"Mag usap tayo Nicholai. Yung tayong dalawa lang. And you! Stay here. Mag uusap din tayong dalawa." Utos at pagbabanta sakin ni Victoria. Bakas pa rin ang galit at inis sa pagmumukha niya.
Walang rason para umalis, Francheska. You need to be strong enough and fight this war. Matagal na kong mahina, pero this time, kailangan ko ng maging matatag lalo na pag yung taong mahal na pinag uusapan.
"There's no reason for us to talk, Victoria. Like I've said, let's end this. Everything. In between of us." seryoso pero kalmadong sagot ni Nicholai kay Victoria.
Napailing si Victoria sa naging sagot ni Nicholai sa kanya. Di nako nagsayang pa ng oras para makapagsalita ang dalawa, agad na kong sumagot kahit nasa ganitong sitwasyon pa din. Yes. I'm still naked. Only this thin blanket covers my naked body. Alam ko, dahil dito mas lalo pang naiinis si Victoria. Whatever!
"Go ahead, Nicholai. Talk to her and settle down everything in between of you and that woman." Utos ko kay Nicholai dahilan para tignan niya ko na may halong pagtataka. "And you! I just want to say that I'll never leave here unless kasama ko si Nicholai. If you want to talk? I'm free. At gusto ko din ipaintindi sayo lahat na, akin lang si Nicholai simula pa lang nung una." inis kong tugon naman kay Victoria.
"Wow! Humanda ka sakin mamaya. May oras ka din sakin. Let's go, Nicholai! Parang nasusuka nako rito. Masyadong nakaka stress ang mga ahas at higad ngayong panahon. Disgusting!" pagtataray niya sakin.
At the first place, hindi ako yung ahas o higad rito. Kundi siya. Simula pa lang naman, akin na si Nicholai e. Sarap sabunutan. Nakakainis!
"Stop that, Victoria. Fine. Let's talk." Agad namang napatingin sakin si Nicholai at mabilis itong lumapit. "I'll be back. Suotin mo muna yung damit ko, kunin mo na lang dun sa cabinet. I'll promise, I'll end this nonsense things with Victoria." mahina niyang tugon naman sakin.
Tumango na lang ako bilang sagot, at bago makaalis, hinalikan niya muna ang noo ko. Kita ko lalong pagkainis ni Victoria. Pero, wala akong pake. Tumalikod na si Nicholai at lumabas kasama si Victoria.
Naiwan akong mag isa sa loob. Sinunod ko ang sinabi ni Nicholai na kumuha ng damit dun sa cabinet nitong room niya. Kumuha ako ng polo shirt, at naging oversized na ito sakin. Nakita ko rin ang shorts niya. Medyo nailang pa'ko ng una, pero sinuot ko na lang din yun. Inayos ko ang mukha at sarili ko. At mas mabuti na to kesa nung kanina.
Sana naman talaga tumigil na si Victoria. Hindi niya kase alam na wala rin naman siyang chance pa kay Nicholai. May anak kami. So, alam kong mas pipiliin niya kami over her. But, I know, hindi lang iyon kadali na bitiwan si Nicholai lalo na kung napamahal na siya dun.
Makalipas ang ilang minuto, nakabalik na silang dalawa sa loob. Nadatnan nila akong nakaupo sa isang upuan, kaya agad akong napatayo. Lumapit sakin si Nicholai at tinignan ko siya ng maigi. Ganon pa rin siya. Mukhang maayos at kalmado.
"Kakausapin ko pa rin siya, Nicholai." biglang usal ni Victoria.
"Wag na." Tipid na sagot naman ni Nicholai.
"It's okay. Mag uusap kami, Nicholai. Don't worry." sagot ko.
"Dun tayo sa labas." walang ganang sagot ni Victoria at agad ng tumalikod samin.
Nagpaalam lang ako kay Nicholai at agad ng sumunod kay Victoria dun sa labas. Mabuti na rin dahil walang tao, at kaming dalawa lang nandoon. Agad niya kong nilapitan at seryosong tinitigan.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...