31

11K 249 41
                                    

Days passed by. It's Saturday.

Gaya ng nakaraang araw, 'di ko pa rin maipaliwanag ang nararamdaman ko sa araw na to. Pinaghalong kaba, takot at excitement. Ipinangako ko na kay Nicholai ang araw na ito, at kailangan ko yung tuparin.

Mag aayos na sana ako ng may kumutok sa pintuan dahilan para matigilan ako. Agad ko na lang nilapitan yun at pinagbuksan. Lumantad kaagad sakin si Peter na mayroon din hawak hawak na bulaklak. Napangiti ito ng makita niya ko at samantalang ako naman ay nakatingin lang ng diretso sa kanya. Bat ngayon pa niya naisipang pumunta rito? Baka sakaling tanongin niya ko kung saan ako pupunta, sasabihin ko bang makikipagkita ako kay Nicholai? Damn it, syempre magagalit siya sakin pag sinabi ko.

"Nakita mo lang ako, natulala ka kaagad." ani niya sabay tawa. "Papasok nako, okay?" dagdag pa niya.

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot, at agad din naman siyang pumasok habang hawak hawak pa din yung white roses. How can I tell him? Masyado na kong maraming tinatago kay Peter, nakukunsensya nako.

"Bat naparito ka, Peter? 'Ni hindi mo man lang ako tinawagan o tinext na pupunta ka pala ngayon." pahayag ko ng makaharap ko ulit siya.

Agad naman siyang nagtaka sa sinabi ko. Wala naman siguro masabi sa sinabi ko, diba? Bago siya makapagsalita, nilagay niya muna sa vase ang binili niyang bulaklak para sakin. Humarap siya kaagad pagkatapos nun.

"Diba, palagi naman akong pumupunta dito kahit 'di nagpapaalam sayo. Bat ngayon, parang naninibago kapa? Weird. Look at your face too, Ara. You still look shock thou still pretty." tugon niya. Di pa rin mawala sa mukha niya ang pagngiti.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at nag isip kung ano ang maaari kung gawin. Dalawa lang yun choice ko, magsisinungaling na naman ako sa kanya o sasabihin ko sa kanya na makikipagkita ako kay Nicholai.

"Wrong timing kase ngayon, Peter. May pupuntahan sana ako eh." Mahinang sabi ko.

"Where is it? Samahan na kita, wala rin naman akong gagawin for today." paglalahad niya sabay tingin sakin ng diretso.

Francheska, you need to choose between the two. If I still lied to him or tell everything in front of him right now.

Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. Tinignan niya ko gamit ang takang expression nito.

"M-Makikipag kita ako kay Nicholai. Nangako na kase ako sa kanya Peter, na makikipag meet ako with him. Kaya sana 'wag kang magagalit." mahinahong pahayag ko.

Biglang umiba ang awra nito. Ang kaninang nakangiti at chill na Peter sa harapan ko, bigla na lang naging seryoso dagdag pa ang pag igting ng panga nito.

"Nicholai? Nicholai Romero, right? Yung nakipag away sa bar last time, yung kumaladkad sayo at palaging nagpapakita sayo? Siya ba ah?" tanong niya sakin ngunit bakas pa rin sa tono nito ang pagkainis.

"S-Siya nga, Peter. Pero wala kang dapat ipag-alala kase wala namang namamagitan samin. Ipinapangako ko---" agad niyang pinutol ang sasabihin ko dahilan para kabahan ako.

Kilala ko siya, sa ngayon mukhang galit at naiinis siya sakin. Maybe, he's jealous? Napailing na lang ako sa naisip ko.

"You don't need to explain everything, Ara. I'm not your boyfriend and I don't have the right to be jealous. May karapatan ka pa rin para makipagclose sa iba lalo na sa ibang lalaki. So, It's okay." ani nito. Nag iwas na din siya ng tingin at tinignan ang kawalan.

Hindi maganda to. Nasaktan ko ba siya? O nagseselos lang talaga siya?

"Peter, hindi naman kami ganoon ka kaclose dalawa. Makikipagkita lang ako sa kanya ngayon dahil may ipapakiusap lang ako, yun lang naman." sagot ko.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon