Huminto ako sa isang lugar na kung saan kunti lang ang tao. Umupo ako sa isang bench at kinalma ko ang sarili ko. Bat ganon? Bat ganon na lang yung naramdaman ko? Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Wala lang pala sa kanya lahat ng ginawa niya sakin? Pinakitaan niya ko ng motibo, pero sa huli wala lang din pala. Argh, I hate him.
Biglang nag ring yung phone ko kaya agad ko itong sinagot.
"Nasan ka? Bat bigla ka na lang umalis na walang pasabi?" agad na tanong ni Yuri.
Siguro nga nagulat sila lalo na din si Yuri kase may alam siya sa pagitan namin ni Nicholai. Kailangan ko na namang mag isip ng dahilan para masagot ko yung tanong niya.
"M-Medyo sumakit yung tyan ko bigla e, siguro dahil dun sa milktea na ininom ko. Sorry kong di nako nakapag paalam. Medyo di ko na kinaya e, kaya umuwi nako." pagsisinungaling ko pa.
Sana naman maniwala toh, kahit alam kong hindi naman talaga siya maniniwala sakin. Hay nako.
"Wag ka nga dyan. Kilala kita Francheska simula pa noon kaya alam ko din kong nagsisinungaling ka o hindi. Kailangan mo ba ko ngayon? I mean, kailangan mo ba ng comfort? Sabihin mo lang, nasan ka ngayon? Puntahan kita dyan." lahad nito.
Sabi na nga ba e, hindi talaga maniniwala sakin si Yuri. Pero sa ngayon, kailangan ko mapag isa. Siguro mukha na naman akong OA nito, pero gusto ko talagang mapag isa.
"Okay lang ako, Yuri. Don't worry, samahan mo muna dyan sina Loisa at Monica."
"Are you sure? Sige, di na kita pipilitin pa. Usap na lang ulit tayo, pero bukas kailangan mong pumanta ng party. Forget everything and freshen up. Cheer up girl."
"Sige, text na lang kita. Bye."
"Bye."
______________________
Kasalukuyan na kong nag aayos ng sarili para naman hindi nako malate pa sa party. Okay nako, bat naman hindi diba?
Sinuot ko na lang ang red tube na maiksi sabay lagay ng kunting make up sa mukha. Nilugay ko na lang din ang mahaba kong buhok tas kinuha na yung mga gamit na dadalhin ko. Mas mabuti kong maaga ako ngayon kesa sa late na naman gaya nung last kaming nag party. Party na kong saan nakilala ko si Nicholai. Kung saan nakuha niya yung unang halik ko. Argh! Bakit ba kase hindi ko siya makalimutan agad? Di na rin naman nagpapakita yun, pero hindi ko pa din siya malimot limot. Hays, naguguluhan ako.
But now, all I have to do is to enjoy this night. Forget everything, and chill.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na din ako sa bar nina Monica. Mabuti naman talaga, di nako malalate pa at mapapagalitan ng mga yun. Huminto ako sa paglalakad ng napagtanto ko ang isang lugar sa di kalayuan. Yun yung spot kong saan nakita kong naghahalikan sina Nicholai at ang haliparot na babaeng yun. Tumaas ang kilay ko dahil naging sariwa ulit lahat ng pangyayari. Hindi ko na ulit pinansin pa yun at pumasok na lang sa loob.
Sinalubong na naman ulit ako ng maingay na tugtog at mga taong nagsasayaw o nag eenjoy sa loob. Siniksik ko yung sarili ko para makadaan naman ako sa table namin. Nakita ko agad sina Monica at Yuri na nakaupo, agad ko silang tinawag kaya agad nakatuon ang pansin nila sakin.
"Buti naman at nakapaaga ka, Francheska. Girl, you look stunning." panimula ni Monica.
Umupo ako sa tabi nila. Wala pa si Loisa, siguro papunta na rin yun.
"Thank you, Monica. Ikaw din, as always, maganda tapos sexy pa."
"I know. Maganda tapos sexy nga, wala naman jowa. Just kidding."
Bigla akong pinaharap ni Yuri sa kanya. Nagulat ako dahil parang sinusuri niya yung mukha ko. Ginagawa nito?
"Okay kana ba?" seryosong tanong nito.
"Oo naman. Bat naman hindi?"
"Good. Pero, bat nag walkout ka nun? Nasaktan ka ba sa sinabi niya?"
"B-Bat naman ako masasaktan? Nagpapasalamat pa nga ko na nalaman ko yun kase wala akong isea na ganon lang pala lahat para sa kanya."
"Iba yung inasahan mo, Francheska. Buti na lang talaga nireject mo ng maaga yun, dahil hindi mo deserve ang mga lalaking tulad niya. Mas mabuti pa si Peter kaysa dun."
"Siguro nga. Wag na natin pag usapan yun. Enjoy na lang tayo ngayon." sagot ko sabay tingin sa malayo.
Makalipas ang isang oras na paghihintay namin, wala pa din si Loisa. Si Monica, nakailang shot na ng alak tapos sumayaw na sa dance floor. Si Yuri naman, kasama yung isang chinito guy at nagkwekwentuhan. At ako naman yung naiwan sa table namin ng mag isa.
Dalawang shot pa lang naman yung naiinom ko kaya matino pa ko sa inaakala niyo. I've decided to go out. Masyadong maingay sa loob, gusto ko lang muna makalanghap ng fresh air.
Nakarating ako sa labas ng walang sagabal. Naglakad lakad na lang muna ako at hanggang napadpad ako sa bandang likod ng bar. Tahimik dito at walang tao 'ni isa. Napagtanto ko na dito muna ako, 'ket ilang minuto lang.
Ilang hakbang pa lang yung nalalakad ko, bigla na lang ako nakarinig ng singhap ng isang babae sabay mura pa.
"Fuck, baby. I'm so addicted to kiss your lips. I want you, I want you so bad." usal ng babae sa di kalayuan.
So, may tao naman pala dito? Tsk, alam ko na kong anong pinaggagawa nila. Grabe talaga yung ibang babae ngayon, halos ibigay na lahat ng mayroon sila para lang sa ikakasaya ng katawan nila at sa lalaki nila. Nasaan na yung respeto na sinasabi nila ngayon, kong sila na din mismo yung sumasayang nito?
"Let's go inside. I need to drink something." saad ng lalaki na pamilyar yung boses.
"Kiss me some more, Nick. Touch my body, if you want. I want you, please."malanding usal ng babae.
Nick? Wag naman sana yung iniisip ko, wag naman.
Plano ko na sanang tumalikod ng biglang lumabas si Nicholai? Nicholai? Agad itong tumingin sakin na tila ba'y nagulat din. Nag iwas ako ng tingin pagkatapos dahil hindi ko inaakala na magkikita na naman ulit kami. At dito pa talaga, sa ganitong sitwasyon na naman.
Kailangan ko ng umalis. Yun yung dapat kong gawin ngayon. Ayoko na ng maraming usapan pa lalo na kasama ang lalaking to. Ayoko na. Francheska, kaya mo to.
"Sorry sa abala, mauna nako." 'ni hindi ko siya tinignan sabay talikod.
Kinakabahan ako na parang ewan. Wag kang gagawa ng kalokohan, Nicholai. Ayokong sirain mo ngayon yung mood ko. Please lang.
"Isang hakbang pa palayo sakin, dadalhin talaga kita sa motel ngayon." seryosong usal nito.
Fuck! Ako bang sinabihan nun? Gag* ba siya?
No, Francheska, wag kang papadala sa mga sinasabi ng lalaking yan. Manyakis nga diba? So, lumayo kana.
Naglakad ulit ako palayo, ng magsalita siya ulit.
"Amarra, bumalik ka dito kung gusto mo pang makalakad bukas. Seryoso ako, at hindi ako nagbibiro lang."
Wtf? I hate you, Nicholai.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...