49

12.2K 281 7
                                    

Natapos kaming kumain ng walang Victoria na sagabal. Hindi na siya bumalik dahilan para makampanti kami. Nagpaalam muna si Nicholai na lumabas kaya naiwan kaming dalawa ni Nicole sa Daddy niya. Mabait siya. Yung tipong makakampanti ka kaagad. Kinakausap niya kami at ganon din ang anak ko. Hanggang sa ilang minuto na ang nakalipas, walang Nicholai na bumalik samin.


Iniwan ko muna si Nicole sa Lolo niya. At nagpaalam rin ako sa kanila na hanapin muna si Nicholai. Nakalabas ako ng mansion at nakita kong nakatalikod si Nicholai sa 'di kalayuan. Nagtaka ako kung bat hindi siya kaagad nakabalik. Agad ko siyang pinuntahan at nilapitan, dahilan para makita ko ang pinaggagawa niya.


He's smoking. Seryoso siyang nakatingin sa malayo habang naninigarilyo. Nagulat ako dahil ginagawa niya na pala ito. Noon, hindi ko pa siya nakitang ginawa toh. Time passed by, many things have been changed in a sudden.



Napansin niya ang presensya ko dahilan ng paglingon niya sa gilid. Agad niyang binaba ang sigarilyong nasa bibig niya at tinapon iyon.



"You're smoking. Since when?" tanong ko sa kanya.

"Sorry. Nakita mo pa kong naninigarilyo. It started when you leave me. Siguro dahil yun sa naging malungkot ako, kaya napunta ako sa bisyong to. Pero, madalang lang naman ako naninigarilyo. Medyo nainis lang ako kay Victoria kaya nagawa ko ulit to." paliwanag niya naman sakin.


"Ganon ba. It's okay kung gawin mo yan basta set limitation pa din. Isipin mo yunh health mo, okay?" pag aalala ko dahilan na tignan niya pa ko ng maigi.


"Thank you, hon. But starting right now, I'll quit."


"It depends on you. By the way, speaking of Victoria, paano kong ayaw niya talagang tumigil? I mean, paano kung ituloy niya talaga yung kasal at pag agaw sayo? Masyadong kampanti si Victoria at naiinis ako dahil dun." Sabi ko dahil para maging seryoso pa ko. Tama naman kase, masyado siyang kampanti sa lahat. Baka sa pagiging kampanti niya, maagaw pa niya ulit si Nicholai sakin. Ayokong mangyari yun.





"Magpapatalo ka na lang ba kay Victoria? Magiging mahina ka na lang ba? You're my girl. I believe in you. Wala na kong pake kay Victoria at sa gagawin niya. Mangarap na lang siya na matutuloy ang kasal dahil hanggang dun na lang yun." seryoso din niyang sagot dahilan para makumpyansa ako.


"Ayokong magpatalo. Ayoko na din na maging mahina. Ipaglalaban ko ang karapatan ko lalo na pag ang taong mahal ko na ang pinag uusapan." sagot ko. Nagtaka ako dahil napangisi siya. Napailing na lang ako dahil dun.

"Maraming nagbago sayo. Mas lalo ka na din atang nainlove sakin. No doubt. Nag iisang Nicholai Romero lang naman ito." proud niyang sabi dahilan para mapailing ulit ako.



"Wala akong masabi sayo."




"Hon, tell me, kailan nagsimula na magustuhan mo'ko? Simula ng una, masyado kang galit sakin at masyado kang mataray sakin noon. Paano naging ganito? Curious lang ako." tanong niya sabay lapit pa sakin. May kung ano na naman sa kaloob looban ko na parang nagkakarera. Kay Nicholai lang talaga ako nagkakaganito.


"Di ko talaga alam kung kailan nagsimula. Basta alam ko may kung ano sa sarili ko na hindi ko maipaliwanag lalo na pag kasama kita. Sobrang saya ko din nung pumunta tayo ng Amusement Park. Hanggang sa maramdaman ko rin na masaktan at maghinayang na iwan ka. Napagtanto ko sa sarili ko na mahal na nga kita." mahinang sambit ko.


Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at mas tinignan niya ko ng mabuti.



"Masyado akong thankful dahil minahal mo na din ako. Akala ko nun, 'di kita makukuha at mapapasakin kaya kung ano ano na ang pinaggagawa ko sayo. Masyado akong tempted sayo. May kung ano din sa sarili ko na hindi ko ma explain. But now, I'm fully satisfied and thankful for having you and Nicole in my life." sagot nito.



Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon