21

13.8K 289 9
                                    

WARNING: R+18 | MATURED CONTENT |
(Kung ayaw mong madumihan yang utak mo, feel free to skip this chapter. Pero kung makulit ka, why not? Magbasa kana HAHAHA Mwaa

Makalipas ang ilang oras na pananatili sa loob ng apartment ko ay biglang napatawag si Peter sakin.

Sinagot ko na lang yung tawag niya. Ano kayang sasabihin nito?

"Peter? Kamusta?" agad ko ng tanong sa kabilang linya.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago na tuluyang magsalita.

"Totoo bang pinag awayan ka ng dalawang lalaki sa bar kagabi? Sino ang mga yun? Bat 'di mo sinabi sakin? Nasaktan ka ba? Pinaiyak ka ba ng mga yun?" Sunod sunod na tanong niya sakin.

Bakit kaya nalaman niya yung nangyari kagabi? Sino kayang nagsabi sa kanya nito? Wala akong choice, kailangan ko na lang sabihin yung totoo para na din hindi siya magalit na nagsisinungaling pa ko.

"Peter, tama nga yung sinabi mo. Nagkaroon ng kunting misunderstanding sa loob ng bar kagabi. Pero okay na din naman yun tsaka hindi ako nasaktan. Kaya hindi mo na kailangang mag alala pa."

"Hindi mo ba sakin sasabihin na kinaladkad ka ng isang lalaki na Nicholai Romero ang pangalan? Siya ba yung lalaking sunod ng sunod sayo nung nakaraan? Sana naman paintindi mo toh ngayon sakin. Medyo naguguluhan na din ako, Ara." ramdam ko ang lungkot sa bawat bigkas nun ni Peter sa tawag naming dalawa.

"Tama nga, si Nicholai yun. Parang stalker ko lang siya pero wala ka naman dapat na ipag alala kase kinausap ko din naman siya. Sorry Peter dahil tinatago ko pa toh at nalaman mo pa sa iba na may Nicholai na gumugulo sakin. Naiintindihan ko kong magalit ka sakin ngayon, okay lang yun. Pero wala talagang namamagitan samin ng lalaking yun. Sigurado ako dun." paliwanag ko pa.

"Hindi ko naman kayang magalit sayo at alam mo yun. Buti rin sana kong boyfriend mo nako para tantanan kana ng mga lalaking yan. Yung malalaman nila na may lalaking nag mamay-ari sayo at ako yun. Kaso hindi pa eh, hindi mo pa din naman ako sinasagot kaya maaari ka talagang kunin sakin ng iba. Yun din yung kinatatakutan ko, Ara."

"Peter.. I'm sorry talaga. Makakahintay ka pa naman diba? Kaya mo pa naman diba?"

"Kaya ko, kinaya ko nga yung dalwang taon ngayon pa ba ko susuko? Gusto kita Ara, wala akong ibang babaeng binigyan ng atensyon at interes ko kundi sayo lang. Simula college tayo, ikaw at ikaw lang. Kase nakakasigurado akong iba ka sa ibang babae at mahal kita. Kahit sinong lalaki pa yan, kakalabanin ko din, mapasakin ka lang."

Natahimik ako sa mga sinabi niya. Mas lalo pa kong naguguluhan, bat kase 'di ko pa masagot sagot tong si Peter. Ayoko din naman na hindi sincere yung magiging sagot ko. Siguro kunting panahon o araw na lang, posibleng sasagutin ko na siya. Wag lang siguro muna ngayon.

"Hey, andyan kapa ba? Hindi mo ba nagustuhan yung mga sinabi ko? Look, I'm sorry." paghihingi niya ng paumanhin.

"No, it's okay. Nabigla lang ako. Sige usap na lang siguro tayo next time o 'di kaya magkita na lang tayo pag hindi ka busy."

"Sure. Mag ingat ka, okay? Diba, pupunta kayo mamaya sa bar ni Monica. Sana last na toh, Ara. Ayoko ng nakikita kang mag party para iwas na din sa gulo. Sana naman sundin mo, kahit ito lang." sagot nito.

"Sige Peter, makakaasa ka. I promise na hindi nako paparty at last na talaga toh."

"Good, thanks Ara. Sige bye, take care. Iloveyou." dagdag pa niya.

Natigilan ako kaya hindi agad ako nakasagot sa kanya. Pero bago pako makasagot ay nagsalita ito.

"Wag mo ng pansinin yung huling sinabi ko. Gusto ko lang talagang sabihin yun sayo. Intindihan mo na lang, Ara."

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon