14

12.4K 262 5
                                    

"Kamusta yung feeling na makahalik sa nag iisang Nicholai Romero? How it taste? Is it good or what? Do you like it?" sunod sunod na tanong ng mokong to habang nagda drive ng kotse patungo sa mall na sinabi ko sa kanya.

Mukhang sobrang saya niya kase nakahalik na naman siya sa labi ko. Sarap na talagang kasuhan ang lalaking to. Yung ngiti niya ngayon, daig pa yung nanalo sa isang lotto. Samantala ako naman, inis na inis at timping timpi na sa lahat ng pinanggagawa niya sakin. Di ko talaga alam kong anong sasabihin ng mga kaibigan ko pag nagkataon. Baka isipin nila na pinaasa ko lang talaga si Peter, at isa pang malaking problema pag nalaman ni Peter ang pinanggagawa ng lalaking to sakin. Isang malaking gulo to pagnagkataon. Bat kase nangyari ang lahat ng to? Bakit?

"Fine, speechless huh. I know my lips taste so good. You don't have to worried, it's just a kiss. A simple but precious kiss. I will treasure it til my last breath." dagdag pa nito.

Di talaga titigil tong mokong to ah, sapakin ko na lang kaya toh? Tss, adik sa kiss at adik sa lahat. Napaka manyak talaga, bat kase nagpapadala ako dito? 'Ni hindi ko naman kilala talaga to tapos ngayon magkasama na naman kami. Argh, stupid Francheska.

"I know, naguguluhan ka Amarra, pero sana aware kana kong gaano ako kaadik sayo. Nagsimula lang lahat to ng nakita kita sa bar at nung nahalikan kita. Your lips taste so sweet and I'm addicted on it." pahayag pa nito.

"Buti naman alam mo na naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Tsaka please lang ah, wag mokong manyakin kase never kong gugustuhin ang isang lalaki na ganon. Ket halikan mo pa ko ng halikan, di moko madadala sa ganyan. Sinasabi ko lang to kase gusto ko din na maging aware kana, ayoko din maging paasa sa isang gaya mo. Kaya kong ako sayo, maghanap ka ng babaeng suit o bagay talaga sayo. Sorry kong ganito ako sayo, sorry kong ganito ako magsalita sayo Nicholai at sorry sa feelings mo na nasasaktan ko."

Nakahinga ako ng mabuti ng mailabas ko ang mga katagang yun. I know na masasaktan ko talaga siya pero kailangan niyang intindihan lahat at unawain kung ano man yung point ko. Kase alam ko at the end, siya lang tong masasaktan.

Nagulat na lang ako ng biglang inihinto ni Nicholai ang sasakyan sa gilid. Agad siyang tumingin ng diretso sakin, tila ba'y may kung ano sa mga mata niya na gustong ipahiwatig sakin. Bigla akong kinabahan na di malaman ang dahilan. What now, Francheska?

"Bat sinasabi mo lahat yan? Is it because of that boy? I don't know his name. Siya na ba yung pinipili mo kaya nagagawa mong magsalita ng mga ganyan, Amarra? Akala ko bibigyan moko ng pagkakataon na ipakita ko sayo na totoo yung pinagsasabi ko, na gusto kita at adik ako sayo. Do you think susuko lang ng ganon ang isang Nicholai Romero? Do you think ganon na lang ako katanga na susuko sa lahat? Do you think hindi ako lalaban, makuha ka lang? Sinabi ko na din sayo, gagawa ako ng paraan makuha ko lang, kahit gumamit pa ko ng dahas na di mo magugustuhan. Cause I want you Amarra, I want you to be mine. Only mine." seryosong usal nito habang diresto pa rin ang mga titig sakin.

Parang natigilan ako sa mga salita niya. Mukhang napaka desperado niya na talaga at mukhang hindi na talaga biro ang lahat ng to. Shit! Ano ba toh. Lord, help me.

"Pinapagulo mo lang yung sitwasyon eh. Tsaka yung tinutukoy mo ay si Peter. Di porket sinasabi ko lahat ng to sa harapan mo ay para lang kay Peter. No, di yun sa iniisip mo. Ginagawa ko lahat ng to para mismo sa sarili ko. Di mo kase naiintidihan lahat, wala akong tiwala sayo. Alam kong desperado kana, pero please may taong nakalaan mismo sayo. Kung ako sayo, hintayin mo yung babaeng yun. Yung magpaparamdam ng salitang pagmamahal, yung gagawin niya ang lahat para sayo at yung babaeng di ka kayang mawala dahil mahal ka niya. At lahat ng yun ay hindi mo makikita sa isang katulad ko. Masyado kang perfect Nicholai, you have everything you wanted to. Pogi ka, mayaman tsaka hot, marami ang magkakagusto sayo. Ang love di mo madaling makikita yun sa isang tao, it takes time nga sabi nila. Yung satin, your only tempted, that's all."

Mukhang masasaktan ko na talaga ng sobra tong si Nicholai dahil sa mga pinagsasabi ko. Di ko intensyon manakit ng feelings ng iba pero para din to saming dalawa. I deserve someone and he also deserve someone better too.

"Get out of my car." malumanay na utos nito sakin.

Seryoso siya? Ano, palalakarin niya lang talaga ako? Ganito ba siya magalit ah?

"Amarra, I said get out of my car please." Utos ulit niya pero nasa malumanay na tono pa din.

Tumingin lang ako sa kanya samantala siya naman ay diretso na ang titig sa harap sa mismong daan. Nasaktan ko nga siya, masyado akong harsh sa kanya kaya ganito.

"I'm sorry for what I've said. Sorry for everything. Hope you still accept my apology, Nicholai. I have to go." paalam ko na tsaka agad ng lumabas sa kotse niya.

Nakalabas ako ng walang nakuhang sagot o salita galing sa kanya. He's mad at me. Bigla siyang umiba sa isang iglap. Yung tipong di na gaya nung nakaraan na masyadong makulit, aggressive at maingay. Yung Nicholai na mayroon ngayon ay masyadong nasaktan dahil sa ginawa ko. Masyado na ba kong bad or something? Di ko naman talaga ugali na manakit ng feelings ng iba, gusto ko lang naman na maging aware siya sa maaaring mangyari in between of us. Pero, I think may kasalanan pa din ako. Hay nako, mas lalo lang naging mahirap ang sitwasyon. Akala ko magiging okay na lahat, akala ko magiging okay at panatag nako pero hindi pa pala. What now, Francheska? Anong gagawin mo ngayon? Arghh.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon