23

12.9K 264 2
                                    

Ng magising ako, agad kong tinignan kong nandito pa rin ba si Nicholai sa tabi ko. Pero, wala na siya. Narinig ko na parang may gumagamit ng shower sa loob ng cr ng kwartong to. Kaya pinilit kong tumayo para ligpitin lahat ng damit ko. Pero napunit na pala yung dress ko kaya kinuha ko na lang yung damit ni Nicholai. Nagmukha itong oversized sakin, kaya yun na lang yung sinuot ko.

Oras na para umalis ako rito at iwan ang lalaking sumira ng lahat lahat sakin. Kahit may masakit sakin, laking pasasalamat ko ng maayos akong nakapaglagay ng mga damit ko. Sana hindi pa siya makalabas para hindi niya ko mahuli. Tinignan ko ulit kong may mga gamit pa ba kong naiwan, pero mukhang wala na rin naman kaya unti unti na kong lumapit sa may pintuan.

Bago ko man lisanin ang kwarto niya, tinignan ko muna lahat ng sulok nito at dun lahat bumalik ang mga alaala sa pagitan namin. Argh! Ayoko ng makita ka, Nicholai!

Lumabas nako ng kwarto niya at dali daling bumaba. Buti na lang at hindi na lock ang bawat pinto kaya mabilis akong nakalabas ng bahay niya na parang mansyon. Ngayon ko lang napagtanto na maganda ang bahay niya. Syempre, anak nga ng isa sa mga mayayamang tao dito diba?


Agad na kong pumara ng taxi at sumakay nako. Nakahinga ako ng mabuti ng tuluyan na kong nakalayo dun. Sobrang nagsisisi talaga ako. Hindi ko inexpect na aabot kami sa ganito, 'ni wala din namang namamagitan samin. Ano na lang yung sasabihin ng mga tao pag nalaman nila ang tungkol dito? Yung mga kaibigan ko? Parents ko? Lalo na si Peter! Dammit! Ang tanga mo talaga, Francheska! Hindi ka man lang nag isip o ginamit tong utak mo!


Hindi ko na napigilang umiyak sa loob ng kotse. Masyado akong nagpadala kay Nicholai. Ang tanga ko ng sobra! Nakakahiya ka, Francheska! I hate myself so damn much!





Ng tuluyan na kong makauwi, agad na kong pumasok ng bathroom para maligo. Agad kong binasa ang buong katawan ko, nandidiri ako sa sarili ko. Dammit!

Naging sariwa ulit ang mga pangyayari kaya naiyak na lang ako. Kilala ako ng lahat ng tao bilang isang matinong babae, then what now? Ayoko pang mabuntis. Lalo na pag alam kong si Nicholai ang magiging ama.

Isang oras din bago ako makatapos. Lumabas ako at nagbihis. Pagkatapos nun, umupo na lang ako sa sofa at di na kumibo. Kinakabahan ako ngayon at sa mga posibleng mangyari.

Habang tulala ako, bigla na lang may kumatok sa pintuan. Napaisip pa ko kong sino. Binuksan ko na lang baka sakaling mga kaibigan ko iyon o di kaya si Peter.

Wala sa sariling binuksan ko ang pintuan at agad akong hinila ng lalaking nasa harapan ko dahilan para mapayakap ako sa kanya.

"Wag mokong iwan ng ganon lang, Amarra. Hindi ko ulit kakayanin kong gagawin mo ulit yun." nagulat ako ng sobra ng napagtantong si Nicholai iyon.


Bumilis agad ang pintig ng puso ko. Para itong nalulusaw dahil sa mga katagang ibinibigkas niya. Francheska, pilitin mong wag inlove sa lalaking to.


"Alam kong masyado na kong obssess o tempted sayo, pero ewan ko, gustong gusto kita ng sobra pa. Hindi ko man maexplain sayo lahat, pero please pagbigyan mo lang ako. Wag mo rin akong layuan ng ganon na lang. Please, hon." dagdag pa niya.

Ewan ko ba kong bat bigla na naman akong napaiyak. Hindi ko pa din napagtanto kong bat ako ganito lagi sa kanya. Bat kase pinapairal ko ang mga ganitong emosyon ko? Pinamumukha ko lang sa kanya na parang bibigay na ko.

Unti unti niyang nilayo ang katawan niya sakin, siguro naramdaman niyang umiiyak nako. Kita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Bakit kase ganito siya sakin? Bat bigla na lang susulpot tong si Nicholai sa buhay ko?


"I'm very sorry. Minsan talaga gusto ko ng saktan tong sarili ko. Lagi na lang kitang nakikitang umiiyak dahil sakin. Nasasaktan na kita at dahil dun nasasaktan din ako. Wala akong pake kong masyado man akong pabibo o kong ano man sayo. Never pa kong naramdaman ng ganitong feeling, Amarra. Sayo lang at wala ng iba. Kahit ilang beses ko man sabihin yan sayo, hinding hindi ako magsasawa. Pero ayoko ng makita kang umiiyak dahil sakin, please. Hindi mo deserve umiyak, hon. Deserve mong maging masaya sa bawat oras. Sorry kase ginulo ko yung buhay mo. Sorry sa mga kalokohan na ginawa ko sayo. Sorry sa ginawa kong kahalayan sayo. Sorry sa lahat lahat. Sana patawarin moko, at wag ka na din umiyak."seryosong sambit ni Nicholai.



Mas lalo akong napaiyak. Argh! Kainis naman o! Napakaiyakin mo!


Bago pa ko makapag salita, agad ng pinunusan ni Nicholai ang luha ko. Kitang kita ko ang senseridad sa mga mata niya. Pero kase masyado lang gugulo kong hindi ko toh aayusin ng kusa.




Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at nagsalita.



"Nicholai, hihingi ako ng favor sayo. Maibibigay mo ba toh sakin?" panimula ko.


"What is it, hon?" direktang tanong niya.

"Layuan mo nako o wag ka ng magpakita pa sakin. Yun yung favor na hihingin ko sayo."


"Alam mo yung sagot ko dyan, Amarra. I won't do that, fuck!" napamura na siya dahil sa inis.

"Diba sabi mo mahal moko? Bat hindi mo kayang gawin yung pakiusap ko?"

"Oo mahal kita, pero hindi ako tanga para layuan ang taong mahal ko. Oo kilala man akong babaero o maraming naikama, pero wala akong pake, bigla ko na lang napagtanto na gusto kita, na mahal kita Amarra. Kaya hinding hindi ko magagawa yang favor mo. I swear."



"Tama na Nicholai! Wag ka ng magsalita pa. Marami ng nangyari sa pagitan natin, dagdag mo pa yung nangyari satin kagabi. Tingin mo, anong sasabihin ng mga tao sakin? Ano na lang yung sasabihin ng parents at kaibigan ko? Nagsisisi ako ng sobra dahil sa nangyari satin, Nicholai. Kaya kong pwede lang, sundin mo na lang ying favor ko sayo. Layuan moko at wag ka ng magpakita pa."



"Look, Amarra, tingin mo ba kaya kong gawin yan? Lalo na at mayroong may nangyari satin. Hinding hindi ko magagawa yan sayo. Kaya kitang panagutan kong may mabubuo man." unti unti niyang hinawakan ang mga kamay ko.



"Walang mabubuo, Nicholai. Wala! Tandaan mo yan! Bitawan moko at umalis kana rito. Kung ayaw mong sundin yung favor ko sayo, ako na mismong lalayo sayo. Yung tipong 'di mo nako mahahanap pa." sagot ko pa sabay talikod na sa kanya.



Isasarado ko na sana yung pinto ng pigilan niya ulit toh. Tumaas ang kilay ko sa ginawa niya. At heto na naman yung mga mata niyang kumikislap. Shit!




"Wag mong gagawin yan, Amarra. Wag na wag. Bibigyan kita ng ilang araw, hindi ako magpapakita sayo. Basta wag mo lang gawin yung sasabihin mo, please. I'm begging, hon. Please, please." pagmamakaawa niya.



Hindi nako sumagot pa at tuluyan ng ni lock ang pinto. Unti unti akong nanghina at napaupo sa sahig. Gulong gulo pa din yung isipan ko. Masyadong maraming nangyari, at halos hindi inaasahan ang lahat.


Lord, ano pong gagawin ko? I'm so fucking confuse right now.




Umiyak na lang ako ng umiyak sa mga sandaling iyon.

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon