15

12.3K 272 10
                                    

"You're too late. Kainis ka din talaga minsan, Cheska. Ikaw yung tipo ng kaibigan na hindi man lang maka text o tawag para mag inform kung anong nangyayari. Sinabi mo sakin na dika malalate, e, ano to? Kung di lang talaga kita kaibigan baka ano ng nasabi ko ngayon sayo." usal ni Yuri ng nadatnan ko siya sa isang upuan sa loob ng mall na tinutukoy niya.

Alam kong inis siya sakin dahil ilang minutes na naman akong late. Pero wala talaga sa isip ko yung mga pinagsasabi niya, ang naiisip ko ngayon si Nicholai. Di ba mukha narin akong tanga. Kase naman alam kong nasaktan ko siya at mukhang galit na siya sakin nun. Anong gagawin ko?

"May kausap pa ba ko dito? Hello?"

"Huh? Ano yun Yuri?"

"Wala, nevermind. Halika na nga, samahan mo na ko."

"Sige."



Makalipas ang ilang oras na paglilibot namin sa mall, nakapili na din si Yuri ng kanya. Still, mukhang wala pa din ako sa sarili ngayon. Baka nga duda na to sakin si Yuri dahil sa kinikilos ko, pero bahala na kong ano man yung sabihin niya. Baka oras na din talaga ngayon na malaman niya ang mga pangyayari in between of us. Note, not that special as you think.

"Hey, are you okay? May problema ka ba?" tanong niya sakin.

Is it the time to tell her everything, I mean everything in between me and that boy named Nicholai? Hope she understand.

"Yuri, I've something to tell you. Sana wag mong lagyan ng kung ano anong meaning tong sasabihin ko sayo. Lahat ng sasabihin ko sayo ngayon ay hindi ko sinasadya. Hope you still accept me after you hear this. Can you promise?" takang nakatingin si Yuri sakin dahil na rin sa mga pinagsasabi ko.

"Ano ba yan? Nakakapanibago ka naman, Cheska. Sige, tell me. What is it?"

"I reject someone, Yuri. I already hurt someone's feeling. I didn't mean it at all. But I don't know if my decision is good or bad. It makes me feel paranoid and guilty right now." pahayag ko.

"What? Is it Peter?"

"Hindi, hindi iyon si Peter."

"Hindi? Edi sino? Sino yung tinutukoy mo, Cheska? May nililihim ka ba talaga na hindi ko alam o di kaya naming lahat? Tell me."

"Kase, may nagkakagusto sakin, he's name is Nicholai Romero. Tsaka siya din yung kumuha ng unang halik ko sa bar that time. I don't know, di ko rin mapagtanto lahat ng pangyayari. He confess on me, he said, he likes me at any cost. Nicholai is such addicted and desperate guy I've ever known."

"W-Wait, tama ba yung rinig ko? Nicholai Romero? As in, Nicholai Romero?" pang uulit nito na tila ba'y hindi pa rin naniniwala sakin.

"Oo, bakit?"

"Nicholai Romero, is one of the richest man in this country. He's the son of famous and well known person. So, you mean, the man who kissed you at the bar is him? Are you sure, Cheska?"

"Oo nga. Di ko naman alam na kilalang tao pala yun, edi sana lumayo na ko sa kanya para iwas sa kung ano man."

"Kung papairalin ko ngayon ang pagiging immature ko, ngayon pa lang sinasabunotan na kita sa kilig. Pero alam kong di dapat manaig yun sa ngayon. Nilihim mo to samin, Cheska. Why? Takot kaba na malaman namin at pagsabihan ka? Alam mo namang may Peter na umaasa sayo in almost 2 years. 2 years siyang nanliligaw sayo, never siyang nag give up sa ano mang bagay, never siyang napagod kakahintay sayo at most importantly, never siyang naghanap ng ibang babae. Si Peter yung klase ng lalaki na hindi mo na mahahanap pa. Sa totoo lang, naiingit din kaming tatlo sayo kase napakaswerte mo sa lahat ng bagay. Pero bilang tunay na kaibigan, we're here to support you. Di kailangan manaig ng selos o inggit sa tunay na magkakaibigan. Kaya sa sitwasyon mo ngayon, isa lang ang masasabi ko, hangga't wala ka pang feelings sa isang Romero, umiwas kana. Isipin mo may isang taong willing na hintayin ka at mahalin ka, wag mo ng sayangin yan dahil lang sa taong nagbigay ng motibo sayo. If I were you, I still choose Peter than him. Di mo pa tuluyang kilala ang nag iisang Nicholai Romero, kaya wag kang kakagat sa pa-in niya."

Lahat ng sinabi ni Yuri ay nakatatak na agad sa isipin ko. Hays, tama nga siya. Tama lahat ng sinabi niya sakin. Pero bat kase ganon, bakit ganito ang nafefeel ko ngayon? I mean, bat nagiging paranoid ako sa siwatsyon at may kong ano sa sarili ko na guilty ako sa mga pinagsasabi mo kanina? Argh, ang sakit na ng ulo ko kakaisip ng sagot.


"Cheska, kalimutan mo na ang mayroon sa pagitan ninyo ng lalaking yun, okay? Focus ka sa kong anong mayroon ka ngayon, and I mean, focus kay Peter hindi sa ibang lalaki." dagdag pa nito.

"Okay. Thanks Yuri sa pag iintindi ng sitwasyon. Thank you kase di ka galit dahil naglihim ako. Thank you talaga." agad ko na din siyang niyakap na ikinagulat niya.

"No worries, I'm always here for you. You don't have to worried."






Makalipas ang ilang araw, naging panatag na din ako dahil sa walang Nicholai Romero na umaaligid sakin at hindi na rin siya pumupunta dito sa apartment ko. Naging panatag na nga ko pero hindi pa din mawawala sa sarili ko na isipin siya. Yeah, parang tanga ka talaga Francheska. Dammit!

Binibisita din ako ng mga kaibigan ko dito sa apartment ko pero minsan hindi din kase may kanya kanya silang bagay na inaasikaso. Minsan nandito din si Peter para bumisita pero naging busy din siya sa pagtulong sa parents niya sa business na mayroon sila. Aminin ko man na masyadong boring mag isa pero wala akong magagawa dun. Napag isip isip ko din minsan kong pumunta na lang talaga ako dun sa States, para naman makasama ko sila mama at papa dun at maging masaya naman yung buhay ko. Kaso ang final decision ko pa din talaga ay mag stay dito sa Pilipinas. Ewan ko din talaga kong ano ang main reason ko bat ayaw ko pa talagang sumunod dun sa kanila.

Nagulat ako ng mag vibrate yung phone ko hudyat na may nagtext. Agad kong nakita ang pangalan ni Peter sa screen ng phone ko. Agad ko na lang binasa ito.

Peter.
Are you busy? If not, see you at the park. Yung favorite park natin. Hope you reply, Ara. Imissyou, I miss you so much. See you.

Mukhang may oras siya ngayon ah. Nag aya ba naman na pumunta sa park na paborito namin. Yun yung park na nasa harapan ng isang malawak at mapayapang lake. Medyo di rin naman kalayuan ang agwat nun. Simula noong college ako nakikita ko na talaga yung park na yun. Tsaka dun na rin nag confess ng feeling si Peter sakin. Nandoon din kami pag boring, o di kaya may problema. Masyadong peaceful kase dun at masasabing gagaan talaga yung pakiramdam mo. Kaya isa na din yun sa mga favorite place ko at ganon na din si Peter.


Nagreply na lang ako dahil wala naman akong gagawin dito sa apartment. Tsaka nagbihis at pumanta na dun sa park.





Author's Note:
Sorry for slow updates. Hope you still read and support this series. Keep safe everyone, lovelots ♡︎

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon