Nakarating kami sa bahay at namangha ako dahil ang ganda ng pagkagawa nito. Siguro nga nakapag ipon ng maayos sina Mama at Papa para rito. Kaya siguro hindi na sila umuwi sa Pilipinas para lang ma secured lahat para samin.
"Take a rest, anak. O baka sakaling gutom ka? Kain ka na lang muna." saad ni Mama sakin.
"Magpapahinga lang po muna ako, Ma. Baba na lang po ko mamaya." mahinang sagot ko.
"Sige. Samahan na kita sa kwarto mo."
Nagpaalam lang muna ako kay Papa tsaka sumunod na kay Mama sa taas. 2 storey ang bahay at sa bandang kanan kami dumiretso. Napahinto kami sa huling kwarto at sigurong sariling room ko na iyon.
"Dito yung room mo, anak. Yang katabi mo, 2 rooms ng guestroom yan. Sa bandang kaliwa naman, yun naman ang kwarto namin ng Papa mo. Yung katabi naman ng kwarto namin, undecided pa kami kung anong gagawin namin dyan. Siguro hihingi na lang muna kami ng suggestion mo." paliwanag sakin ni Mama.
Nakinig ako sa sinabi ni Mama. Undecided pa siya sa isang room, what if sabihin ko na lang na para na lang yun sa magiging apo nila? Hindi pa nila totally alam, mamaya ko pa planong sabihin na buntis nga ko. Bahala na kung pagagalitan nila ako basta alam kung tatanggapin parin nila ako at ang magiging apo nila.
"Magpahinga kana, anak. Alam namin na pagod ka sa byahe. Baba ka na lang mamaya para kumain." dagdag pa ni Mama.
"Yes po, Ma. Thank you po ulit." pasasalamat ko dahilan na yakapin ako ni Mama.
"Wala yun. Ang mahalaga kasama kana namin at buo tayo ngayon."
Inilayo niya ko sa kanya at pumasok nako sa loob ng kwarto ko. Kulay purple ang room ko dahil isa rin yun sa gusto kong kulay. May malaking kama na kasya ata sa dalawa o tatlo. Maraming gamit, mga libro, malaking closet at iba pa. Namangha ako kase mukhang pinaghandaan talaga nila para sakin. Napangiti na lang ako at nag ayos na ng mga gamit ko.
Pagkatapos kong gawin lahat, at nagbihis na rin ako, napag isipan kung tawagan si Yuri. Nakahiga lang ako sa kama at hinihintay na sagutin ni Yuri yung tawag ko. Maya maya pa ay sinagot na nga niya.
"Yuri!! I miss you na." bungad ko sa kanya.
"Buti naman napatawag ka. Kakauwi lang namin at nandito nako sa bahay. I miss you too. Kamusta ka naman? Kamusta byahe? Okay lang ba? Wala bang problema?" sunod sunod niyang tanong. Natawa na lang ako dahil concern na concern talaga siya sakin. Si Yuri talaga ang pinakaclose ko sa lahat.
"Okay lang ako. Wala namang problema. Kaya chill lang, okay? So, hindi mo ba nakita si Peter dyan?" tanong ko.
"Hindi pa eh. Hindi ba siya tumatawag sayo o text man lang?"
"Wala pa sa ngayon. Ikaw ng bahala sa kanya dyan, Yuri. Ikaw na bahala magpaliwanag ng lahat."
"Oo, ako ng bahala. By the way, saan location niyo ngayon?"
"Melrose Avenue, Los Angeles, California."
"Really? Kainggit naman. Maganda dyan noh? "
"Oo. Pero mas maganda dyan sa atin."
"Agree. Mas magaganda at pogi yung mga pinoy."
"Oo naman. Sige. Kakain muna ako, Yuri. Ingat kayo dyan." pagpapaalam ko na.
"Sige. Ikaw din. Mas lalo mong ingatan dyan si baby. Update mo kami if boy or girl yan." sagot niya.
"Sige. Makakaasa ka. Bye."
Pagkatapos nun, bumaba nako para kumain. Nadatnan ko sina Mama at Papa na busy sa pag fill up ng mga documents. Ng makarating ako sa kanila, agad silang napahinto sa kanilang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...