06

16.9K 341 2
                                    

"Wag ka ngang magsalita dyan. Tss, bahala ka sa buhay mo. Aalis ako." matapang na sagot ko kahit ang totoo ay parang may kung ano sa loob ko na para bang natatakot.

"Gusto mo lang siguro na mahalikan na naman kita?"

"Wow? Bat ko naman gugustuhin? Tsaka, hindi ako adik sa halik no!"

"Really? Bakit miss mo na ba yung boyfriend mo dun sa loob?"

Agad akong nabigla ng sabihin nya yun. Boyfriend? Si Peter ba yung ibig sabihin nya?

"Pake mo ba kong miss ko yun o hindi. Sino ka naman para tanongin ako? 'Ni hindi nga tayo close dalawa e."

"Ang taray mo masyado. Pero kahit anong taray mo dyan, di mo pa rin ako mapapaalis. Tsaka, sino ako? Ako lang naman ang magiging future mo."

"Ang kapal mo!"

"Wala akong pake sa sasabihin mo kahit may boyfriend ka man, gagawin ko ang lahat maagaw lang kita."

Napanganga ako sa sinabi niya. Gago'ng to! Pinagsasabi nito?

"Teka nga, alam mo hindi kita maintindihan. Bigla ka na lang sumusulpot sa harapan ko, hahatakin ang braso ko, magsasalita na hahalikan ako tapos ito naman, yung aagawin ako. Teka nga, drug addict ka ba?"

"What? Drug addict? Sa mukhang to, drug addict lang?"

"Whatever. Magpatingin ka na nga lang sa doktor baka maagapan pa yang nasa utak mo." tsaka agad ko na syang tinalikuran.

Akala ko ay tagumpay na kong makakalayo sa kanya. Pero mukhang nagkakamali ako. Hinatak na naman ulit ako dahilan para masubsob na naman ako sa dibdib nyang matigas. Argh! Hilig nya talagang gawin to no?

Sobrang lapit na naman naming dalawa tulad ng hinalikan nya ko sa bar nina Monica. Wait! Baka halikan na naman ako nito. No way! Ayoko na!

Aalis sana ako sa ganoong posisyon namin ng bigla nya nga kong sinunggaban ng mapusok nyang halik. Hindi ako makapumiglas dahil kinulong ng isa nyang bisig ang bewang ko samantala ang isa naman ay hawak hawak ang pisnge ko. Hindi ako tumutugon sa mga halik nito. Kitang kita ko na nakapikit ito at ninanamnam ang bawat halik na ginagawa niya sakin. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa halik nya. Di ko maipagkakaila na ang sarap nga ng mga halik nito. Pero di rin naman ako tanga para magpadala na sa sensasyong binibigay niya.

Agad rin nyang binitiwan ang labi ko tsaka nya ko tinitigan ng sobra. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa mga titig nya, para bang maduduling ako sa ginagawa nito.

"I'm addicted to your lips. I really like to kiss you every single of time."

"Ano ba!" sigaw ko tsaka lumayo ng todo sa kanya.

Masyado syang agresibo sa mga ganitong bagay. Hindi na dapag ako magpakita sa kanya. Baka, soon, e rape na ako nito. Wahh! Wag naman sana.

"Pwede ka ng bumalik dun sa loob, nakahalik na naman ako sayo e. I'm fully satisfied."

"Manyak!"

"I know."

"Nakakainis ka!"

"And let me remind you, wag ka ngang lalabas ng public places na yan yung suot mo. Ayokong may nakakakita na ibang tao dyan, kahit legs mo lang. Tsaka, mas lalo akong nahohorny sayo."

Fuck! Horny? Gusto ko syang sampalin dahil sa kung ano ano na naman yung lumalabas sa bibig nya pero ang totoo ay di ko naman talaga magawa.

Tinignan ko na lang ang suot ko, tulad pa rin ng kaninang umaga. Maong short tsaka oversize na tshirt. Anong masama dito? Wala naman a. Tss.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon