42

10.4K 269 11
                                    

"Ready na kayo dyan? Papunta na silang tatlo dun sa restaurant na sinasabi ko sayo." ani ni Peter sa tawag habang nagdadrive papunta dito sa condo.  Napagdesisyunan kasing makipag dinner kasama ang tatlo kong kaibigan at dun rin magaganap ang pagsurprise namin sa kanila.

"Okay na kami dito. Hinihintay ka na lang namin. Malapit kana ba?" tanong ko.

"I almost there. Give me 3 minutes." sagot nito.

"Okay. Drive safely. End ko na muna." paalam ko.

Naghintay na lang muna kami ng anak ko sa pagdating ni Peter. Napangiti ako ng tignan ko si Nicole na nasa tabi ko, dagdag pa ang agaw atensyon niyang damit. Napatingin din ako sa suot ko, at halos walang pinagkaiba. White dress na mayroong heart sign sa mismong banda ng dibdib namin. Binili ko toh nung nandoon pa kami sa LA. For mom and child daw kase kaya agad talaga akong napabili ng ganito. Ang cute kase.

"Baby, are you hungry?" Tanong ko dahilan para mapatingin siya sakin.

"I'm not. How 'bout you, mom?" She answered.

"Not yet. By the way,  maging mabait ka mamaya ah, tsaka iready mo dapat ang sarili mo sa posibleng gawin ng mga ninang mo."

"Opo. Excited na po kong makita sila. Sino po yung mabait sa lahat? Tsaka, pinakamaganda, mom?" tanong niya sakin.

"Yung mabait? Halos lahat naman sila. Tsaka, yung maganda? Lahat din. Kaya maswerte ka sa kanila, baby."

"I see. But, for me, you're the prettiest. Your beauty is no compared with the other girls, mom. I'm still into you." malambing niyang  tugon sakin dahilan ng pangiti ko. Marami talaga nagsasabi sakin na maganda raw ako sa aming apat, pero para sakin pantay pantay lang at walang lamang.

All of us are beautiful and unique. We should proud of it.

"I'll take it as a compliment. Alam ko naman na ako yung kakampihan mo dahil mommy moko." nakangising sagot ko sa anak ko.

Napailing ito. "No. I'm just telling the truth. You're pretty, mom. I wish, we look the same." tugon niya sabay yuko na tila ba'y nalungkot sa sinabi niya.

Di niya nga nakuha lahat ng features ko, pero halos lahat naman ng features ni Nicholai ay nasa kanya. Hindi nako mabibigla pa pag lumaki siyang maganda.

"You're also pretty. Manang mana ka sa Daddy mo."

"Daddy Peter?"

"Nope. The real one." mahinang sagot ko dahilan para sumigla siya. Never kong kinukwento talaga sa kanya ang tungkol kay Nicholai kase alam kong magtatanong lang din siya ng magtatanong.

"Really, mom? I miss my real dad. I wish, we meet someday. I'll hug him tight the way I hug you. I also wish that one day, we will be completed." malumanay niyang sabi. May kung anong awa akong naramdaman habang tinitignan ko ang anak ko. Alam kong naghahanap din siya ng pagmamahal at aaruga ng isang ama. Pero, hindi pa pwede. Hinding hindi. Lalo na ngayon na may babae na siya, maybe girlfriend?


"It's okay. Nandito naman ako. I can be your mom at the same time your dad. Kaya sa ngayon, wag mo na lang isipin yan."

"Okay po. By the way, ano po yung totoong pangalan ni Dad?" inosente niyang tanong, at nakatuon lahat ng pokus niya sakin.


Napalunok ako at kinabahan. Sasabihin ko ba? Pero? Pano kung magkita sila? Hindi pa pwede.



"Baby, for now, I can't answered your question." sagot ko.



"But? Please." Pagmamakaawa nito.



Magsasalita pa sana ako ng dumating na si Peter. Mabuti na rin yun para 'di ko masagot yung tinanong niya sakin. Agad na kaming umalis pagkatapos nun.




Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon