19

11.8K 266 4
                                    

"Madami pa sana akong ikukwento sa inyo girls, pero kailangan din siguro nating uminom, kanina pako nagpapatawa dito. I hope, napasaya ko kayo lalo kana, Ms Abueva." nakangiting saad ni Vincent sa lahat.


Yah, kanina pa siya nagpapatawa at nagsasalita ng kung ano ano. Si Loisa tawang tawa dahil sa kanya, ganon na din ako. Mabuti na din at medyo limot ko na din yung nangyari kanina. Buti na nga lang talaga nandito ngayon sina Vincent.

Siya rin yung tipo ng lalaki na chinito at matangkad. Maayos din yung style ng pananamit at halatang madami ring babae ang nagkakagusto. Pero hindi naman sa assuming ako, siguro gusto niya ko kaya nandito siya mismo ngayon? Di naman sa feeling ako, pero ramdam ko lang. Pero hindi pwede toh, may Peter na nanliligaw sakin. Ginulo na din ni Nicholai ang buhay ko sa mabilis na panahon, at ayoko naman na pati si Vincent ay maghihimasok din sa buhay ko. Masyado ng magulo pag mangyari pa yun. Kaya, kailangan ko ng pag isipan ang maaaring mangyari sa mga sandaling ito.


Uminom siya ng ilang shot ng alak ganon din yung kasama niyang lalaki. Kumuha na rin si Loisa ng inumin niya kaya agad naman napatingin si Vincent sa gawi ko.



"Gusto mo bang ako na lang yung uminom para sayo? I don't like girls to be drunk especially you, Francheska." Mahinahong saad ni Vincent.


Napatingin naman si Loisa sakin na tila ba'y may sinasabi ito sa pamamagitan ng mga titig niya. Heto na nga yung sinasabi ko eh, nagbibigay na siya ng motibo kaya kailangan kong pigilan kong anuman yung iniisip niya ngayon. Go Francheska.


"Wag na. Baka malasing ka lang lalo nyan. Iinom lang ako ng ilang shot at uuwi na din. Kaya, di mo na kailangang gawin yun." depensa ko.


"Are you sure?" tanong niya ngunit bakas pa din sa mukha niya ang pagdidismaya.


"Yah. I'm sure."


"Fine. So, cheers?" sabay kuha ng alak sabay tingin ulit sakin.


Kumuha na lang din ako sabay cheers ng alak sa kanya para wala ng maraming masabi toh. Mahirap na.



Lulunukin ko na sana yung isang shot ng bigla na lang ako nakaramdam ng pagbagsak sa sahig sa mismong harap namin. Nagtayuan sina Loisa dahil sa gulat. Ng tignan ko, muntikan na kong mapamura dahil nakahandusay na si Vincent at hawak hawak nito ang baba niya. Wtf? Sino yung bumugbog dito? Agad akong tumayo at agad pinaharap yung nakatalikod na lalaki na halatang sumuntok kay Vincent.



"Hoy, ikaw! Sino ka naman at bigla ka na lang..." agad akong natigilan ng makita ko kong sino yung lalaking nakatalikod kanina.



Wtf? Nicholai, again? Damn, what's wrong with him? Fuck!



Di ko na siya binigyan ng pagkakataon para makapagsalita. Agad na kong nagsalita dahil na rin sa inis at galit dahil sa lalaking toh. Lalaking gumugulo sa buhay ko. Argh!


"What the hell, Nicholai? Bat mo binugbog si Vincent, ha? Ano bang problema mo? 'Ni hindi ka naman pinagkikialaman ni Vincent ah. Alam mo, ginugulo mo lang kami. So, please, leave us alone!" bulyaw ko sa kanya dahilan para tumingin ang ibang tao na nasa loob ng bar.



Medyo humina ang tugtog, ewan ko kong bakit siguro gusto na rin makinig ng iba. Wala na kong pake kong anuman yung sabihin nila. Nakakagulo na kase masyado tong si Nicholai. Bat sa maraming babae dito sa loob ng bar, bat ako na naman yung napagtripan nito? Kainis!



Bigla niyang hinawakan yung wrist ko. Tinignan niya ko ng maigi at nilabanan ko din iyon. Ano bang gusto mo, Nicholai? Gusto ko ng mawala ka sa buhay ko.



"Let's go." yun ang sinabi niya sabay kaladkad sakin palabas.



Dammit! San niya ko dadalhin? Kailangan kong makawala sa kanya. Ayokong sumama sa manyakis na toh!


"Ano ba, Nicholai! Bitawan moko! Ano ba ah! Nakakainis kana eh! Bitawan moko ngayon na!" Sigaw ko sa kanya sabay pilit na makawala sa paghawak sakin.


Masyado siyang malakas. Di ko siya kaya. Ayoko talagang sumama sa kanya. Hindi ako nakakasigurado ng safety ko sa kanya.



"Nicholai Romero! Fuck, ibalik mo dito si Francheska! F*ck you!" rinig kong sigaw ni Vincent pero huli na ang lahat nakalabas na kami sa bar.


Nanginginig yung buong katawan ko sa di masabing dahilan. Natatakot ako sa maaaring gawin ng lalaking toh. Sana naman wag niya kong dalhin sa kung saan saan. Masyado siyang mapanganib na lalaki, baka posibleng marape pa ko nito. Wag naman, huhu.


Parang mangiyak ngiyak nako dahil pinipilit ko pa din kunin ying kamay ko sa pagkahawak niya. Ngunit wala pa din talaga akong magawa at patuloy lang siya sa pagkakaladkad sakin. Kinakabahan na talaga ako, 'ni wala akong mahingan ng tulong. Bumibilis na naman yung pintig ng puso ko. Bakit ba nangyayari lahat ng toh? Bat, Nicholai?



Di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko dulot ng inis at pangamba. Unti unti na rin siyang humihinto dahil nandito na kami sa parking lot. Ng tignan niya ko, nagulat siya ng makitang umiiyak nako.


Nakakahiya man pero wala nakong pake pa. Nakakainis siya! Sobra!



"Why are you crying?" tanong niya sabay lapit sakin.

Hindi nako nakalayo sa kanya dahil mas lalo na kong naiiyak na parang bata. Fuck! Francheska, nakakahiya ka!



"Hey, I'm sorry. Nasaktan ko ba yung kamay mo? Hindi ko sinasadya yun. Hon, I'm sorry. Stop crying, please." Pagmamakaawa nito sabay punas ng mga luha ko.



Nagsitayuan yung balahibo ko sa ginagawa niya. Dagdag pa yung mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano bang pakulo mo, Nicholai? Pagtapos ng mga ginawa mo sa loob, tapos ganito ka? Wtf?



"Hon, I'm sorry. Forgive me, please. Please." pagmamakaawa niya ulit.


Tinignan ko lang siya at titig na titig din siya sakin. Siya pa lang yung lalaking nagpaiyak sakin ng ganito. Siya din yung lalaki na grabe ang dating sakin na hindi ko maexplain kong bakit. Kahit kay Peter, never kong naramdaman ang ganito. Mismong sa kanya pa lang talaga. Nicholai Romero!




Natauhan na lang ako ng agad niya kong niyakap. Yakap ng sobrang higpit. Natigilan ako, ganon na din ang pag iyak ko. Mas lalo akong humina na ewan. Di ko maintindihan ang buong sistema ko. Dammit!



Yakap yakap niya ko at mabuti na lang walang tao sa parking lot na toh. Di nako makahinga sa pagkayap niya sakin. Ng magsalita siya sa pagitan ng pagyakap, kinabahan pako ng masyado.


"I'm sorry. Wag mo na kong pagtabuyan ulit kase hinding hindi nako lalayo pa sayo. Ayokong makuha ka ng ibang lalaki o makausap man lang. Ayokong napapangiti ka ng iba at mas lalong ayokong iiyak ka ng dahil lang sa kagagohan ko. Amarra, wag mo na kong pagbawalan pa dahil nakatatak kana sa isipan ko. I'm possessive and tempted, only for you Amarra. Pinipigilan ko yung sarili ko pero gustong gusto na talaga kitang angkinin. Tawagin mo man akong manyakis o bastos, wala akong pake. Ikaw lang yung babaeng nagparamdam sakin ng ganitong feeling. I want you so much. Only mine." seryoso na usal nito habang yakap pa din ako.






No way! Di pwede toh! Hinding hindi.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon