Inaya ko kaagad si Nicholai na sumakay sa rides. Nakailang sagot na siya at halos lahat ng sinabi niya ay ayaw niya. Why? Is he afraid or something? Pag ito takot, tatawanan ko talaga siya. Lol
"Sige na kase, unahin natin yung Frisbee, Nicholai. Ang panget naman kase tignan pag ako lang mag isa yung sasakay dun. Samahan mo nako. Please." pagmamakaawa ko sabay puppy eyes sa kanya. Pag yan hindi pa tumalab, masasapak talaga kita Nicholai.
Napailing siya sakin pero hindi ako nawalan ng pag asa dun. Hinawakan ko ang kamay niya sabay pa rin ng pagmamakaawa effect ko. Kalalaking tao, ayaw sa rides?
"Still no. Ayoko sa mga ganyan, Amarra. Yang mga rides na yan, para sa mga bata lang yan. You're already old enough for that." sagot niya.
Napangiwi ako sa sagot niya sakin. Hindi porket 23 nako ay bawal ko na rin itry na sumakay sa mga rides na yan. Sadyang takot lang ata talaga toh eh.
"Wala akong pake. Wala namang rules yan eh at lahat naman makakapag enjoy sa mga ganyan. Ngayon kapa talaga umayaw, huh? Don't tell me, you're afraid? HAHA. Nicholai Romero is afraid to experienced those rides of this Amusement Park. Ang angas mo, pero takot ka sa rides? Ano ba yan." natatawang pahayag ko.
Kita ko ang pagkunot ng noo niya. Akala mo ah, sasamahan mo rin ako, tignan lang natin.
"So? Is it fun? I'm not afraid of that fucking rides, okay?" inis niyang sagot sakin.
"Eh? Yun naman pala eh, hindi ka naman pala takot, then let's try. Please. Please, Nicholai." pagmamakaawa ko ulit.
"You can ride on the top of me instead. Why don't we try that one?" nakangising sagot niya. Tumaas ang kilay ko dahil napaka walang modo ng sagot niya sakin. Ride on the top of him? Damn it! Pervert! Bastos niya talaga.
"Ewan ko sayo, Nicholai. Fine! Kung ayaw mo, maghahanap na lang ako dyan sa tabi, yung willing at hindi takot gaya mo." inis kong sagot sa harapan niya.
'Ni hindi nako naghintay pa ng sagot at tumalikod na. Akala niya nagbibiro ako? Well, no! Kung ayaw niya, I can go with my own.
"Amarra! Don't you dare do that! Amarra!" Sigaw niya pero hindi ko pinansin yun.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, ng marating ko kung saan naroroon ang Frisbee, agad na kong bumayad dun. Luminga ako kung sino pwede isama at may nakita ako sa di kalayuan. Isang lalaking matangkad at mukhang 20 pa lang dahil masyado pang bata ang mukha nito. Agad ko siyang nilapitan at kinausap.
"Hi? Pwedeng pahinging favor?" pahayag ko sa harapan ng lalaki.
Agad siyang napatingin sakin, natigilan din siya dahilan para hindi siya kaagad makasagot. God! Ang ganda ko naman masyado.
"A-Ano yun, miss?" utal niyang sagot.
Ang cute! Napangiti ako sa kanya. Sasagot na sana ako ng may biglang humila sakin at syempre si Nicholai yun. Tsk! Ayaw mo kong samahan? Edi maghahanap ako ng kasama. Akala mo ah.
"Ano ba, Nicholai. Bitawan mo nga ko, may sasabihin pa ko sa kanya." usal ko.
Umigting lang ang panga niya. Galit na siya. Damn!
"Let's go. Sasamahan na kita, wag ka lang maghanap ng iba." seryosong sabi nito.
Namangha ako sinabi niya. Parang may ibang meaning yun para sakin o sadyang paranoid lang ako?
"Sure ka? Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo talaga eh."
"I'm sure. So, let's go." hinila niya nako papunta sa Frisbee.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...