"Can I kiss you again?" Pang uulit pa niya.
Crazy! Nakakarinding pakinggan ang mga sinasabi niya. Siya na yata ang pinaka manyak na nakilala ko. Tss.
"Manyak ka! Wag mo na kong kausapin at please wag ka na ring magpakita sakin. Baka kong ano pang magawa ko sayo, tss, nakakainis ka!" Sunod sunod na bulyaw ko sa kanya.
Napangisi siya sa mga sinabi ko. Tss.
"Fine. Siguro first kiss mo yun kaya ganyan ka na lang maka react. Sa tanda mong yan 'di kapa nakakaranas na halikan?" Nakangisi at panunukso pa nito sakin.
Arg! Yes, I admit. First kiss ko nga iyon. Hindi ko inaakala na mapupunta lang yun sa isang di ko kilala at manyak na lalaking nasa harapan ko ngayon. Kung alam ko lang na sa kanya lang din pala mapupunta ang unang halik ko, edi sana di na ko pumunta dito sa bar ni Monica. I hate him!
Masyado siyang kalmado pero masyado rin siyang agresibo. Napakatindi niya, tss.
"Wala na kong time para makipag usap sayo, okay? At kung manggagago ka lang naman, mas mabuting pang maghanap ka ng ibang makakausap mo. Almost 15 minutes na kong late at sa ngayon galit na galit na yung mga kaibigan ko nito sakin. Would you please excuse me?"
"Sure. Magkikita pa naman siguro tayo sa loob?"
"Huh? What do you mean?
"Partying, maybe?" sarkastikong sagot niya.
"Whatever! I'll have to go." tsaka na tumalikod sa kanya.
He ruined my night. He ruined everything. I dont want to see him again.
Pero hindi ko alam kong anong naging rason ko kung bakit ako napahinto sa paglalakad. Bigla ko siyang nilingon na diretso pa rin ang titig sakin.
"Kalimutan mo ang nangyari sa pagitan natin. Lalong lalo na ang tungkol sa... kiss." di ko alam kong bat yun ang lumabas sa bibig ko.
Mukhang tama naman yung sinabi ko diba?Kailangan na kalimutan niya yung nangyari sa pagitan namin. Tsaka, aksidente lang naman ang mga nangyari samin ngayon kaya hindi na big deal yun.
Matapos kong sabihin yun, diretso na kong tumungo sa loob ng bar. Gosh! Hindi lang ako late kundi super duper late na nga. Hindi lang din naman isa yung magagalit sakin kundi tatlo pa. Hays.. goodluck Francheska.
Sinalubong agad ako ng maingay na music at nagsasayawang mga tao sa loob. Medyo natanaw ko kaagad ang table ng mga kaibigan ko. Ngunit si Loisa lang ang nandoon sa pwesto at may kinakausap na isang lalaki. Agad na kong lumapit sa gawing yun.
Kita ko ang gulat nung makita niya ko. Akala siguro niya ay hindi na ko dadating.
"Kaibigan mo?" tanong ng lalaki sa kanya.
"Yes, a close friend. Pwede bang iwan mo muna kami, mamaya na lang ulit tayo mag usap." favor ng kaibigan ko.
Tumango naman ang guy tsaka umalis na sa pwesto namin. Agad na kong umupo sa tabi niya at nilingon niya rin naman ako kaagad.
"Akala namin di kana dadating. Ni kahit text o tawag ay hindi mo ginawa. Nakakatampo ka na rin minsan Fran." panimula sakin ni Loisa.
Kung alam mo lang sana kong anong nangyari sakin. Hays.
"Sorry Loisa. Sorry talaga, actually kanina pa sana ako kaso.. kaso may kinausap pa ko sa labas e kaya natagalan akong makapasok dito sa loob."
"Ganon ba. Okay lang naman sakin e, kaso yung dalawa."
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...