"Sorry talaga Peter. Hindi ko lang talaga masyadong napagtanto na ikaw pala yung kumakatok sa pintuan ko." nakailang beses na panghihingi ko na ng paumanhin kay Peter.
"Okay na nga yun. Naka ilang hingi ka na kaya ng sorry sakin. Tsaka, kasalanan ko rin naman yun Ara. Akala ko lang kase ano ng nangyari sayo sa loob kaya ganon na lang ang pagkatok ko." kalmadong tugon niya sakin.
Ang bait niya talaga. Siya lang naman si Peterson Lloyd Ramos, same age, 23 years old. Sino siya? Siya lang naman ang 2 years ko ng manliligaw. Yup, MANLILIGAW KO SA HALOS DALAWANG TAON! Gets? Kidding.
Siya lang ang nagtagal na ligawan ako sa ganong katagal na panahon. Simula nung college kami may feelings na talaga siya sakin. Yes, he confessed on me. Pero, tulad nga ng sabi ko, ako yung tipo na hindi easy to get. Kaya di ko na pala namalayan na 2 years na rin syang nanliligaw sakin. Hanga ako sa kanya dahil hindi siya mabilis mag give up sakin. Kahit alam ko na marami rin ang nagkakagusto dito sa kanya. Kunting tiis na lang at baka sagutin ko na rin siya. Hmm.. maybe not this time? Maybe soon? Hays, I dont know.
Si Peter yung tipo ng lalaki na mabait talaga. Nakita ko rin naman syang magalit, pero pag nasa sitwasyon kami na kung mayroong nanglalait o nananakit sakin. Masyado na nga kaming close dalawa kaya nga pumupunta na dito yan sa apartment ko kahit anong oras. Kilala na rin naman ako nina Tito Vin at Tita Patricia na parents nitong si Peter, at alam rin naman nila na nililigawan ako ng anak nila. Sobrang bait din ng parents nito, kaya nga suportado sila masyado sa ginagawa ng anak nila. Tsaka, boto rin sila sakin para sa anak nila. Ang swerte ko na sana kung tutuisin no? Pftt.
"Hey.. are you okay?" natauhan na naman ako ng tanongin niya ko.
Masyado na naman akong nadala sa mga naiisip ko kaya di ko na naman namalayan na nandito pala siya sa tabi ko.
"Okay lang ako. May bigla lang kase akong naisip. Uhm, sorry ulit ha."
"Don't worry, I accept your apology."
"Thanks. Sobrang pagod lang kase ako kanina kaya medyo nadala lang ako sa emosyon ko."
"Maybe. Pero wag mo ng isipin pa yun.. alam mo namang hindi kita matitiis diba? Tsaka hindi ko rin naman kakayanin na magalit o magtampo sayo."
Di ko maiwasang di mapangiti sa huling sinabi niya. Magiging maswerte ba talaga kong si Peter ang maging kauna unahang boyfriend ko? Tsaka, magiging maswerte din ba siya pag ako ang naging girlfriend niya? Hays.
"Uhm.. So, by the way.. may kailangan ka ba o may problema kaya ka napapunta dito?" pang iiba ko.
"Wala naman. Binibisita lang naman kita. Parang hindi ka na nasanay sakin tsaka sa mga ginagawa ko."
"Ah. Akala ko kase may problema or something. But, nevermind."
"Yup. Kung ako sayo, magbihis at maligo ka muna bago tayo kumain. I brought some foods so don't you worry. "
Tama nga, may dala dala nga syang pagkain. Siguro, niluto na naman nito ng mommy niya for us. How lucky.
Ng napagpasyahan kong maligo na bigla akong natigilan ng makita ko ang dress kong suot ko pala kagabi nung pumunta kami ng bar. Ews? Baka kung ano na yung itsura ko nito?
Agad ko munang tinignan ang sarili ko sa salamin tsaka laking pasasalamat ko dahil sa mukhang okay pa naman pala iyon.
"Nag party kayo kagabe?" rinig kong usal ni Peter habang inaayos ang dala niyang mga pagkain.
"Oo e. Kaming apat lang din naman."
"Wala bang lalaking lumapit sa inyo o sa'yo na para bastusin or something?" seryoso pa rin nyang tanong.
Agad namang pumasok ulit sa utak ko yung lalaking manyakis este Nicholai ba yun? Basta! Naalala ko na naman kong paano niya kinuha yung pinag iingatan kong unang halik. Dagdag pa rito ang pagpapahiya, pang iinis at yung mismong pagiging manyak niya. Sobrang sariwa pa masyado nun sa utak ko. Mukhang matagal tagal ko pa talaga makakalimutan yung lalaking yun. Argh!
"Eh? Wala naman." pagsisinungaling ko na naman.
"Good to hear. Sige, maligo ka na muna dyan at hihintayin kita dito."
"Okay."
Ilang minuto din ang nagdaan at natapos din ako sa pagligo ko. Nag maong short lang ako tsaka oversize na maroon tshirt. Ni hindi rin naman ako nag abala na maglagay ng kung ano anong kolorete sa mukha. Nakakatamad naman tsaka kakain lang din naman kami.
Ng lumapit ako sa table, kita ko kaagad ang nakahaing pagkain sa harapan ko. Bigla na lang ako kaagad nagutom. Ang sasarap ba naman kass ng mga pagkain.
"Shall we eat?"
Tumango na lang ako. Tsaka, umupo na. Agad niyang nilagyan ng mga pagkain ang plato ko. Ganito talaga ka caring at sweet si Peter sakin. Ayokong umabot sa point na masasaktan ko siya o ayokong umaabot sa time na masasaktan siya dahil sakin. Hindi ko yata kakayanin yun. At baka pagsisisihan ko pa sa huli yun. Sana naman di yun umabot sa point na ganon.
Fast Forward----
Habang kumakain kami ni Peter kanina bigla siyang nagyaya sakin na mag grocery raw. Tamang tama rin yun dahil ilang linggo na rin akong hindi nakapag grocery. Gaya kanina, hindi na ko nag abala na magpaganda. Pretty naman ako kahit walang make up. Kidding! Tinali ko na lang ang straight at mahabang kong buhok tsaka na kami umalis.
Naging madali lang ang pagdating naming dalawa sa grocery dahil dala niya naman ang mustang niyang sasakyan.
Ng makarating kami dun, agad na kaming namili ng mga dapat bilhin. Daig pa naming dalawa ang mag asawa pero di ko na lang pinansin yun.
"Peter? Kukuha lang ako dun sandali ng tubig. Pakibantay muna ng cart ko."
"Sure. Ako ng bahala dito."
"Thanks."
Nagtungo na ko sa pwesto kong nasaan ang tubig na bibilhin ko. Ng kasalukuyan kong bubuksan ang lalagyan ng mga ito, bigla na lang akong nagulat ng may humatak na naman sa braso ko. Argh! Hindi ko masyadong makita kung sino man ang humahatak sakin dahil sa nakatalikod ito. Wahh! Baka kidnapper na to! Lord, help me.
Napadpad kaming dalawa sa likod na parte nitong grocery, yung tipong walang taong pumupunta. Shit! Anong gagawin nito? Tsaka, sino siya?
Muntik pa kong mapamura ng agad siyang lumingon sakin. Hindi naman siguro panaginip to diba? Bat siya na naman?
"Hindi ko talaga aakalain na dito pa talaga kita makikita." panimula nito.
"Ano ba! Bat mo ko kinaladkad dito? Tsaka, bat ikaw na naman a? Alam mo nauumay na ko sa pagmumukha mo!" Sigaw ko sa kanya.
Kita ko na medyo nainis ito sa sinabi ko. Pero wala akong pake! Wala akong pake sayo Nicholai Romero!
"Bat ang aga aga ay galit ka? Mayroon ka ba ngayon? Gusto mo bigyan kita ng supply ng napkin?"
Mas kumunot ang noo ko sa narinig ko. What? Napkin? Fuck you Nicholai!!!
"Supply mo sa pagmumukha mo yang napkin mo. Teka nga, ano na naman bang kailangan mo?"
"You." walang kapreno prenong sagot nito.
"What? You're crazy!"
"Crazy on you."
Eh? Hindi naman to lasing para magsalita to ng ganong mga words. Tss, siguro naka drugs to! Yup, siguro nga drug addict to! Kaya kinakailangan ko na talagang layuan ang lalaking to.
"Wala akong time para makinig sa mga walang kwentang salita mo. I'll have to go." aakmang tatalikod at maglalakad na sana ako ng magsalita siya sa likuran ko.
"Don't you try to step away from me or else I'll kiss you five times here." seryosong usal nito.
Bigla akong kinabahan na ewan. Yung feeling na hindi na naman ma explain. Gosh! Bat ang hilig nitong humalik ng babae? Well, pervent nga diba! Argh, ano na naman ang magiging role nito sa buhay ko? Bat palagi na lang to sumusulpot ng sumusulpot?
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...