Naramdaman ko yung mga yapak niya papunta sakin. Napahinto ako ngayon pero 'di siya tinitignan. Habang papalapit siya sakin, bumibilis na din yung pintig ng puso ko. Ano ba to!
Nagulat ako ng bigla niya kong pinaharap sa kanya sabay yakap sa katawan niya. Muntikan na kong mapamura dahil sa ginawa niya. Ano na naman toh? Fuck, yung pintig ng puso ko, napakabilis.
"I miss you so damn much. I miss you, Amarra." saad niya habang yakap yakap pa din niya ko.
Blangko pa din ako, kaya hindi ako makapagsalita. Naguguluhan nako ng sobra, 'ni hindi ko alam yung possibleng rason.
Nilayo niya ko sa kanya, tinignan niya yung mukha ko tila ba'y sinusuri niya bawat sulok nito. Diretso din yung tingin ko sa kanya. Walang pinagbago, gwapo at hot niya pa din. Dammit!
"Bat ganyan yung suot mo ngayon? Gusto mo ba talagang mag laway lahat ng lalaki dyan sayo? Gusto mo bang angkinin kana din ng ibang lalaki dyan?" sunod sunod na tanong nito sakin.
Tumaas ang kilay ko dahil sa inis. Oo naiinis nako at gusto kong sapakin tong lalaking nasa harap ko ngayon.
"Ano naman ngayon problema sa suot ko? Okay pa naman toh ah, at wala din akong problema kong mag laway yung ibang lalaki dyan. Alam ko naman na maganda at sexy ako, kaya di nako magugulat pa. Bat ganyan ka? Boyfriend ba kita? Probably, no! Kaya wag kang umasal na parang jowa kita kase wala namang namamagitan satin. Kaya please, pabayaan mo nako ngayon. Gusto kong enjoyin ang gabing to, so please lang." sagot ko.
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Nag iwas ako ng tingin ng magsalita na naman siya.
"Ilang araw lang akong hindi nagparamdam sayo, ganyan kana? Bat ba ang taray mo lagi sakin? Kaya mas lalo kitang nagugustuhan dahil dyan. Bat ayaw ko na ganyan suot mo? Kase mas lalo kitang gustong angkinin, yung tipong mapapagod ka at mapapaungol ka, kaya.."
Pinutol ko agad siya. Pinagsasabi nito? Ungol? Wtf!
"Manyakis ka talaga kahit kailan. Maghanap ka ng ibang babae na aangkinin mo, wag ako! Akala mo nakalimutan ko na yung pinagsasabi mo sakin last time. Pampalipas oras mo lang ako, Nicholai. Kaya please lang, umalis kana. Wag mokong guluhin pa."
"Sorry for what I've said last time. I didn't mean it. I'm just mad at you because you reject me without giving me a chance to prove that I love you."
"You didn't love me, Nicholai. Isa lang din ako sa babaeng pinagloloko mo at pinaglalaruan mo. Di mo nako mapapaniwala sa mga salita mong yan. Nadala nako sa mga sinabi mo sakin nung nakaraan. Sinaktan moko dun."
"What do you mean? Nasaktan ka dahil? Diba nga parang wala rin naman ako sayo, bat masasaktan ka pa?" takang tanong pa nito.
Baka iba ng nasa isip nito. Argh!
"Wag ka ngang mag isip ng kung ano ano dyan. Di tama yang pinag iisip mo. Kaya wag mo na ulit yung buhay ko."
"Sandali lang, bat nasaktan ka? Sabihin mo nga para naman di ako maguluhan. Please, Amarra. I'm confused."
"Wtf! Gusto mo talagang malaman? Then sige, binigyan moko ng motibo na gusto moko, na mahal moko. Pero pinahiya moko sa mismong kaibigan ko pa na parang wala lang lahat ng yun. Tama nga naman sinabi mo, titikim at titikim ka talaga ng ibang putahe. So, ano, masarap ba ah? Alam kong naintindihan mo na lahat, kaya tapos na yung usapan. Aalis nako."
Aalis na sana ako ng hinigit niya yung siko ko dahilan para bumalik ako sa kanya.
"Maybe, mahal mo na ko, Amarra. Tama ba ko?" diretsong tanong niya sakin na mas lalong nagpakaba ng sarili ko.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...