20

12.8K 302 3
                                    

Agad akong lumayo sa kanya. Lahat ng sinabi niya sa gabing to ay tumatak na naman sa isipan ko. Grabe, siya pa lang yung nag confess sakin na 'di ko inaakala na ganito. Bat ganon na lang kase yung epekto ko sa kanya? Bakit?



Inaayos ko yung sarili ko sabay tingin ng diretso sa kanya. Kinakabahan man ako pero kailangan kong klaruhin yung lahat, lalo na yung feelings niya.



"Nicholai, siguro lasing ka lang kaya nasasabi mo lahat ng yan. Ayoko ng maniwala sa mga salita mo dahil alam kong pampalipas mo lang ako ng oras. Kase hindi naman kapani paniwala na magkakagusto ka sakin sa ganon kabilis na panahon lang, diba? Siguro, kailangan mo pa yang intindihin ng mabuti at sa huli mawawala na din yan. Please, yung kanina sa loob ng bar, wag mo na ulit gawin pa yun. Walang masamang ginawa si Vincent kaya wala kang karapatan na gawin mo yun. Kung pwede lang humingi ka ng sorry. Siguro mawawala pa yung inis ko sayo pag ginawa mo yun. Tsaka umuwi kana din, lasing kana." paliwanag ko.



"Hindi ako lasing, Amarra. Kahit ilang alak pa yung iinomin ko, hindi ako malalasing ng ganon lang. Bat ko sinuntok yung gagong yun? Kase inaagaw ka niya sakin. Gusto ka niya at halata yun. Tinitignan ko kayo simula't sapol at ikaw naman tong nag eenjoy. Bat sakin ganyan na lang yung inis at galit mo? Dahil ba bastos at manyak ako? Ganon ako Amarra kase gusto kita at iba yung pinaparamdam ng presensya mo sakin. Kaya hinding hindi ko babalewalain tong nararamdaman ko. Kung hindi na talaga kita mapag uusapan pa, paghandaan mo na lang yung maaari kong magawa sayo sa susunod." sagot niya sakin.




Kinabahan ako sa sinabi niya lalo na sa huling parte na yun. Anong ibig niyang sabihin dun? Shit!



Tinalikuran niya ko sabay bukas ng sasakyan niya. Agad ko siyang pinigilan kase naguguluhan ako sa sinabi niya. May kong anong meaning yun para sakin.



"Anong ibig mong sabihin? Anong gagawin mo? Nicholai, tigilan mo na toh. Ayoko ng magkaroon pa ng koneksyon sa pagitan natin. May nanliligaw na sakin at si Peter yun. Wag mo ng guluhin yung buhay ko. Please lang."



"Sorry, pero wala ka ng magagawa pa. Di mo nako mapipigilan, Amarra. Mag ingat ka na lang at mag ready ka." yun yung huling sagot niya sabay pasok ng kotse niya.



What the? Fuck! Hindi maganda toh. Nakakatakot yung pagbabanta niya sakin. Bat, anong gagawin niya sakin ah? Francheska, ingatan mo yang sarili mo. Siguro, oras na para sumunod ako ng U.S kung saan nandoon sina Mama at Papa? Pero, ayoko pa. Gusto ko pang magstay dito sa Pilipinas. Tsk! Bahala ka sa buhay mo Nicholai. Hindi moko madadala sa mga pagbabanta mo! Fuck!




Sa mga oras na iyon, umuwi nako sa apartment ko. Marami na naman ang nangyari sa gabing toh. Sariwang sariwa lahat ng pangyayari sa pagitan namin ni Nicholai. Parang nawala yung sistema ng alak sa sarili ko dahil sa mga kataga at salita na binitawana niya kanina.




Ng makauwi ako, agad na kong nag shower. Nagtagal ako ng ilang oras sa loob at inisip lahat ng pangyayari.







-KINABUKASAN-

Muntikan na kong mapamura ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Tinignan ko yung oras at 8:00 am na. Kinusot ko pa yung mata ko sabay bangon na din para tignan kong sino yung tao sa labas.



Hindi ko na tinignan yung mukha ko sa salamin at agad binuksan ang pintuan. Tumambad sakin si Yuri na naka skirt at croptop. Seryoso ang tingin nito sakin kaya natauhan na rin ako.


Pumasok na siya at umupo sa may sofa. Naghilamos naman ako sabay ayos ng sarili ko. 5 minutes ay natapos din ako. Nadatnan ko siyang nagtitimpla ng gatas at agad itong napatingin sakin habang nakapajama pa din.



Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon