27

11K 263 1
                                    

Lumipas ang ilang araw, inisip ko rin ng mabuti ang magiging desisyon ko. Kung pupunta nga ba ako sa States kong nasaan naroroon sina Mama o magsstay na lang dito. Pero maraming magandang benefits pag nandoon talaga ako kasama nila. Magbubuntis ako, at hindi yun madali para sakin na mag isa. Kailangan ko pa din ang supporta at guidance nina Mama at Papa. Kaya kahit masakit man sa loob ko na iwan lahat ang mayroon ako rito, kailangan ko pa din talagang umalis. Siguro nga talaga buo na ang desisyon ko. Aalis ako. Pupunta ako ng ibang bansa para na din sa kapakanan ko at sa magiging anak ko.





Binibisita pa din naman ako ng mga kaibigan ko at buti na lang hindi sila nagagalit sakin. Ganon din naman si Peter. Malaking pasasalamat ko talaga at hindi sila naghihinala sakin. Maraming nagbago sakin simula nung may nangyari samin ni Nicholai. Nag iba na rin ang pamumuhay na kinahiligan ko.




Sa ngayong araw, nagplano ako na pumunta sa isang doktor para na din alamin ang kondisyon ko. If okay lang ba ko o hindi. Hindi nako nag abala pa, nagsuot lang ako ng simple at agad ring umalis. Habang naghihintay ako ng masasakyan, bigla na lang dumating si Yuri. Dammit! Wrong timing naman siya. Bat ngayon pa niya napag isipan na puntahan ako kong kailan pupunta ako ngayon sa clinic. Paano to?




Agad niya kong nilapitan habang nakangiti pa. Buti na lang at siya lang yung nandito.



"Saan ka pupunta? Bibisitahin pa naman sana kita. Wala akong magawa eh, yung dalawa naman medyo busy kaya naisipan kong dumalaw rito." agad niyang sabi.



"A-Ah ganon ba. May pupuntahan sana ako eh. Sure ka bang wala kang gagawin sa inyo? Baka mayroon o baka nakalimutan mo lang." sagot ko.



"Eh? Wala nga. Teka nga, parang ayaw mo naman na nandito ako eh. Nakakatampo ka, Francheska. Saan ba ang punta mo ah?"



"Hindi naman sa ayaw ko, Yuri. Kase may importante lang akong pupuntahan at aasikasuhin. Yun lang yun, okay?"




"Fine. Pwede naman kita samahan siguro diba? Wala rin naman akong gagawin. I can go with you."




Eh? Hindi pwede. Malalaman niya lang kong sasama siya sakin. Anong gagawin ko nito?




"Masyadong malayo ang pupuntahan ko. Ako na lang siguro?"




Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. Umiba ang awra nito bigla. Oh damn! Baka galit siya dahil hindi ko siya pinapasama sa pupuntahan ko. Hindi ko pa naman kaya na magalit ang mga kaibigan ko sakin. Ano ba naman to?




"Kailan ka pa ganyan ah? Hindi ka na nga nakiki hangout samin, hindi na din kami masyadong aware sa mga nangyayari sa buhay mo tapos kahit sa isang lakad lang, ayaw mo pang samahan kita? May problema ka ba sakin, Francheska? Sa pagka alala ko kase, wala naman kaming ginawang masama para maging ganito ka. Maraming nagbago sayo, alam mo ba yun? Hindi na ikaw yung dating Francheska na kilala ko. Ano bang mayroon at ganyan ka ah? Sabihin mo nga sakin." seryoso ngunit bakas sa tono nito ang inis, masasabi ko nga talagang galit na siya sakin.




Kailangan ko na bang sabihin lahat sa kanya? Paano kong magkakagulo pag sinabi ko lahat? Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Natatakot na naman ako sa posibleng mangyari. Kilala ko si Yuri, magagalit din yun sakin pag hindi ako nagsabi ng totoo at baka magalit din siya pag malaman niya yung nangyayari sa buhay ko ngayon. Hays. Anong gagawin ko?






"I-I'm sorry, Yuri. Sorry kong ganito ako ngayon at nung nakaraan. Marami lang kase nangyari at mahirap isa isahin yun sayo. Tsaka, ako pa rin naman to, yung kaibigan niyong si Francheska Amarra Abueva. Sorry kong nagkulang ako bilang kaibigan sa inyo ngayon. Sana patawarin mo ko." paghihingi ko ng paumanhin sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya habang siya naman ay tinitignan ako ng maigi.





Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon