It's Saturday!
Maagang nag-aya sakin ang mga kaibigan ko na pumunta sa isang bar malapit lamang sa apartment namin. Actually, ang bar na pupuntahin namin ay bar rin ng isa sa mga kaibigan namin. Kaya wala na rin dapat pang problemahin dahil mukhang wala na rin kaming magagastos dun.
Ako ang tipo na babaeng hindi rin naman masyadong umiinom ng mga alcoholic drinks. I only preferred to drink tequila. Maliban dun, hindi ko na bet ang ibang inumin.
Kasalukuyan na kong pumipili ng susuotin kong damit para mamaya. I'm stuck between choosing a red fitted tube and also black fitted dress na kita ang cleavage. Pero sa huli, mas pinili ko na lang ang black dress kahit alam kong kita ang cleavage ko dun. Pero di naman masama yun dahil bar naman ang pupuntahan namin. Halos lahat rin naman ng mga babae dun, ay yun din ang suot at mas lalong sagwa pa nga yung iba. Kaya okay na to para sakin.
Maya maya pa ay biglang nag ring ang phone ko sa kama. Agad ko itong nilapitan at sinagot.
"Anong kailangan mo Yuri?" bungad kong tanong ng maisagot ko na ang tawag ng isa sa mga kaibigan ko.
"I'll just want to remind you about the party and I want---" di ko na pinatapos ang sasabihin niya.
"Yeah. Nag aayos nako ngayon, okay? You don't have to worry kase pupunta naman ako roon. Kaya chill." sagot ko.
"Aba dapat lang. Exactly 6:00 pm dapat nandoon kana sa bar nina Monica. Deserve natin mag enjoy at kalimutan ang mga problema."
"Okay. See you later."
"See yah."
Nang matapos ang tawag ang napatingin ako sa oras. Gosh! 5:01 pm na pala? I need to fix myself na. Kumuha na ko ng towel at diretsong pumunta sa loob ng cr.
Matapos ang ilang minutong nasa loob ng cr ay natapos rin ako. Kaagad ko ng kinuha ang dress na napili ko at sinuot ito. Naglagay rin ako ng mga accessories sa katawan ko. Kinuha ko rin ang blower at ginamit yung pampatuyo sa mahaba at straight kong buhok. Ng matapos yun, agad ko ng nilagyan ng light make up ang mukha ko. Kita ko ang repleksyon ng sarili ko sa salamin na nasa harapan ko. Napangiti ako dahil di makakailang mas tumingkad ang kagandahan ko. Maputi ako kaya hindi na kinakailangang kapalin ang make up ko. Last kong isinuot ang red high heels ko. Tsaka na tumayo at kinuha ang pouch at phone ko.
Lumabas na ko ng apartment ko at naghintay na ng taxi. Hindi rin naman kalayuan tong bar kaya di naman siguro ako malalate. Ng may taxing papalapit ay agad na kong pumara. Ng nasa loob na ko ay agad kong tinignan ang phone ko.
Gosh! 6 messages galing sa mga kaibigan ko. Mga atat naman to o sobrang excited lang talagang uminom at makilandi. Hay nako. Agad ko ng binasa ang mga text message nila sakin.
Yuri:
Remind ko lang ah, huwag kang ma late.
5:15 pm
Loisa:
Girl, nagre ready kana ba dyan?
5:18 pm
Monica:
Can't wait to see you, pretty :)
5:25 pm
Loisa:
Where are u na?
5:49 pm
Monica:
Wag mong sabihing malalate ka? At wag mo ring sabihing wala kang load.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...