"Francheska naman eh, bat napaaga yung alis mo? Diba, bukas pa dapat yung flight mo? Nagmamadali ka namang iwan kami eh." agad na singhal ni Yuri sakin ng makarating sila sa apartment ko.
Maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako makatulog ng maayos. Tinawagan ko nga kaagad si Yuri para makapag alam ako sa kanila ng maayos. Ng malaman niyang ngayon nako mismong aalis, agad siyang napasinghal dahil bigla biglaan daw ako aalis ng wala man lang pasabi. Agad silang pumunta dito kahit sobrang aga pa. Nag aayos pa lang ako ng ilang gamit ko ng maabutan nila ako.
"Mas maaga, mas mabuti. Babalik naman ako kaya wag kayong mag aalala. Mangaganak lang ako dun at pagkatapos babalik din." pahayag ko.
Nagsilapit sila sakin at agad akong niyakap. Si Monica ay naiiyak na at si Loisa naman ay pinipigilan na din ang sarili na maiyak. Tinignan ko naman si Yuri na nag iiwas ng tingin sakin. Niyakap ko muna ang dalawa tsaka lumapit sa kanya.
"Yuri, babalik ako pagkatapos ng lahat." mahinahong pahayag ko.
"Fine. Wala na kong magagawa pa, desisyon mo yan. Anong oras ba yung flight mo mamaya?" tanong niya.
"3 pm. May oras pa kong makabonding sa inyo. Tsaka, sana hatid niyo ko sa airport." nakangising saad ko sa kanya.
"Syempre naman. Pero, si Peter? Nasabihan mo ba siya? Alam niya na ba na aalis ka ngayon?" sunod sunod pa niyang tanong. Wala pa din akong lakas na sabihin toh kay Peter. Siguro nga magagalit na talaga siya sakin pag malaman niya lahat. Siguro nga pati na rin sina Tita at Tito ay magalit din sakin ng sobra dahil na rin sa pagpapaasa sa anak nila.
"Hindi niya alam, Yuri. Wala siyang alam kahit kunting detalye man lang."
"Eh? Paano nyan? Wala ka ba talagang plano ipaalam sa kanya?"
"Wala akong lakas na sabihin sa kanya. Takot rin ako sa magiging reaksyon niya. 2 years siyang naghintay sakin tapos malalaman niya na ganito nako. Masasaktan at magagalit yun sakin at natatakot ako dun." nanlumo ako sa sinabi ko dahil posible talagang mangyari yun sa pagitan namin ni Peter.
"Naiintindihan kita. Pero kung gusto mo, ipapaliwanag ko sa kanya if ever na magtanong siya sakin o hanapin ka niya. Okay lang ba yun sayo? Kase kilala mo si Peter, hindi ka lang makita o maramdaman nun, hahanapin ka talaga nun kahit saan ka pa." sagot nito.
"Oo nga eh. Hays. Sige, ikaw ng bahala sa mga maaaring mangyari kung posibleng magtanong o magtaka na siya sakin."
"Sige."
Masyadong mabilis ang oras at malapit na rin akong umalis. Nagpaalam muna ako sa kanila na mag aayos nako ng sarili ko para wala ng pagproproblemahin mamaya.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik nako sa kanila. Simpleng pink dress lang ang suot ko ngayon at nilugay ang mahaba kong buhok. Ready na rin ang lahat ng gamit ko at maghihintay na lang ako ng ilang oras para sa flight ko.
"Ang swerte ng magiging anak mo, Cheska. Maganda yung mommy at pogi rin yung daddy niya." sabi ni Monica dahilan para mapangiti ako. Nakaupo lang kaming apat ngayon, at hinihintay lang yung oras.
"Siguro nga. Sana babae yung anak ko." nakangiting tugon ko.
"May nakalimutan kapa, Monica. Syempre, may magaganda pang ninang diba? Di lang maganda, sexy pa. Sobrang pinagpala nyan pagnagkataon." cool na sagot ni Yuri.
"May naisip ka na bang pangalan, Fran?" tanong naman ni Loisa.
"Wala pa eh."
Nag usap usap lang kaming apat hanggang sa tumakda na ang oras. Agad na kaming umalis pero bago ang lahat tinignan ko muna ng maigi ang apartment ko dahil sobrang marami ding memories ang mayroon dito. Napangiti na lang ako at tuluyan ng nilock yun. Si Monica ang nagdrive ng sasakyan at tumabi naman si Loisa sa kanya sa harapan. Kami naman ni Yuri ang nasa likod hanggang sa tuluyan na nga kaming umalis.
Nakarating kami sa airport at tinulungan nila ako sa mga bagahe ko. Doon ko na rin naramdaman na parang maiiyak nako. Ito yung unang una na malalayo ako sa kanila ng sobrang layo. Maninibago man ako at hahanapin ko talaga sila sa tabi ko. Hinarap ko sila at kita ko ang lungkot sa mga mata ng bawat isa sa kanila.
"Mamimiss ka talaga namin, Cheska. Wag mo kaming kalilimutan. Wag ka rin maghahanap ng ibang kaibigan dun." usal ni Monica.
"Mag iingat ka, Fran. Ingatan mo rin ang baby mo, okay? Update mo rin kami lagi at bumalik ka kaagad. Magbobonding pa ulit tayo pag nakabalik ka." saad naman ni Loisa.
"Francheska Amarra Abueva. Bat kase kailangan pang umabot tayo sa ganito? Mamimiss ka namin ng sobra. Gaya nga ng sabi nilang dalawa, ingatan mo sarili mo at ang magiging baby mo. Dito mo pabibinyagan yan ha. Gusto ko pang umattend sa binyag nyan. Sana this time, tumawag o magtext kana samin. Update lagi para updated naman kami." pahayag naman ni Yuri sakin.
At this moment, hindi ko na nga napigilang umiyak sa harap nila. Humagulgol ako ng iyak dahilan para yakapin nila ako ng napakahigpit. Napaiyak na din sila. Maya maya ay lumayo na sila sakin at pinilit kong pakalmahin din ang sarili ko.
"Guys, thank you so much. Lahat ng sinabi niyo, tatandaan ko yun. Sobrang saya ko dahil may kaibigan ako gaya niyo. Mamimiss ko din kayo ng sobra. Mamimiss kong gawin lahat kasama niyo. Wag niyo rin pababayaan yung mga sarili niyo ha. Wag puro gimik palagi o hang out. Spend your time with your loved ones. Manage niyo na rin yung mga businesses niyo. Hinay hinay lang din sa mga lalaki, baka saktan lang kayo. Tandaan niyo rin ang sinabi ko ha." Sagot ko.
Tumango sila sakin at nagpunas na din ng mga mukha nila. Niyakap ko ulit sila at pagkatapos nun nag aya muna si Yuri na magselfie kahit ganon na ang mukha namin. Remembrance na rin daw kase.
At tuluyan na nga kong tumalikod sa kanila. Habang papalayo nako sa kanila, di ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Ngunit bigla na lang akong may naisip dahilan para buksan ko ang bag ko. Kinuha ko ang isang envelope at bumalik sa mga kaibigan ko.
"May problema ba?" takang tanong ni Loisa.
"Loisa, may favor ako sayo."
"Ano yun?"
"Uhm. Pakibigay sana kay Nicholai, kung pwede lang." mahinahong tugon ko sabay abot ng envelope. Nagtaka sila pero kinuha na rin yun ni Loisa.
"Makakaasa ka, Fran. Bibigay ko sa kanya toh." sagot niya.
Napangiti na lang ako at nagpaalam na ulit na aalis na. Sobrang lungkot ko dahil tinatalikuran ko na at nilalayuan ang mga kaibigan ko. Pero kailangan kong maging matatag. Ito na ang simula ng bagong buhay ko.
_____________________________________
Makalipas ang ilang oras na byahe, nakarating na rin ako sa airport kung saan naghihintay sina Mama at Papa sakin. Tinignan ko ang bawat tao baka sakaling makita ko sila. Maya maya pa ay nakita ko ang isang banner na may nakasulat na "Welcome home our dearest daughter. Love, Mama and Papa." Si Mama pa ang nakahawak nun at katabi niya si Papa. Agad akong kumaway sa kanila at agad rin silang lumapit sakin. Umiyak si Mama ng makita niya ko ng malapitan pagkatapos ng ilang taon. Si Papa naman ay agad akong niyakap. Sobrang miss ko rin sila.
"We miss you, anak." bati ni Mama sakin.
"Miss you too, po."
"Okay lang ba yung byahe mo, anak? Hindi ka ba nahirapan?" tanong naman ni Papa.
"Wala naman po, Pa. Ayos lang po ko."
"Buti naman. Tara na. Alam naming pagod ka sa byahe at oras na para makapagpahinga ka na." pag aaya ni Papa.
Tumango ako bilang sagot at umalis na kami. Sumakay kami sa kotse ni Papa papunta sa bahay namin. Naka stay pala sila ngayon sa Melrose Avenue. Kasalukuyan kasing may business partnership sina Mama at Papa dito sa Los Angeles, California pero dun nagpatayo ng bahay si Papa sa Melrose. Maninibago talaga ako nito, sasanayin ko na lang siguro ang sarili ko.
Habang nasa byahe kami, di pa rin mawala sa isipin ko ang mga kaibigan ko. Ganon na din si Peter at maging si Nicholai. Siguro pag balang araw na malaman ni Nicholai na nilayo ko sa kanya ang anak niya, baka tuluyan niya na kong isumpa. Kailangan kong paghandaan ang araw na yun. Masasaktan ko ang taong mahal ko dahil lang sa desisyon kong toh. Hays.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...