43

10.8K 271 21
                                    

Dumaan ang ilang araw na hindi nako lumabas pa ng condo. Sinadya ko talaga yun baka sakaling makita ko na naman yung Victoria na yun. Nakakainis.

I've tried to research some sort of informations regarding Nicholai and that girl named Victoria. As a result, it seems that she's telling the truth. Yeah. He's Nicholai's fiancee.

Kaya nawalan na rin ako ng ganang lumabas muna. I've stay here in my condo for almost how many days already. Inalagaan ko na lang muna si Nicole, nag ayos din ako ng condo at kung ano ano pang pwedeng pakabalahan. Buti na lang at pumupunta pa rin dito si Peter at nung nakaraan, binisita din ako ng tatlo. Sa ngayon, naging busy pa sila dahilan para hindi sila makapunta. Tulog pa hanggang ngayon si Nicole, samantalang ako naman 'di ko alam kong anong gagawin ko ganitong araw.

Niready ko na lang muna ang kakainin ng anak ko. Inayos ko ang mga plato maging ang pagkain. Umupo na lang muna ulit ako at pinagkaabalahan ang phone ko. Maya maya pa ay nakatanggap ako ng text galing kay Peter. Binasa ko yun at napagtanto kong gising na pala ang anak ko.

Pupunta raw dito si Peter dahil wala rin naman siyang magawa dun sa kanila. Mabuti na rin yun para may kasama kami rito.

Pinakain ko muna si Nicole tsaka pinaligo pagkatapos. Pagkatapos ng lahat ng yun, sinuklay ko ang buhok niya at sinabihan na pupunta rito si Peter.

"Daddy Peter will come, baby. You can play again with him if you want." Sabi ko habang sinusuklay pa din ang buhok niya.

"Sure, mom. Ang swerte po natin kay Daddy, kahit na hindi po siya yung tunay na daddy ko at kahit kaibigan niyo lang po siya but still, he care for us. That's why, I like him." Mahinang tugon ng anak ko.

"Yes, we're lucky. Mabait nga talaga si Peter simula noon kaya hanga ako sa kanya."

"Friends lang po ba talaga kayo? Don't you like him more than a friend?" Pag uusisa pa niya.

"You're too young for that. Stay here, okay? You can play with your dolls, too. I'll just take a shower. I'll be back." pahayag ko sabay kuha na ng towel para makapagligo.

Tumango na lang siya tsaka kumuha ng mga dolls niya galing abroad. Dumiretso nako sa bathroom tsaka naligo. Natapos rin ako makalipas ang kalahating oras. Lumabas ako na naka towel lang dahil kami lang din naman ni Nicole ang nandito. Nahagip ko bigla si Peter na nakikipaglaro sa anak ko at sa mismong gawi ko pa siya nakatuon dahilan para makita niya ko agad. Napalunok ako dahil sa suot ko, napatingin lang din naman siya sakin na mukhang naiilang.

"Kuha lang ako ng damit. Maglaro lang kayo dyan. Wag niyo lang akong pansinin." usal ko habang naiilang. Kumuha lang ako ng high waist at two toned croptop. 'Ni hindi ko na sila tinignan pa at pumasok na ulit sa loob ng bathroom. Kinabahan ako na parang ewan. Hindi ako sanay na makita ng ibang tao na ganon lalo na pag lalaki. Nakakailang ng sobra.


Pagkatapos kung makabihis, hindi ko na sila nadatnan pa sa kwarto. Baka nasa baba na sila ngayon. Humarap na lang muna ako sa salamin at kumuha ng blower para sa buhok ko. Pagkatapos nun, kunting cream at liptint lang nilagay ko. Kahit 28 nako, ganito pa rin ako mag ayos. Tumayo ako at nakita ko ang hubog ng katawan ko. Sa kabila ng lahat, kahit may isa akong anak, makikitang maganda pa rin ang katawan ko at mukhang teenager lang dahil na rin sa suot ko ngayon. Napangiti na lang ako na parang baliw. Kahit ako, nagagandahan na rin sa sarili ko. Pftt.



"Hey, anong plano natin for today?" tanong ko ng makita ko sila na nanonood ng cartoon movie sa sala.

"Mommy, you're pretty." compliment ng anak ko ng makita niya ko.

Nginitian ko siya at agad namang tinignan si Peter na seryosong nakatitig sakin. Bigla akong nagtaka dahil sa reaksyon niya.


"Peter? So, may plano ka ba para sa ngayong araw?" tanong ko sa pagitan ng pagtitigan naming dalawa.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon