chapter 32

2.9K 46 18
                                    

CHAPTER 32

*Lourenz's Pov*

Nagising ako ng umaga na yun na nasa isang kwarto na ako. Pamilyar sa akin ang kwarto. Weeeeeyt! Nasa kwarto ko na ako? Ano-- I mean, di ba? Ginulo ko ang buhok ko sa pagkalito.

Napabalikwas ako ng bangon saka agad na lumabas at bumaba ng sala. Wala namang anino ni Ice dun.. Panaginip lang ba yun lahat? Ang nangyari sa mahiwagang kotse? Pero hindi e. Dama ko pa rin na talagang may nangyari sa amin. Isa lang nasa isip ko ngayon. I'm not VIRGIN anymore! Mananagot sa akin ang Ice na yun! Tinake advantage nya ang kahinaan ko.. Fugdebar naman oh!

" Oh, Iha? Ano nangyari sa'yo? Bat parang na-rape ka sa ayos mo? " Ugh. Narape nga po talaga ako 'Ma. Huhuhu. Nirape ako ni Ice! Ang payat na yun, PINAGSAMANTALAHAN AKO! WAAAH! Huhuhu. He raped me! But.... teka nga? Kaso mukang di naman rape yun eh. Raped nga kasi surprise sex (LOL) pero nagpaubaya naman ako. Shemay naman! Waaah! Bat nangyari yun!!! I lose my precious ever ever super duper important treasure in my life!

" Lourenz? Are you okey? "

" Uh, y-yap! I'm fine. Sige 'Ma. Ligo muna ako. May pasok pa ako e. " Paakyat na sana ako ng hangdan ng may maalala ako. " Teka, Ma. Tanong ko lang, paano ako nakauwi dito? " Pagtataka ang nakita ko sa mukha nya.

" Anong tanong yan? Di ko nga namalayang nakauwi ka kagabi eh. Tapos ako ang tatanungin mo. Lokong bata 'to! Nakauwi ka, di mo alam! Baka naman nagbibisyo ka na ha! " Seryosong bintang ni Mama sa akin. Mukha na ba akong adik sa lagay ko na ito. Nagbago lang ang itsura ko pero di naman pumapasok sa isip ko ang maging adik noh! Mama ko talaga!

" Ma naman! Sa bait kong ito, iniisip nyong nagbibisyo ako. Wala kayong tiwala sa akin e. Gumanda lang ako pero di pa ako adik. Ahh, alam ko na. Hehe. Medyo makakalimutin na po kasi ako. Pasensya na.. "

Pati sa Westbridge, palaisipan pa rin sa akin kung paano ako nakauwi ng bahay kagabi. Ang pagkakatanda ko, nakatulog na ako kagabi sa sobrang... uhm, pagod sa kotse. Ugh! Mababaliw na ako sa kakaisip kung paano e.

" Bhest, nawala ka kagabi ah? Ano nangyari? " Tanong ni Courtney nung nasa locker kami.

" Si Ice kasi.. " Napatutop na lang ako ng bibig sa agaran kong pagsagot sa kanya. Agad nya akong hinawakan sa balikat ng dalawa nyang kamay.

" Oh? Anong si Ice? Nagkaayos na ba kayo ha? Bhest? " Napaismid na lang akong lumabas sa locker room kasunod nya.

" Psshh. Kami? Nungkang magkakaayos pa kami nun.. Kinulit nya lang ako kagabi. That's it! Sa sobrang kulit nya, umuwi na lang ako ng walang paalam. " And gosh! May nangyari sa amin, Bhesh. Waah. Gusto kong aminin sa kanya kaso nahihiya ako. Di ko alam kung paano ko aaminin and i'm pretty sure baka lalo lang nya akong kulitin na makipag-ayos sa Yelo na yun dahil sa nangyari.

" 'to naman! Alam ko namang until now, mahal mo pa rin si Ice e. Bat tinitikis mo pa rin.. "

" 'to! Kung makapagsalita, ikaw din maman ah! Mahal mo pa rin naman si Enzo hanggang ngayon ah. At akala mo di ko nakita yung kagabi. Alam kong pinasok ka ni Enzo sa CR. Kaw ha! Nung nangyari dun ha? "

" Uhh. Ano kasi--- " Haha. Success! Naligaw ko ang topic. Whew! Buti na lang. " Walang nangyari nuh! Pinaalis ko sya agad! Saka, i don't love him anymore after what've he done to me. " Napa-Weeh na lang ako.

Pagkatapos naming mag-usap, naghiwalay na kami sa hallway. Magkaiba kasi kami ng klase. Remember?

Nang nakapasok na ako ng room, una kong napansin ay wala si Ice dun sa palagi nyang inuupuan. Himala! Madalas kasi nauuna sya sa akin pag ganun ang subject. Naisip ko, baka di na sya magpakita sa akin pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa kagabi. Nakuha na nya kasi ang gusto nya e. Natapos ang buong araw na walang anino ni Ice na nagpakita sa akin. Ikinalungkot ko yun.. Dahil dun napaisip ako na YUN lang ata ang habol nya sa akin kasi di na sya nagpakita ng araw na yun.. Wala din yata syang pinagkaiba sa mga ibang lalaki na sex lang ang hanap sa babae. Nakakasakit naman ng damdamin. Akala ko naiiba talaga sya sa lahat ng lalaki. Yun pala, pareho lang.

Pero masyado naman ata akong OA na kahit one day lang na di ko sya nakita eh yun agad ang naisip ko. Baka may ginawa sya o ano.. Ayaw ko muna syang husgahan ng isang araw palang.

Pero inabot ng dalawang linggo, walang Ice na nagpakita sa akin at kumulit. Inisip ko, mukhang tama nga ang una kong naisip. Yun lang ang habol nya sa akin. Lalo na akong nagalit sa kanya, the same time nasaktan din ako sa ginawa nya sa akin. Sino ba naman ang hindi magagalit? Matapos nang nangyari sa amin, mawawala na lang syang parang bula na walang pasabi. Ni ha, ni ho wala! Ano ang gusto nya matuwa pa ako sa ginawa nya? Galit na nga ako sa kanya, gagatungan pa nya! Fudgeebar naman oh! Inaabuso na nya ako e. Madali namang magtext o tumawag e, bat kelangang gawin nya akong tanga! Oo, mahal ko sya at mali ang ginawa ko na basta ko lang sya brineak pero mas mali namang abusuhin nya ako di ba? Pinagmumukha akong tanga.. Pinaghintay sa wala! Pinag-iisip ng kung anu ano sa bigla nyang pagkawala.

" Miss, eto oh! " Nagulat ako nang may umabot ng purple hanky sa harap ko. " I think you need this.. " Atubili akong abutin yun sabay tingin sa mukha ng nag-offer nun. Mukhang bagong salta sa Westbrigde ang lalaking to. Gwapo sya, matangkad at medyo mahaba ang buhok nya. Medyo lang naman. As in! Sakto lang ang haba ng buhok. Lol.

" S-Salamat? " Sabi ko nang inabot ko ang panyo galing sa kanya at pinunas sa luha ko.

" Rence.. Terrence Arizdon. And you are? Lourenz Padilla, right? "

" Kilala mo ako? "

" Ofcourse. Sinong hindi? Eh sikat kayo sa buong Westbridge e. Eh ikaw kaya ang pinakapowerful na voice sa inyong apat at pinakaastig maggitara. "

" Oh! " Tangi ko nalang nasabi.

" Nung una nga, akala ko kung ano na yung pangalan ng banda nyo. Akala ko talaga ano.. hehe. Alam mo na.. "

" Ahh. Oo nga e. Pero iba naman yun e. Iskandalosa ang ibig sabihin nun. "

" kaya nga.. " Bakit ba ko nakikipag-usap sa lalaking to. Eh di naman kami close. " Pwedeng magtanong? Bat mag-isa kang umiiyak dito? May problema ba? Pwede mong ikwento sa akin, baka may maitulong ako. " Nakangiti pa talaga sya sa akin. Mukha naman syang mabait kaso di ako agad nagtitiwala sa di ko gaanong kilala. At isa pa, kakakilala ko lang sa kanya. Duh!

" Ang daldal mo pala noh? Di kasi ako nagsishare ng problema ko sa mga di ko gaanong kilala.. "

" Di naman ako masyadong madaldal eh. Naexcite lang kasi ako na nakausap ko ang isa mga member ng Scandal Band. Saka, sabi nila, nakakagaan daw ng pakiramdam kapag nagkwekwento ka sa di mo gaanong kilala. Nababawasan ang sama ng nararamdaman mo.. "

" Sorry pero ayaw ko talaga. Thanks sa concern at sa panyo mo. Isasauli ko na lang to kapag nalabhan ko na. Salamat talaga! " Tumayo ako at tumalikod na sa kanya.

" Renz.. " Lumingon ako ng bahagya sa kanya. " Renz, short cut ng Lourenz. Sounds like din ng Rence ah. Naks! Bagay 'ata tayo. Hehe. " Napailing na lang ako. Lakas ng loob na sabihin yun.

Iniwan ko na sya ng tuluyan dun at di pinansin ang mga sinabi nya. Kaso, hinabol pa ako at kinausap ng kinausap kahit di pinapansin. Madaldal talaga! Nakakairita lang! May sa pagkamakulit ang Terrence na to! Sobra! Naaalala ko lang sa kanya si Ice e.

Lumipas ang mga araw na palaging nandyan si Rence. Kulit ng kulit at di napapagod magkwento at magsalita. Minsan, naiinis na ako dahil parang carbon copy lang sya ni Ice pero may pinagkaiba din sila. Nagkataon lang na pareho silang makulit.

Umabot ng sobra isang buwan ang pagkawala ni Ice. Wala akong balita kung nasaan na sya o kung buhay pa ba ang hayop na yun! Kaya ngayon, galit na galit ako sa kanya at sobrang naiinis! Makita ko lang yun! Humanda talaga sya sa akin!

*nasa multimedia si Terrence Arizdon :)*

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon