Ako ang nasasaktan kapag nakikita ko syang umiiyak. Hanggat maaari ayaw kong umiiyak sya. Gusto kong laging masaya sya. Nakangiti.

Inabot ko ang bulaklak sa kanya. Hinawakan ko din ang kamay nya at dinala sa gitna ng malaking space ng lugar na yun. Tinitigan ko lang sya habang kumakanta ako hanggang matapos na ang kanta. Akala nyo di kinikilig ang mga lalaki, kinikilig din kaming mga lalaki noh? Eh ano tawag sa nararamdaman ko? Lalo na kung ganito kagandang dilag ang nasa harap mo. Whew! Lalim ng tagalog ko ah. Sarap nga halikan eh kung di lang nakakaeskandalo dito sa party na 'to. HAHAHA! Ok, Ice! Control yourself!

Matapos ng kanta portion, isa isa kaming humarap sa mga tao dun sa party na yun. Medyo napipilitan lang si Babe ko pero mahigpit ko syang hinawakan sa kamay para wala syang kawala. Nakausap din ni Sunget ang mga magulang ko sa party na yun. Future mag-manugang. HAHAHA. Nakakatuwa naman isipin. Sana magkatotoo talaga ang iniisip ko. Kahit nangyaring naengage kami, madami pa rin ang puwedeng mangyari.

*

" Ano 'to? " Takang tanong nya sa akin nung inabot ko sa kanya ang maliit na box nung binubuksan nya. Actually, regalo ko talaga yun para sa kanya pero nagkataon na engagement namin, yun na lang ang singsing namin.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon