50

14.2K 293 16
                                    

"Iuwi na lang natin yan. Habang nakikita ko ang pamumukha niya, ang sarap bugbugin ng paulit ulit."

Kanina pa naiinis si Nicholai dahil hanggang ngayon 'di ko pa pinapauwi si Peter. Actually, nasa loob na siya ng condo dahil nakakaawa siya. Wala na siyang malay at siguro nakatulog na din dahil sa kalasingan. Pinilit ko si Nicholai na ipasok muna siya rito dahil madilim na sa labas at nakakaawa siya talaga.

Alam kong kahit anong pagpapakalma ang ginagawa ko kay Nicholai, alam kong sa kaloob looban nitong galit na galit pa rin siya. Nakita niyang hinahalikan ako ni Peter at ang masaklap pa dun, nakita niyang pinupwersa ako ni Peter. Kaya ilang bugbog rin ang natamo ni Peter. Ewan ko na lang kung matandaan niya yung nangyari bukas.

"Dito na lang muna siya, Nicholai. Wala na siyang malay, at tignan mo rin ang mukha niya, nakakaawa. Binugbog mo siya ng sobra at ang masaklap dun, muntikan mo na siyang mapatay. Pag nakita yan nina Tito at Tita, baka ipahanap at ipabugbog din ang gumawa nyan sa anak nila." paliwanag ko gamit ang mahinahong tono.

Tumigil siya sa paglakad at hinarap ako. Seryosong tingin ang binigay niya sakin at nilabanan ko yun kahit ang totoo dahilan yun ng karera sa puso ko.

"Wala akong pake pag nalaman man nilang akong gumawa nyan sa anak nila. Gago e! Di makatarungan yung ginawa niya sayo. Kung 'di pa ko nakalabas nun at nakita yung pinaggagawa niya, ay ewan ko na lang kung ano na mangyayari. Nakita ko lahat, Amarra. Di ako magagalit sayo. Nakita ko naman na nagpupumiglas ka at pilit na lumalayo, pero itong gagong to, masyadong nakakabadtrip. Hinalikan at pinwersa ka pa. Tapos maririnig kong "You're mine, Ara", like, fucking shit!Hindi niya pa rin ba tanggap na wala na siyang pag asa sayo? Na ako yung mas daig dyan sayo?" seryoso niyang pahayag dahilan para mapahanga ako sa kanya. He's jelous at the sane time, he's mad. How cute!

"Siguro, nadala lang talaga si Peter sa kalasingan niya. But, don't worry, wala na yun.Alam mo naman na ikaw lang yung mahal ko. Kahit anong gawin ng iba maging si Peter pa yan, walang tatalab sakin.Di ako gaya ng ibang teenager dyan na marupok sa ibang lalaki. I only see myself with you. Only you. Gusto ko lang din magpasalamat dahil sa kabila ng lahat tinanggap mo'ko ulit at minamahal ng sobra pa.I'm too grateful for that, Nicholai. No words can explain how fully blessed and thankful I am for having you in my whole life."

"I'm more than thankful, hon. I've no regrets on chasing you since before.I've no regrets on falling in love with you. Finally, I have you and Nicole in my life. Only one thing I want to assure. I want you to take my last name 'til forever."

Halos 'di ko maexplain ang feeling lalo na sa huling sinabi ni Nicholai. I know what he meant for. Pero 'di nako nakasagot dahil inaya niya na kong matulog dahil malalim na rin ang gabi.

"Let's sleep."

Pumunta na kami sa kwarto ko tsaka natulog. Buti na lang din at 'di na siya kumontra pa sa favor ko. Tumabi lang siya sakin sabay yakap na tila ba'y takot akong makawala galing sa kanya. Di na kami nag usap pa at natulog na lang.

Ng magising ako ng kaumagahan, mag isa na lang akong natutulog sa kwarto. Nilibot ko ang paningin ko at walang Nicholai ang naririto sa loob ng kwarto. Bumangon na lang ako tsaka dumiretso sa loob ng banyo. Ginawa ko ang daily routine ko. Makalipas ang isang oras, natapos nako sa lahat.

Bumaba ako at nadatnan kong nagluluto si Nicholai ng umagahan namin.He's wearing my pink apron that makes me smile like an idiot.He's cute. Napansin kong gising na pala si Peter, at nandoon siya nakaupo sa isang upuan na tila ba'y wala sa sarili. Napailing na lang ako habang naglalakad papalapit sa kanila.

"Good morning." bati ko sa kanila. Agad naman lumingon si Nicholai dahilan para mapangiti ako. Kita ko rin na napalingon si Peter pero mas nanatili ang pokus ko sa lalaking suot suot ang pink apron ko.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon