04

20.3K 476 9
                                    

Ako na mismong kumalas ng kamay ko galing sa kamay ni Vincent. Ayoko ng may marinig pang salita galing sa kanya. Pinamumukha niya lang naman na kala mo'y boyfriend ko siya! Tss. Ni hindi ko nga rin siya kilala, pero kung umasta daig pa na parang jowa ko.

"Sino ka ba ha? Tsaka, wag kang pabibo dito! Hindi bagay sayo bro." Inis rin na usal ni Vincent.

No way! Mukhang hindi na talaga maganda ang ihip ng hangin dito. Ayokong may mangyaring away rito. Hell no!

Kita ko ang pag smirk ng lalaking manyakis sa sinabi ni Vincent.

"Sino ako? Ako lang naman si Nicholai Romero anak ni Nicholas Romero, na nag iisang fiancee ng kasama mo ngayon.  Kung tatanongin kong sinong pabibo dito, hindi ako yun kundi ikaw yun! Fuck you!" mura nito.

Wait! What? Tama ba yung dinig ko? Sinabi niyang fiancee niya ko? Eh? Gago ba siya? Ni wala nga kong boyfriend, fiancee pa kaya?

"What? So, you're Nicholai Romero? Tss. Pasalamat ka at ikaw si Nicholai kung hindi baka kanina pa kita inupakan dyan." Natauhan ako ng sumagot pa si Vincent sa kanya.

"Akala mo ba na matatakot na ko dyan sa banta mo? Psh, pang bobo lang yang katapangan mo. Kung ako sayo, umuwi ka na lang sa inyo."

"Aba't sumusobra ka na ha!" aakamang susugod na sana si Vincent ng agad ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan.

Agad rin naman siyang napalingon sakin, medyo nabawasan ang galit sa mukha nito dahil sa ginawa kong paghawak sa kamay niya.

"Please, wag na. Ayokong mag away kayo o may masaktan sinyong dalawa. Please." pangmamakaawa  ko.

Kita ko ang pagpapakalma niya sa sarili niya. Unti unti kong binitawan ang kamay ko tsaka tumayo ng tuwid.

"Sorry Francheska. Hindi ganito ang inaasahan ko. Sorry talaga. Sana magkita tayo ulit."

"Fuck! Hindi na kayo magkikita pa, ito na ang pinaka huli baka mapatay pa kita pag nagawa mo pang magpakita sa babae ko." singgit na naman nitong Nicholai.

Nicholai Romero? Ayos lang ba siya? Panira siya ng gabi ko. Tss!

"Fuck." rinig kong bulong ni Vincent tsaka pa napangisi.

Sobrang ganda talaga ng gabi mo Francheska. Sobra! Pwede na kong mamatay sa sobrang saya ko. Just kidding!

"Sige. Mauna na ko Francheska. See you around." tsaka tuluyan ng tumalikod samin.

Ng makaalis na siya, napagpasya ko rin na umalis na rin kaso ng dadaan na sana ako sa gawi nung Nicholai bigla niya na lang hinawakan ang braso ko.

Ano na naman? Sobrang nakakainis na to a!

"Ano? Aalis ka na lang ng ganon ganon? Ginagago mo ba ko?" sunod sunod na tanong niya tapos bakas pa sa tuno nito ang galit.

"Teka nga! Bat ba ha? Tsaka sino ka naman ba para pagsalitaan moko ng ganyan? Tsaka sino ka pa para umasta ng ganon kanina? Alam mo bang sobrang nakakainis ka na! Ni hindi nga kita kilala tapos kung umarte at kumilos ka ay daig mo pa na jowa kita. Pwes! Nagkakamali ka ng pinili, iba ako sa naiisip mo. Hindi ako yung babae, na easy to get mo lang! Fuck, iba ako, okay? Tsaka, bitawan mo nga ko!" bulyaw ko naman dahil sobrang inis sa kanya.

Kita ko na parang natigilan siya sa sinabi ko. Bagay lang yan sayo!

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang masaktan ka."

"Wow? Pwes, kung hindi mo alam kanina mo pa ko pinapahiya at sinasaktan, okay? Tss."

"Humihingi nga ko ng sorry sayo. Nainis at nadala lang talaga ako."

Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon