10

14.6K 295 1
                                    

---Kinabukasan---

Good morning world!

Masaya ang gising ko dahil may sapat akong tulog ngayon. Kasalukuyan pa kong nakahiga sa kama ko kahit kanina pa dilat na dilat ang araw. Wala naman akong gagawin kaya mabuti pang matulog na lang ako dito magdamag.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong pangalan ni Loisa ang nag appear dun. Ano kayang kailangan nito?

"Hi Fran.. na istorbo ba kita?" agad na usal niya sa kabilang linya.

"Hello, hindi naman Loisa. Bakit may kailangan ka ba? O di kaya, may problema ka ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang sanang bumisita sayo dyan. Okay lang ba yun?"

"Oo naman. Wala rin naman akong gagawin dito tsaka boring din dito dahil ako lang mag isa. Maayos nga kung bibisitahin mo ko."

"I feel you, may pupuntahan kase sina mommy at daddy, kaya naisipan kong puntahan ka na lang dyan."

"Sige, anong oras ba?"

"Ngayon, okay lang? Nakabihis na kase ako e."

"O sige."

"Sige.. just wait me there na lang."

"Sige. Ingat ka."

"I will."

Kaya wala na kong nagawa at tumayo na. Ginawa ko na ang morning routine ko. Kalahating oras din ang naubos ko at natapos din ako. Suot ko lang ay high waist na jeans at crop top na kulay yellow na mayroong smiley face. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok at naglagay lang ng kunting pulbo tsaka liptint para naman hindi ako magmukhang maputla.

Ano kayang pwede naming gawin dito ni Loisa? Mag kwentuhan? Manood ng movies o kdrama? Ano kaya?

Natigilan ako ng may biglang  kumatok sa pintuan ko. Agad na kong lumapit dun dahil alam kong si Loisa  na siguro yun.

"Buti at nakarating ka----" natigilan ako sa pagbati dahil hindi yun si Loisa.

Agad naman nawala ang ngiti sa aking mga labi dahil para lang naman sana yun sa kaibigan ko.

"Continue." mahinahong usal nito.

"Bat ka nandito? Tsaka, paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Kunot noo kong tanong.

Si Nicholai lang naman ang taong bigla na lang lumitaw sa maganda kong pintuan. Diba? Si Loisa lang naman yung inaasahan kong pupunta dito, bakit ang isang to, nandito din? Hindi lang siya manyakis, stalker din siya. Grabe na ba talaga pagkabaliw nito sakin? Hay nako, ang ganda ko masyado.

"Ako kaya ang nag iisang Nicholai Romero at lahat ng di ko alam ay nalalaman ko. At, lahat din ng gusto ko nakukuha ko. Like you, Francheska Amarra Abueva."

Wait, alam niya na rin ang buong pangalan ko? Paano? God!

"Paano mo nalaman ang pangalan ko tsaka kung saan ako nakatira?"

"I followed you to my personal assistant, and that's why, I get some sort of information about you."

"Grabe ka rin e no. Tigilan mo na ko, diba ilang ulit ko na yan sinabi sayo. Alam kong nakakaintindi ka naman kaya please."

"So, gusto mo nakalimutan ko na lang ang pangako mo sakin kahapon? Ikaw na nga rin ang nagsabi na, ikaw ang klase ng tao na tumutupad sa pangako.Then, what now?"

O shit! Oo nga pala. Argh! Bat ko kase nakalimutan yun? Umuoo nga pala ako sa kanya kahapon na sasamahan ko siya ngayon. Tss.

"Ano? Aayaw ka na? Di yun patas, nangako ka na diba? Tsaka, mukhang nakabihis ka na nga rin." unti unti na syang lumapit sakin para tuluyan siyang makapasok sa loob ng apartment ko.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon