13

13.1K 254 8
                                    

Makalipas ang araw na yun, medyo kinabahan pa talaga ako lalo na sa mga maaaring mangyari at gagawin ng mokong yun. Di naman pwedeng sa 3 araw na yun, mapapasagot niya ko ng ganon na lang. Ano na lang sasabihin ng mga tao sakin? Lalo na ng mga kaibigan ko. Baka sabihin nila, may dugo na rin ako ng pagka higad. Bahala na!

Naalala ko pala na nagtext kagabi sakin si Yuri. Nag aya na samahan ko daw sa mall ngayon. Wala naman akong magagawa kaya pumayag na lang din ako. Maaga akong nagising kase yung totoo naman di ako makatulog ng maayos dahil sa mga pinagsasabi sakin ni Nicholai. Nagbihis na lang ako ng simple, at pinabayaan ko na lang din na lumugay ang mahaba kong buhok. Di na ko kumain kase wala din akong gana at agad na lang akong lumabas ng apartment ko.

Saktong paglabas ko ay agad kong nahagip ang pagmumukha ni Nicholai na nakapamulsa sabay tingin sa kalayuan, so naka side view siya sa gawi kong to. Nung una, akala ko guni guni ko na naman kaso totoo talaga siya. Ang gwapo niya tignan sa ganong posisyon, aminado na kong pogi niya sobra. Iba yung karisma na mayroon siya, yung tipong maiinlove talaga lahat ng babae sa kanya. Pero bakit? Bakit nainlove siya sakin? Ordinaryong babae lang naman ako, di naman ako gaya ng iba na sobrang maganda, sexy tapos mayaman. Baka trip lang ako nito? Baka masamang tao talaga toh? Baka kukunin niya yung organs ko pagkatapos ng lahat? Lord, wag naman sana.

Nagtama kaagad ang paningin namin sa isa't isa ng bumaling siya sa gawi ko. Agad akong kinabahan sa mga titig niya, tila ba'y sinusuri na naman ako. Unti unti siyang lumapit sakin samantala ako naman ay mukhang napako na sa aking kinatatayuan. Ano na naman kaya kailangan nito?

"Good morning. How's your sleep?" mahinahong tanong niya ng makalapit na siya sakin.

"Uhm? O-Okay lang naman, why did you ask?"

"I just wanted to. Tama lang ata dating ko rito, yayain pa naman sana kita." dagdag nito.

"Ano naman yun? Bat ba ang aga aga nandito kana sa lugar ko? Wala ka bang trabaho na dapat pagkaabalahan?"

"Ikaw muna ang pagkakaabalahan ko, Amarra. Nandito ako kase, gusto kitang yayain na kumain sa labas at mamasyal."

Kain? Pasyal? Lakas trip nito ah. Nahiya pang sabihin na date, mukhang date naman talaga gusto nito. Hay nako, di ko pa nga kilala tong lalaking to, bat ganon na lang siya magbigay ng motibo sakin? Arghh, I hate this.

"Sorry pero may iba akong appointment ngayon. Maghanap ka na lang ng ibang babaeng sasabay dyan sa mga trip mo. Tapos kong pwede lang sana, wag mong dalas dalasan yung pagpunta dito baka kase ano pang isipin ng iba lalo na ng mga kaibigan ko." seryosong usal ko sa kanya.

Seryoso din siyang nakatitig sakin. Mukhang okay naman yung sinabi ko dahil yun naman talaga ang karapat dapat na gawin niya. At the first place, we're not that close as he think. 'Ni hindi ko pa nga totally kilala toh, tapos mag aaya lang ng kung ano ano. Playing tricks, huh? Whatever!

"Sasama ako sayo." Seryosong sagot din niya.

"No way! Di ka sasama sakin. Please, umalis kana lang."

"No, sasama ako."

"Sabing wag na eh. Ano ba?"

Masyado bang di nakakaintindi toh? Sinabi na ngang wag o hindi, pilit pa rin ng pilit. Hay nako. Kita ko sa mga mata niya na parang inis na ito. Wow, siya pa talagang may ganang mainis ah, dapat ako yun eh. Tss.

"Amarra, pag sinabi kong sasama ako, sasama ako. Tapos ang usapan." pagdidiin niya sakin.

"Eh? Pag sinabi ko din na wag o hindi pwede, tapos na din ang usapan. Gets?"

"Sasama ako o hahalikan kita ngayon hanggang sa maubusan ka ng hininga. Choose now!"

Manyak talaga, bwesit ka Nicholai! Hindi solusyon ang halik sa kahit anong sitwasyon. Argh!

"Pumili ka, Amarra. Pasalamat ka nga tinitimpi ko pa sarili ko, kung hindi baka kanina pa kita dinala sa motel. Wala akong pake kong mainis ka man sakin, sabihin man akong manyak o anuman basta alam kong tinamaan ako sa isang babae at ikaw yun. Would you please respect my feelings? Amarra, please."

Shit, ano ba yan! Wag mong sasabihin Francheksa na nadala ka dun sa mga pinagsasabi ng manyakis na yun? Eh? Stress nako, shit!

"Sumama ka na nga. Wag ka ng magsalita ng kung ano ano dyan, tapos wag puro halik o kamanyakan yang iniisip mo kong ayaw mong masapak kita dyan."

"Sige lang, tatanggapin ko naman lahat kahit masaktan pako ng sobra. Pero alam ko sa sarili ko na, gusto na kita."

"Ewan ko sayo. Di moko madadala dyan sa mga pinagsasabi mo, okay?"

"Kung ganon, baka sa sunod gamitan na talaga kita ng dahas, makuha ka lang." Nakangising usal ng manyakis.

"Manyak ka talaga! Manyak!" Sigaw ko sabay alis sa harapan niya.

Rinig ko yung tawa ni Nicholai nung nag walkout ako sa harapan niya. Di pako tuluyan na nakalayo, rinig kong sambit pa nito.

"At the end, bibigay ka din sakin Amarra, baka nga sa huli magmakaawa kapa sa mismong harapan ko, matikman lang ako." sabay halakhak nito.

Ano daw? Ako magmamakaawa, matikman lang siya?Arghh, F*ck you.

Di ko na lang siya pinansin dahil baka ano pang magawa ko sa kanya. Sinisira niya lang yung araw ko, peste siya.

Papara pa sana ako ng taxi ng agad niyang hinablot yung kamay ko. Shit, ano na naman ba toh?

"Get inside the car." utos niya sakin.

"Ayoko nga."

"Easy, di kita dadalhin sa motel or saan man. Pupunta tayo sa appoinment mo, that's all. Kaya pumasok kana sa loob."

"Wag na nga, taxi na lang ako."

"Wag ng matigas ang ulo, Amarra. Mahahalikan lang kita pag ganon."

"Asa ka, di kana makakahalik pa sakin. Never."

"Talaga lang ah, siguraduhin mo yang never mo." Sabay ngisi nito.

"Oo, sigurado akong never ka ng makakahalik sa---"

Agad namang naputol yung sasabihin ko ng agad niyang sinunggaban ng halik ang malambot kong mga labi. Nakakailang atake na tong mokong to sakin a, sumusobra na siya. Arghh.


Dammit, di ko makakaila na ang sarap niyang humalik. Gosh, lahat ba ng nangyayari sa pagitan namin ng lalaking to, ay totoo? Baka one day, magising na lang ako sa katotohanan na, wala na. Baka at the end, ako yung mawalan o masaktan.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon