chapter 18

2.9K 58 3
                                    

CHAPTER 18

*Ice's Pov*

" Kasi si Enzo -- " Di ko naituloy ang sasabihin ko dahil..

" Good morning, students! " Wow ha! Timing ang pagdating ng teacher namin. Wow lang talaga! Super wow! Kung kelan ayun na eh! Sasabihin na saka may umepal na panot na guro sa amin! Sarap kutusan! Napakamot na lang ako. May magagawa pa ba ako? Kung pwede lang na batukan to eh, ginawa ko na.. Feel na feel ko na talagang aminin eh, then BOOM! Panira ng moment. Rawr!

Sumulyap ako kay Sunget. Eeh! Nakakatakot talaga magalit etong babae na to pero di ko inisip yun ngayon araw, maamin lang ang totoo. Tsss. Nakakahinayang yung pagkakataon pero may next time pa naman eh. Di nagtagal, natapos din at dismissal na.

" Bhabe! " Hinatak ko sya pagkalabas namin sa room.

" Ano ba? "

" Let's go out! "

" Ha? Ano ka? Sinuswerte? May pasok pa tayo noh! " Pumalag sya at tinulak ako.

" Kahit ngayon lang, Lourenz.. Please? " Please pumayag ka na.

" Ice, palagi na tayong nagcu-cutting class. Ayaw kong madagdagan pa yun. Kung gusto mong lumabas, ikaw na lang mag-isa. "

" Pero, yung sasabihin ko? "

" Saka na lang.. Okey? " Tapos nun, umalis na sya at iniwan ako.

" Ano ba yan! Nakakaasar talaga! " Sinundan ko na lang sya. Ayaw ko namang lumabas na di sya kasama eh. Nung nakalapit na ko sa kanya, kinuha ko ang kanyang bag at libro.

" Uy! Akin na yan! " Itinaas ko eto para di nya maabot. " Ano ka ba! "

" Hayaan mo na ako. I love doing this. " Inakbayan ko sya. Pumalag sya pero wala naman syang magagawa, malakas ako sa kanya.

Sana laging ganito. Okey na sa akin kahit sungitan nya ako at irapan araw araw. Basta kasama ko sya masaya talaga ako. Sige, kahit ngayon, iwala ko muna sa isip ko ang dapat kong sabihin sa kanya. Gusto ko munang maging masaya ng walang iniisip at pag-aalala.

" Bahala ka na nga! " Nagulat sya nang bigla ko syang hinalikan sa pisngi. " Ice, ano ka ba! Kahit isang araw naman, maging behave ka. Tsk. Nakakahiya ang ginagawa mo! "

" Ano bang nakakahiya? I'm just showing how much i love you in front of all people na di ginawa ni Aaron sayo dati. " Biglang dumilim ang mukha nya.

" Wala kang alam sa nangyari sa amin. Wala kang alam kay Aaron! Wala kang alam sa past namin kaya wag mo nang ungkatin pa! "

" Bakit masama ba? Wala namang masama dun ah unless may nararamdaman ka pa sa kanya kaya ayaw mong pag-usapan. Hanggang ngayon pa ba mahal mo pa rin sya? Just say so, maiintindihan ko naman yun. " Ouch!

" Di.. Di ko lang gustong pag-usapan pa ang nakaraan. "

" Di mo naman sinagot ang tanong ko eh. "

" Okey. I'm still hurt kapag naaalala ko pero yung mahal pa sya, yun ang di ko alam. " Ouch! Doble ouch! Hanggang ngayon, confuse pa din sya sa nararamdaman nya. Akala ko nung sinagot nya ako, napalitan ko na si Aaron sa puso nya pero naisip ko, masyado akong mabilis kaya dapat kong mag-intay at maintindihan sya. Ako ang nagmadali kaya ako ang mag-intay dapat.

Ngumiti ako. " Ayos lang. Tara pasok na tayo sa next subject natin. "

*Lourenz's Pov*

" Ayos lang. Tara pasok na tayo sa next subject natin. "

Bakit ko ba sinabi yun? Alam kong nasaktan ko sya kahit di nya ipakita sa akin. Nang hinila nya ako ay nagpatianod na lang ako.

Aaminin kong mas matimbang na sa akin si Ice ngayon pero may kaunti pa akong nararamdaman kay Aaron. At kelangan rin nyang malaman yun. Ayaw kong maglihim sa kanya tungkol sa nararamdaman ko kahit ganyan sya. Gusto kong magpakatotoo sa kanya.

Tahimik lang ako habang hinihila nya ako papunta sa room namin para sa next subject.

Di rin mawala sa isip ko yung paghalik nya kanina sa akin. Nakakahiya talaga tong mokong na to! Kung ano ano na lang ginagawa nya. Oo, kinikilig ako pero konti lang. As in konti. Minsan naisip ko na sana sya na lang ang una kong minahal para di ako nasaktan dati. Haist. Past is past ika nga.

" Ice.. " Bigla syang tumigil sa paglalakad nung tinawag ko sya sa pangalan nya.

Humarap sya sa akin. " Bakit? " walang anu ano ay niyakap ko sya. " Oh bakit? May problema ba? " Tanong nya.

" No, kasi.. " Di ko natapos ang sasabihin ko dahil niyakap na rin nya ako.

" Ikaw talaga. Iniisip mo ba yung sinabi mo sa akin kanina? Wala yun. Naintindihan ko naman eh. " Hinagod nya ang aking likod. Ang bait nya, ngayon ko lang narealize. Makulit sya, oo pero his a nice guy pala talaga. " Wag ka ng mag-isip ha? Okey lang yan.. " Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Hmmm. " Tara na nga, kung ano ano ang iniisip mo eh. " Then he cupped my face. Kung ano man ang iniisip mo, iwaglit mo na sa isip mo yan. okey? " Ngumiti ako sa kanya tapos hinila na nya ako ulit.

Tiningnan ko sya mula sa kanyang likod. ' Ano kaya ang sasabihin nya kaninang importante? ' Itatanong ko na lang mamaya kapag uwian na.

Lumipas ang ilang oras at uwian na rin. Parang ang bilis tumakbo ng oras ano? Di na nakakapagtaka. Time is gold nga raw eh.

" Ang tagal mo naman lumabas! " Agad nyang sabi nung lumabas ako sa room namin.

Napaismid ako. " Parang nalate lang ako ng labas ng 1minute ah! Ang tagal talaga? Masyado ha.. Hmp. "

" Nakakamiss ka kasi!  "

" Abnormal! "

" Abnormal talaga eh. Buti nga may boyfriend ka pang abnormal na cute. Halika, gala muna tayo bago kita hatid sa inyo. "

" Ha? Pagabi na kaya. Ayoko! Saka baka hanapin ako ni Mama. Ikaw na lang! "

" Tsss. Wag kang mag-alala, ipinagpaalam na kita sa kanya. Tumawag na ako eh. "

" Ha? Eh? " ang kulit eh.

" Sige na.. Tara na kasi. " Ayun, umandar na naman pagkahilador nya at pagkamakulit. Dapat masanay na ko sa mga ganitong sitwasyon para di na ako magulat sa susunod na gawin nya. Pasaway talaga!

" Oo na! Oo na! Ang kulit eh! "

" Yes! " And again, hinila na naman ako ng makulit na to patungo sa kanyang kotse!

Nung nasa kotse na kami ay tinanong ko sya, " Saan ba tayo pupunta? "

" Basta.. " Iba ang nararamdaman ko sa basta nya ah! Mukhang di maganda. I swear! Di nagtagal ay tumigil kami sa isang Disco Bar Restaurant??? Kumusot pa ko ng mata para masigurado kung tama nga ang pinagtigilan namin.

" Teka, teka, teka! Anong ginagawa natin dito?! "

" Kalma bhabe! Kakain syempre.. "

" Kakain? Bakit dito pa? Andami namang pagkakainan ah! " Lumabas sya ng kotse at pinagbuksan ako.

" Eh? Basta! Teka nga. Bat ba parang natatakot ka dyan? Wala naman akong gagawing masama sayo eh, kakain lang tayo.  "

" Hoy! Wag mo akong ngingitian ng ganyan dahil lalo akong kinikilabutan, Ice. " Kinakainis ko pa, tumawa lang sya. Naku ha? Baka may gagawin na naman tong di maganda!

  *Hilary's Pov*

Masakit makitang masaya sya sa iba. Nakakainis isipin na dating ako lang ang nagpapangiti sa kanya ng ganun ay meron ng iba. Pero ganun talaga, di naman kasi habang buhay sa akin lang sya. Kung di ko lang sana sya iniwan, di sana di mawawala sa akin si Ice. Alam ko, mahirap talaga sya iwasan dahil nasa iisang school lang kami pero gagawin ko ang lahat para magawa ko.

Kanina nung tinawag nya ako at sinabing miss na nya ako. Gusto ko syang yakapin at sabihing miss ko na rin sya pero di pwede. May Lourenz na sya at masaya sya dito. Di na nya siguro ako kelangan. Di ko rin ugaling manira ng kaligayahan ng iba. Ang nararamdaman ko ngayon ay itatago ko na lang para sa ikakabuti ng lahat. Siguro di pa nakatakda na magmahal ako ng taong nararapat sa akin. Siguro kelangan ko maghintay.

Bakit pa kasi ako nainlove sa bestfriend ko? Bakit kelangan akong masaktan ng dalawang beses? Kay Enzo? Kay Ice? Nakatadhana ba sa akin na maging dakilang heartbroken? O talagang di ko pa nakikita ang taong para sa akin? Siguro. Di ko alam.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon