CHAPTER 39
*Lourenz's Pov*
Napaurong ako nang pumasok kami sa restaurant na pinuntahan namin ni Ice. Ang akala ko ay kaming dalawa lang ang magdidinner pero mali pala ako.. May ibang tao pala. Ilang mesa na lang ang layo namin sa pinareserve nyang table.
" Ice, ano ang ibig sabihin nito?! Paano mo sya nakilala? Paano.. " Hindi talaga ako handang makita sya matapos ng ilang taon ang nakalipas. Kinalimutan ko na sya simula nung iwan nya kami. Pero ano 'to? Magpapakita sya? Para ano? Ang saktan na naman nya kami ni Mama? Nakaya namin ni Mama na wala sya ng pitong taon. Kinaya namin kahit mahirap.
" I'm sorry, Bhabe. Pinahanap ko sya kay Terrence. Alam kong magagalit ka sa ginawa ko pero ginawa ko lang 'to dahil tatay mo sya. Gusto kong maging masaya ka.. " hinawakan nya ko sa kamay.
" Masaya?? Paano ako sasaya na makita sya matapos ng pitong taon nyang pag-iwan sa amin.. Ang amang iniwan kami at pinagpalit sa babae nya! Iuwi mo na ako, Ice. Ayaw kong makipagkita sa kanya o makipag-usap man lang.. Kinamumuhian ko sya! Galit ako sa kanya sa ginawa nya sa amin! " winaksi ko ang kamay nya at umaktong lalabas kaso pinigilan nya ako.
" Please, wag muna! Gusto kong magkaayos kayo ng papa mo. Magka-usap. Kahit ano pa ang ginawa nya sa inyo, tatay mo pa rin sya. Kung may nagawa man sya noon, pinagsisihan na nya yun ngayon. "
" Ice, umuwi na tayo! Di porke nagka-ayos na tayo eh gagawin mo na 'to sa akin. Okey na kami ni Mama. Tahimik ang buhay namin na wala sya.. Ayaw ko ng pumasok pa sya muli sa buhay namin ni Mama, Ice. " Pinilit kong kinuha ang kamay ko sa kanya pero ayaw nya akong bitawan. Pinagtitinginan na rin kami ng mga kumakain dun. Ayaw ko talagang makipag-usap sa papa ko. Kahit pitong taon na ang nakalipas, masakit pa rin ang ginawa nya sa amin. Di pa rin naghihilom ang sakit ng pag-iwan nya sa pamilya nya.
" Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa'yo. Kahit ngayon ay kausapin mo sya para sa akin. Nakikiusap ako sa'yo, babe. Madami syang gustong sabihin sa'yo kaya sana naman kausapin mo na sya. Please? Kahit ngayon lang.. for me? " This time, hinawakan nya ang dalawa kong kamay habang nakikiusap sa akin. Bigla naman akong naguluhan sa ginawa nya.
" Di madali ang hinihiling mo. Di ko kaya.. Wala kang alam sa nararamdaman ko dahil di naman ikaw ang iniwanan. Di mo alam kung ano ang mga ginawa ni Mama para maging okey kami kahit wala sya. Wala kang alam kung ano ang mga hirap na naranasan naming nang iwan nya kami. Ice, yung sakit na nandito sa puso ko. Hindi madaling mawala! " Kumikirot ang puso ko kapag naalala ang mga ngayon. Til now, parang sariwa pa yun sa puso at isip ko.
" Alam ko.. " may nagsalita sa likod namin, " Alam ko ang laki ng kasalanan ko sa inyo ng mama mo pero lahat yun, pinagsisihan ko na. Lourenz, anak ko. " Pinigilan kong wag umiyak bago humarap sa kanya. Binitawan ako ni Ice.
" Ang lakas din ng loob mo para kausapin ako at magpakita ka! " gigil na gigil ako. Gusto ko syang sampalin at ipamukha ang mga ginawa nya pero magsasayang lang ako ng lakas.
" Anak, pakinggan mo naman ang mga paliwanag ko bago ka tuluyang magalit sa akin. Alam ko, di ko na mababawi ang mga panahon na nakalipas at ibalik ang oras na nasayang na dapat kasama ko kayo.. " He was misty eyed.
" Nasayang? Bakit di ka ba naging masaya sa kabit mo? Sa babaeng pinili mo kesa sa amin! " Nagpupuyos sa galit ang puso ko. Ang sakit sakit! Yung kahit ano pang sabihin ko, di pa rin nababawasan yung nasa loob ko.
" Anak.. "
" Anak?? Nagpapatawa ka ba? Wala ka ng anak! Patay na sya! Pinatay mo sa sama ng loob! " hinawakan ako ni Ice sa balikat.
" Babe, calm down. " sabi nya.
" Calm down? How can i? Nasa harap ko ang taong iniwan kami para sa ibang tao.. " niyakap nya din ako pero nagpumiglas lang ako.
BINABASA MO ANG
When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)
Teen FictionHi. I already change the TITLE OF THE STORY. So, baka magtaka ang iba. Title lang po ang napalitan ko. Pero yung laman, di naman. Pasensya na sa mga errors. Pakiunawa nalang po ;) Salamat sa mga naglagay sa RL nila at sa mga votes nyo. Na-appreciate...