"I miss you, hon." malumanay na sabi ni Nicholai ulit sakin.
Natahimik lang din yung mga kaibigan ko dahil sa sinabi ni Nicholai at ako naman di ko maexplain ang nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kanya na, I miss you too Nicholai. Kaso wala akong confidence kase sa totoo naman ay wala namamagitan sa aming dalawa.
Tumayo ako, at agad kong hinawakan ang kamay niya. Ni hindi nako nagsalita pa at agad ko siyang inaya na lumabas. Lumabas na lang kami ng restaurant at naghanap kami ng lugar na kung saan walang tao. Pumanta kami sa isang bench na medyo malayo na sa resto. Bago ko pa siya bitawan, agad niya kong naunahan dahilan para magyakap kaming dalawa. Buti na nga lang talaga at walang tao dito sa pwesto namin.
Wag ganito Nicholai, nahihirapan nako sa feelings ko sayo. Parang mababaliw nako dahil sa nagiging epekto mo sakin.
"I miss you so much. Sorry naging busy lang ako this few weeks kase may pinapagawa si Daddy sakin. Pero kung gusto mo, pwede na muna akong magpahinga at matutukan na kita." Biglaan sabi nito.
Agad akong lumayo sa kanya at tinignan ko siya ng maigi. Ganon pa din ang reaksyon niya, kalmado pero seryoso. Pinilit kong ilayo ang paningin ko sa kanya dahil halos daig pang may karera sa puso ko dahil sa mga titig nito.
"Wag mo ng gawin yan, Nicholai. Prioritize your work. I can handle myself." Usal ko.
"I know but I want to take my responsibilities on you. Just like what I've said, work can wait. I'll assure that you and my baby are definitely fine."
"Anong baby? Pinagsasabi mo. Kung ako sayo, tumutok kana sa trabaho mo at sa responsibilities mo bilang tagapangalaga ng mga business niyo. Marami ka pang dapat gawin, yun dapat ang paglaanan mo ng oras."
"I can handle everything. Bakit ba lagi mo na lang ako tinataboy? Tapos lagi mong dinideny yung about sa magiging anak natin. Are you scared or what? I know, soon, you'll get pregnant. I'm definitely sure that I'll be the father of that child."
Huminga ako ng malalim dahil sa mga sagot niya sakin. He's totally confident. Kahit anong deny ko, hindi pa rin siya nagpapatinag. Why, Nicholai? I'm doing this just for our sake. C'mon.
"I'm not pregnant. You're just paranoid. If I were you, just focus on your work. Settle everything. Don't mind me." sagot ko pa. Kita ko ang pag igting ng panga niya dahil na naman sa sagot ko.
"Sa tingin mo ba Amarra, kaya kong magtrabaho ng maayos sa sitwasyon natin ngayon? Nagtratrabaho ako kung saan saan but fuck, ikaw lagi yung naiisip ko. Ikaw yung laging sumasagi sa isipan ko. Parang mababaliw nako dahil hindi na kita nakikita at wala akong kaalam alam sa ginagawa mo. Kung pwede ko lang pabayaan lahat ng ginagawa ko, gagawin ko, just for you. I'm fucking inlove with you, Amarra. Magkikita nga tayo, tinataboy mo naman ako. It hurts, fucking hurt. Tinataboy ako ng babaeng gusto ko, fuck! Tell me, hindi mo ba ko gusto? O nagkakaganito ka lang dahil takot ka? Takot kang ipaglaban yung feelings mo? Answer me, please."
Kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Oh damn, what now Nicholai? Wag ganito. Oo, takot ako. Takot ako magconfess ng totoong feelings ko towards on him. Kase, imagine, nung una pa lang sobrang naiinis ako sa kanya at halos isumpa ko siya dahil sa pagiging bastos o manyakis niya pero damn, makita ko lang siya ngayon, magsalita lang siya ng kung ano ano, yakapin niya lang ako halos mabaliw nako. Gusto kong sumigaw dahil hindi ko na naiintindihan yung feelings ko. Ibang iba yung dating ni Nicholai kaysa kay Peter. Ni hindi ko naramdaman yung ganitong feeling kay Peter sa halos 2 taon niyang panliligaw sakin. Argh! Naiinis ako sa sarili ko.
"Nicholai, tinataboy kita para iwas na din sa gulo. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo, nasasaktan ka. Pero kase, di tayo pwede. Hindi talaga pwede. Intindihin mo na lang yung ibig kong sabihin." Paliwanag ko sa kabila ng sinabi niya.
"Ganon na lang yun? Kase hindi tayo pwede? Bakit naman hindi? Wala naman akong nakikitang rason para maging hindi tayo pwede sa isa't isa. Nararamdaman kita, Amarra. Nararamdaman kong mayroon talaga pero pinipilit mo lang itago yun. Why? Is it because of that guy?" tanong niya at alam kong tinutukoy niya si Peter.
Hinawakan niya yung magkabilang kamay ko. Masyado ng malungkot ang mata nito, at tila ba'y iiyak na din pero alam kong pinipilit niyang maging kalmado sa harapan ko.
"Amarra, I can be your man despite of all odds. I can take all risks just to have you. I'm fucking serious right now. If you're not going to fight for this, I'll fight for us." Dagdag pa niya.
Kinabahan na naman ako sa sinabi niya. Hindi na niya kailangang gumawa ng paraan kase useless lang lahat. One day, aalis nako at hindi na niya ko makikita ulit. Alam kong pag nangyari yun, lahat ng feelings niya sakin ay mawawala din. Alam kong makakahanap talaga siya ng ibang babae yung willing ipaglaban lahat. Maraming babae ang mababaliw sayo, Nicholai.
"Thank you, Nicholai. Sobrang grateful ko dahil may isa pang lalaking nagkakagusto sakin ng sobra at ikaw yun. Hindi ka nga nawalan ng pag asa na ipaglaban yang nararamdaman mo. Nakikita ko naman sayo na seryoso ka kahit minsan minamanyak mo pa din ako. Pero, alam kong sa puso mo, nagsasabi ka ng totoo. Thank you sa lahat kahit hindi naman talaga ako naging mabait sayo." tugon ko sa kanya dahilan para mapangiti siya.
Di naman siguro masama yung sinabi ko diba? Pinipilit ko ng maging mabait dahil halos lahat ng pag uusap namin, masyado akong nagtataray sa kanya. Ilang araw na lang din siguro ako dito kaya hindi na rin masama if bigyan ko siya ng kabaitan na mayroon ako.
Pero isa lang yung masasabi ko, pag ngumiti ang nag iisang Nicholai, damn, mas lalo siyang nagiging gwapo. If magiging lalaki nga yung baby ko, siguro magiging kamukhang kamukha niya talaga si Nicholai. Halos lahat nandyan na sa kanya. At syempre, kung babae naman malamang sakin na magmamana yun.
Napangiti na lang din ako sa naiisip ko. Para akong baliw. Arg!
"Why are you smiling? Nakita mo lang akong nakangiti, napangiti kana din. Pero, ang ganda mo lalo. Sana ganyan ka na lang lagi, sana ganyan ka lagi sakin. Yung tipong nakangiti ka at hindi yung umiiyak. Ayoko ng nakikita kang umiiyak ng dahil sa kagagohan ko. Gaya ng sabi ko, hindi mo deserve paiyakin."
"Sabihin mo, pag nakangiti ako mas lalo akong gumaganda kaya gusto mo lagi akong nakangiti. Paraan mo din eh. Kasalanan mo din kong bat ako umiiyak kase kong ano ano na lang yung ginagawa mo sakin."
"I know. Sorry for that. Pero hindi ko pa din maipapangako na hindi kita mamanyakin, nakakaadik ka eh." Nakangiting sagot nito sa sinabi ko.
Tumaas ang kilay ko, at siya naman nakangisi lang dahil sa sinabi niya. Baliw ka talaga, Nicholai!
Pero maya maya di ko na rin napagilang mapangiti. Ewan ko kung anong tumulak sakin para bigla ko siyang nilapitan at niyakap. Niyakap ko siya at natigilan siya sa pagngisi. Pinakiramdaman ko siya at unti unti niya na din akong niyakap ng mahigpit. Napangiti na lang ako lalo. Bahala na kung anong isipin niya basta ang mahalaga maipadama ko naman sa kanya toh kahit sa isang mabilis na pagkakataon lang din.
"Magkita ulit tayo ng Saturday kung gusto mo kong makasama. Bibigyan kita ng isang araw, Nicholai. Ipadama mo sakin yang nararamdaman mo sa araw na yun." Sabi ko sa pagitan ng yakap namin.
Halos di rin ako makapaniwala sa sinabi ko. Bahala na. Baka sakaling maaga ang pag alis ko kaya gusto ko na lang sulitan ang bawat sandali sa araw na yun.
Nicholai, I'm really sorry. Pero kailangan ko pa ring ilayo sayo ang magiging anak natin. Sorry.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...