44

10.7K 249 15
                                    

"Is that our daughter?" pag uulit na tanong ni Nicholai sakin.

Parang binuhusan ako ng mainit at malamig na tubig ngayon. Di ko alam kung ano ang dapat na gawin sa mga oras na toh. May kung ano sa sistema ko na, gustong umamin kay Nicholai. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka magalit siya ng husto sakin at baka kunin niya si Nicole pagnagkataon.

"Amarra, can you please speak? I'm asking you right now. Is that my daughter?" Kinalma ko ang sarili ko ngayon dahil hindi pa ko sigurado sa lahat ng iniisip ko.

Habang naka pokus sakin si Nicholai, bigla naman lumapit si Peter. Tinignan ko si Peter sa maaari niyang gawin, pero inaya niya lang ako na umalis na. Kita ko ang pagpigil ni Nicholai sa sarili niya, medyo umiigting na  rin ang panga nito. Hindi solusyon ang pag alis dito. Bahala na! Siguro nga, oras na para malaman niya ang lahat.

"Peter, I have a favor. Pwede bang mauna na muna kayo ni Nicole? I just want to talk with Nicholai." utos ko kay Peter dahilan para magtaka ito. Tinignan ko lang siya at pinilit kong sundin niya iyon.

"Are you sure about this, Ara? You can go with us and leave that man. Don't force yourself to do this." sagot pa niya at halos gawin niya na lahat wag ko lang ituloy ang binabalak ko.

"Don't worry, Peter. I can handle this. Maybe, this is the right time to speak and explain everything with Nicholai. I can't take this anymore."

"Fine. If that's what you want." wala na siyang nagawa kundi sumang ayon sakin. Agad rin naman siyang napatingin kay Nicole na nasa likuran ko pa rin. "Let's go, baby." Aya nito sa anak ko.

Napatingin pa sakin ang anak ko at agad ko rin siyang binigyan ng pagsang ayon para sumama kay Peter. Bago siya tuluyang makaalis, niyakap ko muna ito. Di ko alam kong ano ang reaksyon ni Nicholai basta alam ko, kinakabahan ako sa maaaring mangyari.

"I love you, mom." sabi niya.

"I love you too." sagot ko rin at tuluyan na silang lumayo sa amin.

Kita ko ang buong pokus na tingin ni Nicholai sa bata. Alam kung malakas ang loob ni Nicholai na sabihin na anak niya nga si Nicole. Ang pwede ko lang gawin sa ngayon ay ipaliwanag at ipaintindi ang lahat ng nangyari.


Ng tuluyan ng makapasok ang anak ko sa kotse, napunta na sakin ang atensyon ni Nicholai. Seryoso niya kong tinignan at mas lalong tumindi ang kaba na namumuo sa dibdib ko.

"Now, explain everything, Amarra. I know, tama lahat ng nararamdam ko ngayon. Pero kailangan ko pa din marinig lahat galing mismo sayo." seryosong sabi nito.

Bago ako makapagsalita, nakita ko ang pag alis ng sasakyan ni Peter. Humugot nako ng lakas para sagutin si Nicholai.

"Nicholai, before I explain everything on you, I've just wanted to say, you need to calm yourself and hope you'll understand me. And please, everything happens for a reason." panimula ko. Seryoso pa rin siyang nakatingin sakin, at 'ni isang salita ay hindi ako nakatanggap galing sa kanya.

Sinimulan ko ng magpaliwang sa kanya.




"Sorry. Sorry dahil iniwan kita ng walang pasabi. Sorry din dahil pagkatapos ng lahat, nawalan na tayo ng communication. Naisipan kong umalis at pumunta sa States para sa kapakanan ko. At sa kapakanan rin ng anak ko. We stayed for almost 5-6 years. That time, gustong gusto ko ng bumalik dito at gusto ko na rin na makita ka ulit. But, I'm scared. Iniwan kita at ang mas masakit pa dun, iniwan ko ang lalaking minahal ko na. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko. Pero, huli na lahat. I'm sorry, Nicholai. I'm sorry for everything." paliwanag ko. May kung ano sa sarili ko na gusto kong umiyak. Walang emosyon siyang nakatingin sakin. Bat, parang umiba siya? O, 'di ko lang namalayan na maraming nagbago sa kanya.





Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon