"Francheska, sagutin mo yung tanong ko. Bakit si Nicholai? Paano naging siya yung nakabuntis sayo? Sagutin mo naman, please." pagmamakaawa pa nito.
Hindi na rin napigilan ni Yuri na umiyak dahil sa mga bagay na narinig niya. Minsan ko lang nakikitang umiyak tong si Yuri, minsan dahil sa pamilya, minsan rin dahil sa amin na kaibigan niya at kadalasan rin dahil kay Liam (step brother). Hindi lang talaga siya makapaniwala kase para sa kanila endgame ko na si Peter. Ayun pala, nabuntis pako ng Nicholai na yun.
"Mahabang kwento, Yuri. Isang pagkakamali lang yung nangyari sa pagitan namin. Nalasing ako, at may ginawa si Nicholai sakin. Masyadong mabilis ang pangyayari at pinagsisihan ko lahat ng yun. Wag mo munang sabihin sa kanila, please. Hindi pa ko ready na malaman nila. Natatakot pa ko." kabadong sagot ko.
Pinunasan niya yung luha sa pisnge niya. Tumayo siya ng tuwid sabay tingin ng seryoso sakin.
"Hindi ako magsasalita sa kanila. Ang gusto kong lang mangyari, ikaw mismo yung magkwento nyan sa kanilang lahat lalo na kay Peter. Wala na kong magagawa pa, nandyan na eh. Pinagbubuntis mo na. Sinabihan naman kita, Francheska diba? Layuan mo si Nicholai at wag na wag kang magkakaroon ng feelings sa kanya. Hindi siya gaya ng ibang lalaki dyan, hindi rin siya matino. Pwede niyang gawin at kunin lahat ng gusto niya, kahit na sa maling paraan pa. Ayan, tignan mo yung ginawa niya sayo." paliwanag niya sakin.
Nanlumo ako sa mga sinabi niya tungkol kay Nicholai. Mukha ngang hindi matino si Nicholai pero once na humugot siya ng lakas at ipahiwatig ang gusto niyang sabihin, masyado siyang nagiging sincere. At alam ko yun, dahil nakita ko mismo yun sa kanya. Oo, hindi nga siya gaya ng ibang lalaki pero iba pa rin yung dating niya sakin. Aminin ko man, gusto ko na siya. Gusto ko siya pero hindi pwede.
"Okay lang naman si Nicholai para sakin. Nagiging mabait na din naman siya. Nakikita kong nagkakaroon siya ng pagbabago." depensa ko.
Tumaas na naman yung kilay niya sakin.
"Mahal mo na ba siya? May feelings ka na din ba kay Nicholai? This time, wag kang magsisinungaling sakin."
"E-Eh? Ano bang tanong yan?"
"Sagutin mo, Francheska." pag uulit pa niya.
"S-Siguro. Siguro ngang mahal ko na siya. Kaso hindi kami pwede, ayokong aminin kong ano man yung nararamdaman ko. Mas mabuti pang wala siyang alam para mawalan na ng koneksyon sa pagitan namin." mahinang sabi ko.
"Sure ka dyan? Paano yung responsibilidad niya sa magiging anak niya? Malaki ang responsibilidad niya dyan dahil siya yung ama."
"Palalakihin ko yung bata ng mag isa. Hinding hindi to malalaman ni Nicholai. Kaya kong palakihin ang magiging anak ko kahit walang Nicholai sa tabi namin."
"Pero may karapatan siya, Francheska. At kahit anong lihim mo man sa kanya, sa huli malalaman at malalaman niya rin ang katotohanan. Tandaan mo yan."
Nag iwas ako ng tingin. Alam kong malalaman niya rin pero bahala na. Ito na yung desisyon ko. Palalakihin ko yung magiging anak namin na walang Nicholai na sumusuporta. Promise ko yun at kakayanin ko.
"Alam ko. Pero sa ngayon, ito na muna yung desisyon ko. Bahala na kong ano ang magiging kahihinatnan nito." tugon ko.
"Hay nako, mahirap yan pero ikaw bahala. Grabe, hindi ko inexpect lahat ng to."
"I know. Punta na muna ako kay Doc." sabi ko sabay punta na kay Doc. Manalo na kanina pa naghihintay samin.
May sinabi lang siya sakin, mga bagay na kailangan kong gawin at iwasan. Kailangan ko rin alagaan ng mabuti ang sarili ko para maging healthy rin si baby. Sinabi rin ni Doc na 2 months pregnant nako. Masyadong mabilis lang lahat ng pangyayari. Pagkatapos nun, umuwi nako at ganon din si Yuri. Buti na lang din at napakiusapan ko siya na wag muna sabihin sa iba ang katotohanan. Tama nga siya, ako dapat mismo ang magsabi sa kanilang lahat.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...