special chapter

2.2K 41 2
                                    

SPECIAL CHAPTER

-- singit lang 'to. Since me ganito din kasi sa bestfriend ni Lou na si Ney. =) ayaw ko namang walang happy ending si Aaron. ^_^


Four years had passed..


*Aaron's Pov*


" Papa! " napalingon ako sa sumigaw sa aking likod. Napangiti ako saka napatayo at agad siyang kinarga nang eto ay lumapit sa akin ng husto.


" Hey, Boy! Anong ginagawa mo dito? " ginulo ko ang kanyang buhok saka hinalikan sa noo. Kahit basa na siya ng pawis ay amoy baby pa rin siya.


" Si Mama kasi. Ayaw akong ipasyal. Pasyal mo naman ako, Papa. Please? " eto na naman kami. Mangungulit na naman 'to sa akin hanggat hindi nakukuha ang gusto niya. Nasaan na ba ang mama nito? At di na lang siya magpasyal.


" Okey. Okey. Alam ko namang di mo ko tatantanan hanggat di mo ko napapayag eh. Wait lang. I'll just finish it. Is it okey with you, Son? " tumango naman siya kaya binaba ko muna siya saka tinapos ko ang pagga-gardening. Naging hobby ko na kasi yun simula nung nanganak si Xynelle. Yes, we have a child. Hindi ko masabing di ko gusto na magkaanak kami. Di ko lang expected na mabubuntis siya nung minsang may mangyari sa amin. I was 17 that time at siya ay 19. Yeah, ahead siya sa akin. Hindi ko planong magkaroon ng anak sa ganung edad. Bata pa ako nun at wala pa akong alam sa responsibilidad bilang ama. Gustong ipaglaglag ni Xynelle ang bata pero hindi ako pumayag. Kahit di namin ginusto ang nangyari, anak pa rin namin yun. Bigay yun ng taas sa amin. Nagalit ang mga parents namin dahil nag-aaral ako that time pero pursigido akong buhayin ang bata. Now, masaya akong eto na ang anak ko. Malaki na. Apat na taon na siya. I named him Axy -- combination ng name namin. Is it cute? Nung una ko siyang nasilayan nung ipinanganak na 'to, iba ang pakiramdam ko. Di ko maipaliwanag pero ang malinaw lang ay ang saya saya ko na makita si Axy. Ang sarap sa pakiramdam na kinakarga ko siya. Yung pag-iyak niya na parang musika sa tenga. Basta, hindi ko masabi yung eksaktong pakiramdam. Mix emotions. Siguro dahil tatay na ako.


Simula nun, naging maayos na ng tuluyan ang relasyon namin ni Xynelle. Unti unting bumalik ang dati naming relasyon. Hanggang isang araw, tuluyan ko ng natanggap sa sarili ko na wala na si Lourenz sa buhay ko. Nawala na lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Kung meron man, pagkakaibigan na lang. Muli kong minahal si Xynelle, higit pa sa dati. Bilang ina ng anak ko at bilang girlfriend ko. Pareho kaming nakapagtapos ng college kahit may anak na kami. Mahirap nung una dahil time management lalo na at galit pa rin sa amin ang mga magulang namin.. Hinayaan na lang nila kami. Pero hindi naging hadlang yun para panghinaan kami ng loob. Naging dahilan yun para magpursige kaming mag-aral ng mabuti at ipakita sa magulang namin na kahit nangyari yun, kaya pa rin naming maging responsableng anak at magulang kay Axy. Naging working student kaming dalawa nang mga panahon na yun habang may pinagkakatiwalaang tao kaming pinagbabantay kay Axy.


Sulit lahat lahat ng mga nangyari sa akin.. sa aming dalawa. Dahil kung hindi dahil sa mga yun, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. I'm thankful kung ano kami meron ngayon. Wala akong pinagsisihan sa mga nagawa ko, sa halip nakatulong yun para matuto ako. Positive thinking is not about expecting the best to happen.. It's about accepting that whatever will happen, it's for the best.


" Xy? " tawag ko nung papasok na kami ng bahay. Bahay na pinag-ipunan naming dalawa simula nung nagtrabaho kami. Simple lang yun pero malaki. Kumpleto naman sa gamit. Simula kasi nung nagalit ang mga parents namin, nagsama na kami pero it doesn't mean na ginagawa namin ang gusto namin. You know what i mean? Ayaw naming madagdagan pa ang maling ginawa ko. But Axy is not a mistake for me. Blessing siya. " Xynelle? " ulit kong tawag pero walang sumasagot. Marahil ay nasa banyo eto at naliligo. " Sit here muna, Axy. " sumunod naman ang bata sa akin kaya iniwan ko eto. Nagtungo ako sa kwarto para kumpirmahin kung naandun nga siya. Di nga ako nagkamali, naliligo nga siya. " Xy, gusto ni Axy na ipasyal ko siya. " hindi siya sumagot. Di naman nagtagal ay lumabas na rin siya na pinupunasan ang buhok niyang basa.


When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon