32

10.9K 235 1
                                    

Kasalukuyan kaming nanonood ni Nicholai, at sa ngayon mas lalo akong nainis sa kanya. Halos pinipigilan ko lang ang sarii ko na masapak siya ngayon. Sino ba naman ang hindi maiinis, eh, yung pinapanood lang naman namin ngayon ay Justice League. Argh! Nakakainis! Akala ko pa naman romance or drama yung panonoorin namin, pero nagkamali ako. Anong tingin niya sakin? At sa tanda niyang toh, ganito pa rin yung pinapanood niya? Argh!

Naiinis nako tapos siya naman sobrang nag eenjoy dito sa tabi ko. Para siyang bata na nanonood sabay kain ng popcorn. Mukhang date na nga tong ginagawa namin pero panira pa rin yung taste niya sa movies. Dapat inayon niya naman sana samin dalawa. Bahala siya dyan mag enjoy, basta ako wala nako sa mood manood.

Habang tinitignan ko siya habang nakataas ang kilay ko, bigla naman siyang tumingin sa gawi ko dahilan para magtama ang paningin namin.

"Hey, are you okay? Bat parang wala kana sa mood dyan? Di ka ba nag eenjoy sa pinapanood natin?" tanong niya sabay pa din subo ng popcorn.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Nagpapa inosente kapa talaga, Nicholai ah? Sige lang.

"Siguro, tapusin mo na yan mag isa. Doon na lang muna ako sa labas, magpapahangin lang. Sige, enjoy ka." Sagot ko sabay tayo.

Pinigilan niya kaagad ang kamay ko dahilan para muntikan pa ko matumba. Buti na lang agad niyang hinawakan ang beywang ko. Napalunok na lang ako dahil dun.

"Don't you like it?" seryosong tanong niya sakin. "Fine, let's stop this. I'm sorry kase ito yung pinanood natin, I know this would be sound childish but that is one of my favorite movie that I've wanted to watch since I was young. Inakala ko magugustuhan mo din, pero hindi pala." dagdag pa niya.

Nanlumo ako sa sinabi niya. Naging harsh ba ko dahil hindi ko nagustuhan yung movie? Eh?

Hindi nako nakapag isip ng maayos ng kinaladkad niya nako palabas. Agad na naman nagtinginan ang mga tao samin pero wala lang yun kay Nicholai.

"Saan tayo pupunta, Nicholai?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako ng hindi binibigyan ng sagot. Nagtaka ako sa kinilos niya bigla, baka may gawin na naman sakin toh? Wag naman sana. Inaalala ko pa naman yung sarili ko dahil buntis ako ngayon. Umiling na lang ako sa naisip kong ideya.

Agad na kaming nakapunta sa sasakyan niya at agad niya rin akong pinapasok dun sa loob. Ng makapasok din siya, hindi na ito nagsayang pa ng oras at umalis. Nagtaka ako kung saan niya ko dadalhin ngayon.

"Nicholai, saan nga tayo pupunta? Hindi ka pa rin sasagot? Bababa na lang ako, bahala ka." sabi ko habang siya focus sa pagdadrive.

"Motel." tamad na sagot niya sakin.

Agad ko siyang pinandilatan. Motel? Wtf, Nicholai!

"Oh? Ayaw mo nun? Doon siguradong mag eenjoy talaga tayo hindi gaya nung kanina." dagdag pa niya.

Hindi nako nagsalita pa at sinuntok ko yung dibdib niya. Nagulat siya sa ginawa ko, habang nagdadrive yung isang kamay niya, ang isa naman ay pumipigil sa suntok ko.

"Motel? Mag isa ka dun. Ibaba mo na lang ako ngayon, Nicholai. Pasalamat ka nga pinagbigyan kita ngayon na makasama ako. Seryoso ako pero ikaw hindi. Bawas bawasan mo din ang pagmamanyak mo sakin. Nakakainis ka." pahayag ko.

Tinignan niya ko ng maigi at nilabanan ko rin iyon. Di mapagkakaila ang karisma nito. Unti unting bumagal ang takbo ng sasakyan nito. Inihinto niya muna ito saglit at agad na naman akong tinignan.

"Saan mo ba gustong pumunta? Favorite place mo? Tell me." tanong niya.

Napaisip ako sa tanong niya. Tatlo lang naman ang gusto kong puntahan, yun yung Bar nina Monica, ang probinsya namin at yung Amusement Park na pinapasyalan namin nung bata pa ko. Napangiti ako ng maalala ko ang mga ginagawa namin noon kasama si Mama at Papa nung hindi pa talaga sila busy sa trabaho nila. Hays, nakakamiss din at halos matagal tagal na rin kaming hindi nakakapunta sa mga ganong lugar.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon