"Bat ba sa madaming pwedeng sabihin, bat yan pa? Psh, sa ganitong sitwasyon, kakain ka pa talaga tapos gusto mo na samahan pa kita? Mangarap ka na lang ng gising."
"Ayaw mo? Fine, sabihin ko na lang kaya sa boyfriend mo lahat ng nangyari sa pagitan natin. Mukhang mas masaya pa siguro ang kahihinatnan nun."
"Sige, e blackmail mo pa ko.. hindi pa rin naman magbabago ang desisyon ko. Wag kang aasa na sasamahan kita o ano man, dahil hinding hindi---"
"Paulit ulit ka masyado.. alam mo bang tinitimpi ko lang ngayon ang sarili ko. Alam mo bang kanina pa kating kati tong labi ko nahalikan yang mapula at malambot mong labi. Alam mo bang kanina pa ko nanglalaway dyan sa suot mo. Bat ba ang lakas ng tama ko sayo?"
Muntik na naman akong mapanganga ng sabihin nya ang mga katagang yun. Bat nga ba parang baliw na baliw to sakin? Ni, hindi niya nga ko kilala ng lubusan tapos parang ipinahihiwatig niya naman sakin na parang may gusto siya talaga sakin o ano. Hays.
"Manyakis ka lang talaga kase, aminin mo na. Kung kating kati yang labi mo humanap ka ng ibang babae na lalapa dyan tsaka kung naglalaway ka maghanap ka rin ng babae na kusang magpapatikim ng sarili sayo. Hindi na sakin mo lahat sinasabi yan."
"E, sayo ko gusto e. Pinapahirap mo lang ang sitwasyon."
"Gago ka ba talaga ha? Anong akala mo sakin tanga? Ayos ka rin e no!"
"Wag kang masyadong pakipot dahil alam kong bibigay ka rin sakin sa bandang huli."
"ASA KA!"
Baliw!!!!! Mangarap ka na lang na balang araw ay bibigay ako sayo. Dahil hanggang pangarap mo na lang talaga yun. Tss.
"Sige na, kung ayaw mong kumain, sa susunod na lang o di kaya bukas."
"Bat naman ako papayag?"
"Dahil kailangan, o gusto mo talagang sabihin ko talaga sa boyfriend mo ang lahat?"
"Letse ka! Tsaka hindi ko siya boyfriend, okay?"
Bigla na lang syang ngumiti, ang lapad lapad ng ngiti nya kala mo naman nanalo sa lotto.
"Buti naman. So, libre ka pa lang ligawan nito. Ang swerte ko naman."
"Ligawan? Kapal mo!"
"Masyado kang pakipot tsaka masyado kang mataray, alam mo ba yun? Ito na lang, magpapakilala na lang ako sayo, para naman may clue ka na sa magiging future boyfriend mo."
"Wala akong pake sa pinagsasabi mo. Masyado ng lumalala yang utak mo."
"So, I'm Nicholai Romero but you call me 'Nick' if you want, you can also call me 'honey' if you want too. 25 years old. Anak ng isa sa mga mayayamang tao dito sa Pilipinas, anak ni Nicholas Romero. Single and ready to mingle, honey."
"Eh? Wala pa rin akong pake. Wala akong pake kong si Nicholai Romero ka man, kahit anak ka pa ng isa sa mga mayayamang tao dito sa bansa natin. At panghuli, pake ko kong single and ready to mingle ka?"
"Are you sure? Baka pagdating mo sa bahay niyo, baka mag research ka pa tungkol sakin. Alam ko ang mga ganyang style.. madami na kaya akong nakilalang babae, kaya alam ko na rin ang mga ugali niyo." pangmamayabang pa talaga niya.
Kailan pa ba to matatapos? Eh? Bat ko rin ba pinag aaksayahan ng oras to? Pwede naman na kusa na kong umalis o ewan to, pero bat hindi ko ginawa?
Ng biglang.....
"Babe! Sabi ko ng ikaw yan e." biglang singit ng isang babae.
At ang tinutukoy nito ay walang iba kundi si Nicholai. Tsaka, napakapamilyar ng babaeng to sakin. Wait, saan ko nga ba to nakita? Tss! Oo nga pala.. siya lang naman ang babaeng kahalikan nitong Nicholai sa bar. Bat nandito to? Wag niyang sabihin, girlfriend niya to? Sabi niya single siya. Wait! Pake mo ba Francheska! Bakit nanghihinayang ka? Eww!!!
"Hinanap na kita kung saan saan, nandito ka lang pala. Alam mo bang masyado akong nag aalala. Tsaka, i miss you, i miss you so much babe." malanding usal nito tsaka humawak pa sa leeg ni Nicholai.
Wala namang reaksyon ang pagmumukha nitong lalaking to. Tsaka, ang landi naman masyado ng babaeng to. Argh!
Hindi ko inaasahan ng bigla niya na lang hahalikan si Nicholai sa labi tsaka sa harap ko pa talaga. Mga walang hiya talaga! Nakakainis.
May kung ano sa loob ko na hindi ko na naman ma explain. Para bang may kurot na ano.. basta!
Nagpailing iling ng lang ako ng ulo ko habang patuloy pa rin silang naghahalikan. Pero agad rin namang kumalas si Nicholai, tsaka nagsalita.
"Stop it, Olivia. Diba, wala naman tayong pinag usapan na magkikita tayo ngayon?" bakas sa tono nito ang inis.
Kung alam niyo lang, naiinis rin ako sa inyong dalawa. Tss!
"Babe naman, alam ko naman na wala nga tayong pinag usapan na magkita ngayon pero sobrang miss lang talaga kita. Kaya heto ako, miss ko na rin yung mga halik mo tsaka yung mga haplos mo sa katawan ko." malanding tono pa rin ang pagkasabi nito.
Gosh! Wala ring preno ang bibig nito. Pareho silang mga manyak!
"Can you please shut up your mouth Olivia."
"Why babe? Are you okay? Is there something wrong, tell me!"
"It's none of your business. Can you stop calling me 'babe', nakakairita na masyado."
"What? May bago ka na ba? At ito ba yun?" nilingon nya ko kaagad.
Kita ko ang galit nito sa mga mata niya, pero hindi ako natakot dun. First of all, wala akong ginagawang masama. Kung ano man yang naiisip niya, problema niya na yun.
Bat ba kase di pa ko umalis kanina? Hays, yan tuloy mukhang madadamay pa ko sa away nila.
"Who are you? Isa ka rin ba sa mga mahaharot na babae ng boyfriend ko."
"Olivia, hindi mo ko boyfriend."
"Shut up Nicholai. I want this girl to explain everything on me."
Tsss! Kapal! Di rin pala girlfriend e, kung umarte naman napaka over masyado.
"Magsalita ka na babae!"
"Bakit ano bang kailangan kong sabihin sayo? Kumalma nga lang girl, napaka OA na masyado e." mahinahong sagot ko.
"Anong sabi mo? OA? Ako?"
Slow? Tss.
"Hindi. Ako yung OA, ayos na?" pabalang kong sagot dahilan para mas lalong kumunot ang noo nito.
"Walang hiya ka!" ng sabihin niya yun agad niya kong nilapitan tsaka aakmang sasampalin ako.
Napapikit ako sa di malamang dahilan, pero ilang minutong paghihintay ko sa sampal niya pero wala pa rin talaga. Ng tignan ko siya, kita ko na hinawakan pala ni Nicholai ang kamay niya para hindi ako masampal. Thank God. Ayokong masaktan tong maganda kong face.
"Sampalin mo siya, sasampalin rin kita." nabigla ako sa sinabi ni Nicholai sa babaeng maharot na to. Napanganga naman ito sa sinabi ng lalaki.
Weh? Sasampalin niya kahit babae? Ay, bad nito.
"What? So, kakampihan mo talaga tong babae mo? Ano bang pinakain niya sayo na kung makaprotekta ka sa kanya ay sobra sobra? Binigay niya na rin ba ang sarili niya sayo? So, masarap ba? Ilang rounds ang nakaya niya? Mas masarap pa ba sakin Nicholai? Tell me! Tell me right now Nicholai!" sunod sunod na bulyaw ni Olivia kay Nicholai.
Dammit! Hindi na talaga maganda tong pinagsasabi niya! Anong akala niya sakin, kagaya niya? Well, gaga siya kong ganon! Fuck!!!
"Wag ka ngang magbin-----"
"Oo, pinipili ko siya Olivia kesa sayo. Tinatanong mo kong masarap siya? Pwes, Oo! Sobrang sarap niya. Para siyang bagong ulam na nakahanda sa mesa ko. Samantalang ikaw, parang ulam na panis na. Tsaka, laos ka na para sakin Olivia. Kaya tigilan mo na ang pangangarap mo sakin. Dahil kahit ano pang gawin mo hinding hindi kita magugustuhan. Remember? Pang kama ka lang!"
Fuck! Tama ba ang dinig ko? Totoo bang sinabi niya lahat yun? Gosh! Gago talaga to!
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...