11

13.9K 327 5
                                    

Sobrang nakakailang para sakin na nandito kaming tatlo sa apartment ko. 'Ni hindi ko nga rin mapagtanto kung anong dahilan para mailang na lang ako ng ganito. Kasalukuyan kaming nakaupong tatlo sa sala at 'ni isa samin ay walang kumikibo para magsalita. Kahit di ko man titigan si Nicholai, alam na alam kong nasa akin lang siya nakatuon ng pansin. Pinilit kong magfocus kay Loisa na kahit ang totoo ay parang inaagaw talaga ng mokong to ang presensya ko.   Sa hindi ko alam na dahilan nilingon ko siya at tama nga ang hinala ko. Agad niya kong nginitian dahilan para lumantad ang dimple nito. Bat gwapo? Ay, ano? No way!

"Magtititigan na lang ba tayo dito?" agad niyang tanong.

"Mukhang gusto mo nga rin e. Hindi naman sa assuming a, mukhang kanina ka pa nag eenjoy na titigan ako." biro ko.

Nag angat agad ng tingin si Loisa sakin na tila ba'y nagulat sa sinabi ko. Samantalang si Nicholai naman mas lalong lumaki ang ngisi nito sa narinig niyang banat ko.

Sige ngisi ka pa dyan lalaki, assuming mo rin masyado e! Pero, di talaga mapagkakaila na  ang gwapo niya talaga kapag nakangisi at nakangiti siya.

"What if I said yes? Is it too obvious?"

"Hundred percent obvious."

"Cause you're driving me crazy. "

Agad namang napaubo si Loisa sa narinig niya. Gago talaga tong si Nicholai! Walang preno talaga ang  bibig kahit kailan.

"Just shut up, okay? By the way, gutom ka na ba Loisa?" baling ko sa kaibigan ko.

"Uhm, medyo. Hehehe."

"Kaso, wala pa kong pagkain dito e. Order na lang siguro tayo."

"Sige-sige."

"Ako ng oorder tsaka ako na din ang magbabayad." agad na singit nitong Nicholai.

"Ako ng babayad. Mayroon akong sariling pera." seryosong sagot ko naman.

"No, ako na."

"Ako na."

"No, I said, I'll pay for this."

"Ako na nga sabi e."

"Eh? Kung ako na lang kaya." biglang sabat ni Loisa dahilan para mapatigil kaming dalawa sa pagbabangayan kung sinong magbabayad ng oorderin.

"No way Loisa." sagot ko.

"Ako na sabing magbabayad, treat ko na to sa inyo. Pero kong gusto mo akong bayaran, mag date tayo. Then, bayad ka na kaagad nun." lahad pa niyang offer sakin.

Tss. Ayos din to e, date pa talaga ang gusto niyang maging kabayaran ng libreng to? Ang kapal talaga!

"Deal? My Amarra?"

"Talk to the air Nicholai."

"I'll only talk to you."

"Tss. Kung umorder ka na nga dyan, gutom na kami o." singhal ko.

"Fine."



Mahigit ilang minuto rin ang nagdaan at nakarating na din ang order namin. Agad na kong kumuha ng mga platong lalagyan ng pagkain tapos si Loisa naman ang bahala sa mga spoon and fork. Magkatabi kami ni Loisa sa upuan samantala nasa harapan ko naman mismo si Nicholai. Nilapag na namin ang mga pagkain sa mga lalagyan at nagsimula ng kumuha ng kakainin.

Kumain na kaming tatlo at naging matahimik na naman paligid namin. Habang sumusubo naman si Nicholai ng pagkain hindi niya talaga inaalis ang mga titig nito sakin.  Nakakabadtrip masyado ang mga titig niya. Hays.

"Kailan kaya tayo ulit makakaparty?" biglang usal ni Loisa sa gitna ng kainan namin.

"Di ko rin alam. Busy pa siguro ang dalawa." sagot ko naman.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon