16

12.1K 274 1
                                    

Hinintay ko si Peter sa park na tinutukoy niya kanina. As usual, isang mapayapa, maaliwas at tahimik na park ang sasalubong sakin. Masasabi ko talagang mawawala lahat ng stress at problema ko dito.

Napangiti na lang ako. Unti unti akong nagulat ng may biglang yumakap galing sa aking likuran. Nabigla ako dahil sa hindi ko inaasahan na kilos nito.


"Payagan mo muna ako, Ara. Gusto ko lang maramdaman na yakapin ka kahit sa ganitong posisyon lang. Sobrang miss lang kita, I miss you so much." natigilan ako sa mga salita na binitawan ni Peter.

Normal pa din ang nararamdaman ko kahit sa ganitong sitwasyon na mayroon kami ni Peter. Almost 2 years siyang nanliligaw, noon napagtanto ko na sa sarili ko na sasagutin ko na siya. Pero ngayon, I don't know why bat parang napagtanto ko na wag muna. Di ko alam yung rason kong bakit, basta alam ko sa sarili ko na, wag muna.

Masyado ko na bang pinapaasa ang nag iisang Peter? Masamang tao na ba ko nito? Arghh, bat hirap ng sitwasyon?

"Hey, hindi mo ba ko namiss?" tanong pa nito.

Unti unti akong kumalas sa pagyakap niya. Kita kong nagulat ito dahil sa ginawa ko pero agad ko siyang tinignan ng diretso.


"Miss din naman kita, Peter. Pero sana, wag mo ng ulitin yung ginawa mo. Di naman sa masama yun, kase, hindi lang ako sanay."

"Ganon ba. Sorry kong ganon, hindi ko sinasadya. Nadala lang ata ako kaya ganon."

"Okay. So, bat biglaan ka yatang nakipagkita dito? Di kana ba busy?"

" Medyo hindi na, at gusto ko lang din na makita ka. Kaya naisip kong mas mabuti kong dito kita dadalhin kase pareho tayong nakakaalam na espesyal ang lugar na ito."

"Oo nga naman. Favorite nga natin diba."

"Maiba ako, Ara. Gusto ko lang sanang tanongin sayo kong kailan moko balak sagutin. I mean, may chance naman diba? Wala ka namang ibang gusto at wala namang ibang lalaki na nanliligaw sayo. Kaya ko pa naman maghintay basta alam kong may chance lang ako sayo. Hope you don't mind." malumanay at seryosong usal nito.


Ewan ko bat biglang pumasok sa isip ko si Nicholai dahil sa mga tanong ni Peter sakin. But why? Wala ng rason para isipin ko siya, pero what now? Pati si Peter, naguguluhan na din kong bat hanggang ngayon di ko pa siya sinasagot. Anong sasabihin ko ngayon sa kanya? Di pwedeng masaktan siya dahil lang sa padalos dalos ako. Maraming magagalit pag binalewala ko siya, yung mga close friends ko, parents niya at mismong siya. Argh! Ang hirap.


"Peter, medyo magulo pa ngayon yung desisyon ko. Pero sana wag kang magalit sakin kase masyado na kitang pinapaasa. Masyado akong OA dahil almost 2 years ka ng nanliligaw, hindi pa rin kita nasasagot. Bigyan mo lang ako ng kunting time kung pwede. Okay lang ba yun?"

He smiled. Then answered me, "It's okay, Ara. Take your time, and I'll prove to you that you will choose a right man that will love you til last. I'm still into you, Ara. I'm deeply inlove on you. I will wait for your decision and I will wait that day. Promise."

"Thank you." Napangiti na lang ako sa kanya.


Sana talaga tama ang desisyon ko. Sana walang magsisi sa huli o di kaya masaktan kase di ko kakayanin ang ganon.


_______________________

"Kailan ulit yung party natin?" tanong ni Monica habang naglalagay pa ng lipstick sa labi nito.

"Pwede naman bukas. Pero depende sa dalawang toh." sagot naman ni Yuri.

Nandito kami ngayon sa isang Milktea Shop. Biglang nag aya si Monica tapos libre niya naman daw kaya napa oo na lang kaming tatlo.

"Magpapaalam lang ako kay Mommy at Daddy tapos text ko na lang kayo." sagot ni Loisa sabay inom ng milktea niya.

"How 'bout you, Francheska Amarra Abueva?" Tanong ni Monica sakin.

"Sige, sasama naman ako. Bat naman hindi?"

"Sasama nga, late naman. Pasalamat ka talaga maganda ka." biro ni Yuri.

Natawa na lang kami at nagkwento ng kung ano ano. Ito talaga ang isa din sa gusto ko, yung bonding time naming apat. Nakakawala din kase ng stress kapag sila talaga ang kasama. Yays!


Natigilan kami sa pag uusap ng may narinig kaming usapan ng dalawang tao sa pintuan ng milktea shop. Di ko tinignan kong sino yun kase yung pwesto ko ay mismong nakatalikod sa pintuan tabi ni Yuri. Samantala yung dalawa naman ay dun nakaharap.

"Babe, I really want milktea. Can you buy for me?" rinig ko galing sa pamilyar na boses ng babae.


"Milktea, a cheap one. I can buy something expensive. So, let's go." sagot ng lalaking biglang nagpakaba sakin.


Hindi pwede toh! Nagkakamali lang siguro ako. Tama, siguro guni guni ko lang din ang boses na yun. Bakit naman mapupunta yun dito? Walang rason para mapadpad yun dito. Tama ka, Francheska. Tama.


"Babe, please, I really want to. Please." dagdag pa ng babae.


Titingin na sana ako sa gawi nila ng biglang sumigaw si Loisa.



"Nicholai!" sigaw nito sabay kaway.



Kinabahan ako na parang ewan. No way! Siya nga talaga. Pero bakit? I mean, bat ngayon pa? Matagal naman siyang hindi na nagpapakita ah. Pero bat ngayon, arghh. May kung ano sa sarili ko na gusto kong tumayo at umalis sa shop na to. Basta ayoko lang siyang makita kase guilty pa din ako sa sinabi ko sa kanya noon. Pero bakit nga kase guilty ako? Kainis ka din talaga, Francheska eh.


"Nicholai, nandito kami ni Francheska. Lika kayo dito." dagdag pa ng kaibigan ko.


Gusto ko siyang pagsabihan na bawiin yung pinagsasabi niya pero huli na. Naramdaman ko yung mga yapak ng nag iisang Nicholai Romero. Mas lalo akong kinabahan at bumilis ang pintig ng puso ko. Shit! Wag naman sana.


"Hi. Ikaw pala, what's your name again, pretty lady?" tanong ni Nicholai kay Loisa.


Tumayo siya mismo sa gilid ko. Di ko man tignan si Yuri alam kong sakin siya nakatingin ngayon. Alam ni Yuri ang lahat kaya siguro binabantayan niya ang maaaring mangyari sa pagitan namin ni Nicholai.


"I'm Loisa, Francheska's close friend." Pakilala nito sabay ngiti ng napakalaki.


"Nice meeting you and nice to see you again. If you don't mind, I'll have to go." paalam na nito.


Hindi pa din ako makatingin sa kanya. Nakatuon lang ang pansin ko sa milktea na nasa harapan ko mismo. Basta ayoko siyang tignan, tapos ang lahat dun.


"Wait, hindi mo man lang ba babatiin si Francheska. Nung huli kase masyado kayong close kung hindi nga lang ako aware sa pagitan niya baka talaga isipin ko na mayroong something sa inyo." nagulat ako sa sinabi ni Loisa.


Napatingin ako sa kanya. Dammit, nakakahiya na talaga toh. I need to do something. Mag isip ka, Franceska.


"Sorry pero hindi na kami close ngayon. Siguro nadala lang ako noon dahil gusto kong makipag close sa kaibigan mo. Pero ngayon, naisip ko na hindi ko kailangan ipilit ang sarili ko sa ayaw sakin. Maybe, nagustuhan ko nga isang tao, pero minsan mawawalan ka na lang talaga ng gana sa di masabing dahilan. Siguro nga ganon ako. Mukhang hindi kapa nasanay sa isang Nicholai Romero. Hindi din naman ako makuntento sa isa, kase at the end maghahanap ako ng ibang putahe. So, sana maintindihan mo yung ibig kong sabihin." seryosong tugon ni Nicholai.





Tumatak lahat ng sinabi niya. May kong ano sa sarili ko na nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya. Medyo nagalit din ako dahil napagtanto ko na hindi siya seryoso sa mga pinagsasabi niya noon sakin. Na gusto niya ko, na mahal niya ko. Fuck! Isang babaero at manyakis nga naman. Isang malaking tama na ginawa ko ang pag reject sa kanya. Hindi talaga siya nararapat na mahalin. He's asshole.






Sa di mapagtantong rason, agad akong tumayo at lumabas ng milktea shop. 'Ni hindi ko man tinignan ang isa sa kanila. Tumakbo ako na parang baliw sa di malamang direksyon. Basta ngayon, alam kong nasaktan ako. That's all.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon