"Welcome home, Francheska and baby Nicole!!!" salubong na sigaw ng lahat ng makarating kami sa bahay.
Hawak hawak ko si baby Nicole habang si Peter naman ay nakasunod habang dala ang mga gamit namin. Ng tignan ko kung sino ang nasa likod ng mga sigaw na yun, nakita kong sina Mama at Papa lang naman ang tao rito. Pero napansin kong may hawak hawak palang laptop si Papa, at dun ko nahagip ng tingin ang mga kaibigan ko. Napangiti ako ng sobra dahil nakita ko ulit sila kahit sa malaking screen lang nung laptop. Lumapit ako dun para kamustahin silang tatlo.
"Hello guys! I miss you na, sorry di ako nakapag update sa inyo. Tinutukan ko kase ang pagbubuntis ko. At heto na pala yung baby ko." bati ko sabay lahad ng mukha ng baby ko.
Halos 'di maipaliwanag ang mga reaksyon nila, sina Monica at Loisa ay nakatakip ng bibig dahil sa tuwa at si Yuri naman ay nakasmile habang titig na titig sa baby ko.
"Ang ganda niya. Ang ganda nung dimple niya, Francheska." nakangiting tugon ni Yuri.
"Sabi na nga ba eh, maganda yung magiging anak mo. Halos parehas naman kasing maganda ang lahi niyo ni Nicholai." ani naman ni Monica.
"Congrats, Fran. We're happy for you. Finally, nakalabas na rin si baby at ilang saglit na lang makakauwi kana rito." nakangiting pahayag rin ni Loisa.
Binigyan ko rin sila ng masayang expression sa kabila ng mga sinabi nila samin.
"Thank you sa inyo. Alam kung magiging maswerte ang anak ko dahil nandyan rin kayong tatlo para sa kanya." sagot ko.
"Oo naman. Magaganda at sexy pa, diba?" proud na sabi ni Yuri.
Napangiti na lang ako at tinignan ko rin si baby Nicole na mahimbing ang tulog.
"Magpahinga kana dyan, Francheska. Alam naming pagod ka kaya magpahinga kana. Okay na samin na makita kayo ng baby mo." Lahad ni Yuri sakin.
"Oo nga. Rest kana dyan, Cheska." dagdag rin ni Monica.
"Sige. Next time ulit, thank you sa pagtawag ngayong araw. Miss ko na kayong lahat. Kunting kunti na lang makakasama ko na ulit kayo dyan." panatag na sabi ko.
Kunting kunti na lang talaga at uuwi nako ulit sa Pilipinas. Excited na ulit ako na makauwi pagkatapos ng lahat. Marami rin akong namiss na mga malalapit sa buhay ko.
Nagpahinga nako pagkatapos kong ihatid sa kwarto si baby Nicole. Tama nga si Mama, sobrang bait ng baby ko. Halos 'di siya gaya ng ibang bata na iyakin. Kaya hanga ako dahil ganon ang baby ko, mukhang hindi ako mahihirapan sa pagpapalaki nito. Gagawin ko ang lahat mapalaki ko lang ng maayos si Nicole at ipinapangako ko yun.
--- Fast Forward (5 Years Later)
"Happy 5th birthday, Cheska Nicole!" bati naming lahat sa anak ko.
Yes. She's already 5 years old. Still, were here staying in LA. I cancel my flight last year because mom and dad favor me to stay for the last time. My friends are surprised about it but I'm sure they understand and accept it all.
September 19. Bithday ng nag iisang kong prinsesa. Masyadong mabilis ang araw at mga panahon, dati kinakarga ko lang siya pero ngayon malaki na baby ko. Maputi ang balat nito, katamtaman lang ang laki ng katawan at higit sa lahat ang dimple niyang agaw pansin. Sa totoo lang, habang lumalaki ang anak ko, nakikita ko na ang mukha o pagkahawig nito kay Nicholai.
Habang nagcecelebrate kami ng simpleng kaarawan niya, 'di maipagkakaila ang kasiyahan nito. Sina Mama at Papa, si Peter, mga kapitbahay at ang mga business partner lang ang nandito.
"Mommy? Why are you here?" tanong nito sakin habang yakap yakap ang tuhod ko. Napangiti na lang ako.
"Don't mind Mommy, okay? Just enjoy your special day. I'm always here for you, baby. Always remember that Mommy loves you so much. Happy birthday again." I hug her immediately. Then, I receive a special hug too. It makes me weak at the same time happy.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...