Makalipas ang isang linggo, tinupad nga ni Nicholai ang sinabi niya sakin. Hindi nga siya nagpakita at hindi niya rin ako ginulo. Buti naman at tinutupad niya ang mismong salita niya.
Nung nakaraan, binisita ako nina Peter at ng mga kaibigan ko. Nabigla daw sila ng hindi nako masyadong lumalabas at sumasama sa kanila. Maging si Peter ay naging balisa na din dahil parang may kakaiba daw sakin. Pero pinilit kong maging normal sa harap nila kahit naguguluhan pa din ako sa mga nangyari, kung sasabihin ko ba ang totoo sa kanila o wag na lang.
Kasalukuyan akong naglilinis ng apartment ko ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Agad akong umupo muna at pinakiramdaman ang sarili ko. Kakasimula ko pa nga lang ng paglilinis, nahihilo na agad ako? Weird.
Maya maya, naglinis na ulit ako ng biglang may kumutok sa pintuan. Wag lang talaga si Nicholai, please. Hindi ko pa siya gustong makita.
"Hey! Francheska!!" sigaw ng tatlo kong kaibigan ng buksan ko ang pintuan.
Laking pasasalamat ko dahil sila lang pala yun. Agad nila akong niyakap at ganon din ang ginawa ko sa kanila.
"We miss you so much, Francheska. Bat kase hindi kana sumasama samin? Kainis ka, pero okay lang, desisyon mo yan eh, kaya kami na lang yung bibisita sayo. Diba, girls?" Usal ni Yuri.
"Yah, tama. Kamiss ka. Ano ba kasing nangyayari, bat ayaw mo ng gumala gala ngayon?" tanong naman ni Monica.
"Hinay hinay lang sa pagtanong, guys. If I were you, pumasok muna tayo sa loob." singit naman ni Loisa.
Buti pa tong isa, nakakaintindi. Papasok na sana kami ng biglang sumigaw si Peter.
"Hintayin niyo ko!"
"Nandito rin pala siya?" takang tanong ko.
"Ay, oo. Nahuli yan kase tinawagan pa yung mom niya. Miss ka din, syempre." sagot ni Yuri.
"Hey, how are you? I miss you." Agad na usal ni Peter ng nasa harapan ko na.
"Okay lang naman ako. Miss ko din kayong lahat, sobra. Thank you sa pag..." natigilan ako ng makaramdam ulit ng pagkahilo buti na lang at nakakapit ako sa balikat ni Peter.
Silang lahat ay nagulat din kaya agad silang nagsilapit sakin.
"Ara, are you okay? What happened?" alalang tanong ni Peter sabay hawak sakin.
"Francheska, anyare? May sakit kaba? Okay ka lang ah?" tanong naman ni Yuri.
"Cheska, okay ka lang ba? Worried kami sayo." usal naman ni Monica.
"Guys, pasok na kaya tayo. Kung ano ano na yung nangyayari kay Francheska dyan eh." suggestion ni Loisa.
Agad na kong pinasok ni Peter. Medyo nahihilo pa din ako gaya ng kanina. Ano ba naman toh?
"Bigyan niyo muna si Ara ng tubig, please." utos ni Peter.
Agad naman kumuha si Loisa. Tumabi sila sakin at kita ko sa mga mata nila ang pag aalala.
"Okay lang ako. Don't worry, guys. Medyo nahilo lang ako kanina, pero okay na din naman ako. Wag nga kayong kabahan dyan. Okay?" mahinahong usal ko.
"No, I think you're not okay. Should we go to the hospital?" sagot pa ni Peter.
"No need, Peter. I said, I'm okay. You don't have to worried. Chill lang kayo."
"Heto yung tubig, Fran, inumin mo." Inabot ni Loisa ang isang basong tubig sakin.
Ininum ko na lang yun. Nagsitahimik na din sila at naging tahimik na ang apartment ko. Hinihintay ko kong sino yung unang magsasalita sa kanila. Buti na lang at nagsalita na ulit si Yuri.
"Guys, kain kaya tayo sa labas. Atleast, sa ngayon makakasure talaga tayo na kompleto tayong lahat. Tsaka, baka nahihilo na dito si Francheska kase bagot na din siya o bored. Kaya, kain tayo sa labas."
"Oo nga. I think, Yuri's right. Treat ko na kayong lahat." Agad namang suggestion ni Peter.
"Agree ako dyan. Sama kana ulit, Cheska. Sige na please." pagpupumilit ni Monica sakin.
Hays, wala na siguro akong magagawa nito. Siguro, wala namang masama kong sasama ako sa kanila this time. Secured naman ako dahil andyan silang lahat lalo na si Peter. If ever man guluhin ako ni Nicholai, kampante ako dahil may mga magproprotekta sakin.
"Sige, sasama ako. Bihis lang ako saglit." nakangiting sagot ko. Kita ko ang pangiti nilang lahat dahil sa naging sagot ko.
Miss nga talaga siguro nila ako. Gosh, miss ko din naman sila ng sobra ah. Nakakamiss makipag hang out sa kanila, argh.
Umakyat nako at nagbihis. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na kami. Nasa front seat kami ngayon ni Peter dahil siya ang nagmamaneho at ang tatlo naman ay nasa likod. Tumingin ako sa kanila at nginitian sila.
Makalipas ang ilang minutong byahe, nakarating kami sa isang restaurant. Naunang pumasok ang tatlo sa loob at nahuli naman kami ni Peter. Nilapitan niya ko kaya tinignan ko siya ng maigi.
"Pwedeng pa hug?" diriktang usal niya.
"H-Huh?" wala sa sarili kong tanong.
"Pwedeng pa hug, Ara? Miss lang kita ng sobra, gustong gusto kitang yakapin simula pa kanina."
Di nako sumagot pa. Ako na mismong unang yumakap sa kanya dahilan para magulat ito. Niyakap ko si Peter dahil deserve niya rin to. Matagal ng nagsstay si Peter sakin at masasabi kong mahal niya nga talaga ako. Tama nga sila. I deserve, Peter and I'm lucky enough to have him. Maybe, he's the right man to be loved.
"Thank you so much, Peter. Nung simula hanggang ngayon, thank you talaga. Thank you dahil ako yung babaeng napili mong mahalin. Maswerte ako sayo, kaya sobrang thank you." mahinahong usal ko sabay layo na sa kanya.
Kita ko pa din sa expression ng mukha niya ang pagkalito dahil sa mga pinagsasabi ko. Ako lang toh, Peter. Yung babaeng may tinatago. Hoping, one day masabi ko din lahat ng mga bagay sa inyo.
"What do you mean, Ara? Mas maswerte ako dahil ikaw yung babaeng napili ko. Iba ka sa lahat, at wala kang katulad. Kaya kahit anong tagal pa yang sagot mo, hihintayin ko yan. You will always be my last, Francheska Amarra Abueva."
"Thanks. Pasok na tayo, Peter." pag aaya ko sa kanya.
Pumasok na nga kami at naka order na silang tatlo. Tinignan nila kami habang may pinighalong ngiti sa mga mukha nito. Mas malaki ang ngiti nung kay Yuri. What now? Okay lang sila?
"Kayo na ba?" Nakangising tanong ni Monica.
Nagkatinginan kami ni Peter dahil dun sa tanong. Ng tignan ko ulit ang tatlo, tila'y naghihintay pa din sila ng sagot namin. So? Ayun pala yung iniisip nila?
"Ano bang pinag iisip niyo ah? Nag usap lang kami. Yun lang yun, okay?" Ako na mismo yung nagbigay ng sagot sa kanila.
"Really? So, ano yung hug Francheska? Ikaw mismo yung nagfirst move, ah?" baling naman ni Yuri sakin.
"Wala nga. Kumain na lang kayo. Kain na din tayo, Peter." umupo nako sa tabi ni Yuri at ganon din ginawa ni Peter.
Nasa kalagitnan kami ng pagkain namin ng bigla akong nakaramdam ng masama.. para akong masusuka. Oh god!
Lahat sila ay napatingin sakin ng napigilan kong masuka sa harapan nila. Fuck! No way! Bawat isa sa kanila ay takang taka dahil sa naging kilos ko. Walang pasabi ay agad akong tumayo at pumunta ng cr nitong resto.
Pagkadating ko dun, agad akong nasuka. Hell no! Is it a sign? Am I pregnant?
Napaupo ako dahil sa napagtanto kong konklusyon sa isipan ko. Nawalan ako ng lakas. Heto na nga yung kinakakatakutan ko. Gosh!
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...