09

14.5K 299 2
                                    

"More than 30 minutes kang hindi nakabalik a. Masyado bang private at seryoso yung pinag usapan niyo ng lalaking yun? O, baka may ginawa pa kayong iba?" bungad na tanong sakin ni Peter.

Mahinahon at kalmado siyang magsalita pero alam kong galit siya dahil ngayon pa lang ako nakabalik sa kanya.

"Sorry, hindi naman ganon ka private at seryoso ang usapan naming dalawa. Tsaka, anong ibig mong sabihin, na baka may ginawa kami?"

"Wala. Nevermind."

"Peter naman.. galit ka ba?"

"Mukha ba kong galit, Ara?"

"Eh? Para sakin, oo eh. Sorry na."

"Bat humihingi ka ng sorry sakin? Hindi mo naman ako boyfriend, kaya you don't have to say sorry on me. Tsaka ka na lang mag sorry, pag may salitang tayo na."


Nanlumo ako sa narinig ko galing sa kanya. Hindi naman yun sumbat pero parang iba ang dating nun sakin. Nakaka guilty lalo yun sakin.


"Sino ba yung lalaking yun, Ara? Pwede bang umamin ka sakin, kahit sa ganong paraan lang." dagdag pa nito.

Natigilan ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba sa kanya? Bat hindi naman, in fact, wala namang masama in between me and that boy named Nicholai. I don't need to felt guilty or something.



"Uhm.. He's Nicholai Romero. I actually met him at Monica's bar when we celebrate a party last time. I met him there and I didn't expect to see him at the grocery store earlier. I don't know, why he tried to follow me here but I'm kinda sure that's just nothing. We don't have to worried on that. In fact, he's quite nice then." I explained.

"Maybe, he likes you. I think, that's the reason Ara. Lalaki ako at lalaki din siya, alam ko ang mga ganong galawan ng isang lalaki."

"H-Hindi naman siguro ganon yun Peter. Siguro, gusto niya lang makipag kaibigan. That's all."

"Ang lalaki hindi lang pakikipagkaibigan ang kailangan sa isang babae. Malabo din na maging kaibigan ang isang lalaki at babae. At alam kong, alam mo rin yun."

"Eh? Pero---"

"Wag ka ng mag explain Ara, may tiwala naman ako sayo. At sana, wag mo kong biguin dun kase di ko alam kong anong magiging kahihitnan nun kung sakaling mangyarin man yun."



May kung anong kirot ang naramdaman ko sa loob ko dahil sa mga salitang binitawan ni Peter. Kung alam niyo lang sana, hindi ko rin siya gustong saktan. Ayokong may masaktang tao dahil sakin. Ayokong mangyari yun.


Biglang nag ring ang phone ni Peter at agad niya rin itong sinagot.


"Mom? ... Pabalik na kami ni Ara sa apartment niya... Right now? Sure.. I'll be there... Sige sige mom... Bye." yun lang ang naging sagot ni Peter.

Ano kayang sinabi ni Tita sa kanya?

"Hatid na kita sa apartment mo. Pinababalik na kase ako ni mommy dahil may pupuntahan daw kami ngayon." paliwanag niya sakin.

"Ah ganon ba. Sige, hatid mo na lang ako tsaka bumalik ka na sa inyo."

"Tara na."









Ng makarating kami sa apartment, hindi na bumaba si Peter dahil baka naghihintay na daw sina tita sa kanya. Kaya heto ako ngayon, mag isang naglalakad patungo ng apartment ko.

Mag isa na naman ako. Hays, ang lungkot talaga ng buhay ko.


Ng biglang...


"Bat po kayo napatawag?" sagot ko sa kabilang linya.

"Wala talagang greetings galing sa'yo. Napaka walang modo mo talaga Francheska. Parang hindi mo ko ina sa lagay na yan." sagot nito.

Yup. Siya ang mama ko. At wala talaga akong gana na makipag usap sa kanya dahil kung ano ano na naman ang sasabihin nito. Nakakairita.

"Ano po bang kailangan niyo?"

"Pumunta ka na dito sa U.S."



Tss. Yan na lang palagi ang sinasabi niya. Gusto niya kong sumunod dun sa kanila ni dad sa U.S. Kahit wala naman akong interesado na pumunta dun. Argh! Gusto ko dito, gusto kong mapag isa.


"Same answer. It's still No."

Rinig kong buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Francheska, ilang ulit ko ng sinabi sayo na, it's for your own good. Hindi kami nakakatulog ng maayos ng dad mo rito, dahil iniisip ka namin dyan. Mag isa ka lang dyan at sa tingin mo ba makakampanti kami nun? Ano bang kailangan namin gawin para pumunta ka dito?"

"I know na nag alala kayo sakin. But I'm good, kinda good. You don't have to worried. Tsaka, wag kayong mag alala baka soon makakapunta na ko dyan. Pero, not now."

"Hay nako, Francheska Amarra Abueva. Pareho kayong matigas ang ulo ng dad mo. Pero, may pera ka pa ba dyan? May mga pagkain ka pa ba dyan?"

"Yup. Mayroon pa ko rito. Wag na muna kayong magpadala. Mag ipon na lang kayo muna dyan ni dad."

" If I were you, kung ayaw mong sumunod dito tsaka kung ayaw mo pang magtrabaho.. maghanap ka na lang ng mayamang lalaki dyan at pakasalan mo. Para naman maging mabuti ang buhay mo dyan. Yan na lang ang gawin mo."

Muntik pa kong mapa ubo sa sinabi niya. Talagang okay lang sa kanya yun? Okay lang na magkaroon ako ng isang asawa na ubod ng yaman kahit na hindi ko naman mahal? Argh, ina ko ba to? Tss.

"Ma, ano bang pinag sasabi mo dyan? Tss, wala pa sa plano kong mag asawa okay? 'Ni wala nga kong boyfriend e."

"Edi maghanap ka na ng boyfriend basta mayaman tsaka pakasalan mo agad. "

"Mama naman! Kung wala ka ng matinong sasabihin, ibababa ko na to."

"Fine basta gawin mo pa rin yun. Sige, mag ingat ka dyan."

"Sige. Kayo rin."






Hays. Natapos din ang usapan namin. Nakakainis talaga. Tss, ano akala niya sakin tanga o bobo? Kung maghahanap ako ng mapapangasawa ko, yun dapat ang lalaking pinakamamahal ko. Ayokong magsisi sa huli dahil sa maling desisyon na gagawin ko. Kaya, di ko kailangan magmadali sa ngayon. Right time will come nga diba?












Author's Note:

Ackes! Soon, I'll going to write the 'TEMPTATION SERIES #2'. After kong tapusin to kay Nicholai, next ko na agad yan. Hoping for your love and support guys. Lovelots ❤️

Sorry for the slow updates. Still kinda busy but I'll find ways to update the next chapters. So, keep reading :)

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon