Bumalik nako sa table namin ng mga kaibigan ko. Sumama si Nicholai sa pagbalik dahil may bibilhin din siyang kakainin niya. Ng makaupo ulit ako sa upuan ko, agad na naman silang kumibo at nagtanong. Hindi ko muna sila pinansin dahil nauuhaw nako dahilan para kunin ko yung drinks na nasa harapan ko.
"What happened? Is it true na si Nicholai yung ama niyang dinadala mo? But, how? How 'bout Peter? Did he already know all of this?" Sunod sunod na tanong ni Monica.
"Anong pinag usapan niyo? Bat nandito pa rin yan? May nangyari na naman ba sa inyo na hindi namin alam?" tanong din ni Yuri.
Inayos ko muna ang sarili ko. Bago ko sila sagutin sa tanong nila sakin, bahagya muna akong tumingin sa direksiyon ni Nicholai. Kasalukuyan siyang umoorder ng pagkain sa counter at halos ang laki din ng ngiti ng babae sa harapan nito. Tumaas ang kilay ko dahil mukhang gusto ng babaeng haliparot na yun si Nicholai. Seryoso naman itong naghihintay ng order niya. Sinabi niya din kanina na aalis na siya pagkatapos niyang makapag order. Magkikita pa rin naman daw kami sa Saturday kaya kampante siya sa ngayon.
Halos manisay na sa kilig ang babae at nakakainis siyang tignan. Sumingkit ang mata ko dahil sa kilos ng babae sa harapan ni Nicholai kahit ang totoo ay hindi naman siya pinapansin nito. Halos mapamura ako ng tumingin sa gawi namin si Nicholai at kitang kita niya ang reaksyon ko habang tinitignan sila. Napangisi siya sa hindi ko malamang dahilan, at yun rin ang dahilan para mag iwas ako ng tingin. Inaayos ko na lang ulit ang sarili ko at hinarap na ang mga kaibigan kong sakin din pala nakatingin. Halos ang reaksyon nilang tatlo ay pareho lang at tila ba'y naguguluhan sila sakin.
Nginitian ko sila pero ganon pa rin ang reaksyon nila. Eh?
"Grabe naman kayo makatingin sakin. Wag nga kayong ganyan. Nakaka awkward naman eh." usal ko.
"Look at you, Francheska. Masyado ka ng nagpapahalata na gusto mo yang si Nicholai. Anyare? Hindi ka naman ganyan noon ah? What now?" tugon ni Yuri na tila ba'y naguguluhan.
"Agree ako kay Yuri, Fran. The way you look at Nicholai, it seems that you really like him. We can sense it." baling din naman ni Loisa.
Yumuko ako at humugot ng lakas. Masyado lang silang nagugulahan kaya sila ganito sakin. I can understand them.
"Ewan ko kung bat ako nagkakaganito. Sorry kung ganito ako ngayon at naguguluhan kayo dahil sa kinikilos ko. Pero yung sinabi ko kanina, totoo yun. Siya nga yung ama nitong dinadala ko pero please, wag niyong ipaalam sa kanya yun. Yung desisyon ko kase, ako muna yung mag aalaga sa magiging anak ko at hindi ko muna gagambalain si Nicholai. Tsaka, guys, baka umalis din ako. Pupunta ako ng States for our own good, dahil nandoon rin sina Mama na makakatulong sakin. Kaya doon na muna ako. Ito yung gusto kong sabihin sa inyo ngayon." paliwanag ko sa kanilang lahat.
Naging panatag nako dahil nasabi ko na ang lahat sa kanila. Si Peter na lang yung hindi nakakaalam at wala pa kong plano na sabihin sa kanya. Malaki ang tyansa na magagalit talaga siya sakin dahil sa isang pagkakamali kong to.
"Seryoso? Aalis ka? Paano kami? Mamimiss ka namin, alam mo yun." agad namang sagot ni Monica.
"Oo nga, hindi namin kayang hindi ka makita o makasama, Fran. Pero kung yan yung desisyon mo, siguro susuportahan ka na lang namin kase para rin naman yan sa inyo ng magiging anak mo." sagot ni Loisa.
Napangiti na lang ako. Masyado akong nagpapasalamat dahil naiitindihan nila ako. Mahirap ngang mahiwalay ako sa kanila pero kailangan talaga eh. Babalik naman ako rito at sigurado yun.
"Thank you, guys. Sorry din kase tinago ko pa sa inyo ang lahat. But still, nandito pa rin kayo at iniintindi niyo pa rin ako. Thank you talaga."
"Ano pang silbi ng pagkakaibigan natin diba? Wala na tayong magagawa pa, so, harapin na lang nating lahat to." yan naman yung sabi ni Yuri.
Tumango naman yung dalawa bilang sang ayon sa sinabi ni Yuri. Kumain na lang ako, pero bigla na lang akong nakaramdam na mayroong naka akbay sakin. Agad akong napatingin kung sino, si Nicholai lang pala. Napatigil naman sa pagkain ang tatlo at napatingin na naman samin. Nakakabigla talaga tong si Nicholai kung ano ano na lang yung ginagawa. Akala ko pa naman nakaalis na siya kase mukhang kanina pa naman siya tapos makapag order. Pero, hindi, andito pa rin siya. Damn it!
Takang tinignan ko siya at hinintay kong may sasabihin ba.
"I'll have to go. Hindi ko kayo inabala kanina kase mukhang may pinag uusapan kayo. Finish your foods, at umuwi na din kayo pagkatapos." kalmadong sabi nito.
"Hindi ka na ba kakain, Nicholai? Pwede mo naman kaming samahan." biglang sagot ni Loisa dahilan para tignan siya ni Yuri para patahimikin.
"Hindi na, kayo na lang. Paki ingatan na lang tong kaibigan niyo at wag niyong ipapalapit sa ibang lalaki kung pwede?" dagdag pa niya sabay ngisi na naman.
"Ano bang pinagsasabi mo, Nicholai? Nakakahiya sa mga kaibigan ko." usal ko dahil nahihiya ako sa sinabi niya.
"Fine, sorry. I'll have to go. Take care, okay?" pagpapaalam na niya sa aming lahat.
Tumango na lang ako at kumain na lang ulit. Ni hindi ko na siya ulit tinignan pagkatapos niyang sabihin yun. Isusubo ko na sana yung pagkain ng bigla siyang bumulong sa tenga ko. Muntikan ko na sanang itapon yung pagkain dahil sa gulat buti na lang at hindi natuloy.
"Sana ako na lang yung pagkain na sinusubo mo. Just kidding. See you in Saturday, hon. I love you." bulong niya sakin.
Wtf? Nakuha pa niyang sabihin yun? Argh!
Bago ako makasagot, tuluyan na siyang umalis. Naiwan akong tulala pagkatapos ng lahat. Ni hindi na nagsalita pa ang mga kaibigan ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Randam kong pamumula ng pisnge ko dahil sa sinabi ni Nicholai. Nakakahiya, kahit alam kong ako rin lang naman ang nakakarinig nun.
Pagkatapos namin kumain, nag decide si Yuri na mamasyal muna kahit ilang oras lang. Sumang ayon na lang din ako at nag enjoy naman kaming apat. Natapos ang araw na yun na okay at walang problema. Naging panatag ako dahil alam na nilang apat ang sitwasyon na mayroon ako ngayon. Mas lalo pa kong naging panatag dahil naiintindihan nila ako at tinanggap nila ako ng buong puso. Malaki ang pasasalamat ko na magkaroon ng kaibigan gaya nina Yuri, Loisa at Monica.
Nakauwi ako ng bahay at nagpahinga na. Bago ako tuluyang makatulog, hinawakan ko muna ang tyan ko at pinakiramdaman ko ito.
"Aalagaan kita ng mabuti, anak. Kahit susugal man ako sa isang pagsubok, para lang sa ikakabuti natin. Ilalayo man kita sa totoo mong daddy, pero promise ko sa huli, ipapaintindi ko lahat lahat. Don't worry, kapit ka lang muna dyan sa tummy ni mommy. Okay? I love you." mahinahong sabi ko at tuluyan ng nakatulog.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...