34

10.4K 240 1
                                    

"Kain na muna tayo at pagkatapos, hatid na kita." pag aaya ni Nicholai sakin.

Tumango na lang ako bilang sagot. Matatapos ang araw na toh ng masaya at papahalagan ko lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa. Ito man ang maging huling pagkikita namin pero sa pagbalik ko, lahat ipapaintindi ko sa kanya kung bakit kailangan kong gawin ang ganitong bagay.

Kumain lang kami at pagkatapos nun hinatid niya ko sa apartment ko. Pero bago ako tuluyang bumaba ng kotse niya, hinawakan ko ang kamay niya na ikinabigla niya. Tinitigan ko siya ng maigi, bawat parte ng mukha niya ay kinabisado ko na rin. I will miss him so much.

"Is there something wrong? Nanibago ako sayo ngayon. Ikaw na mismo yung humahawak sakin ngayon, pero noon halos sobra yung galit mo mahawakan ko lang ang balat mo. Why? Are you okay?" tanong niya sakin.

Umiling ako sa kanya at pinilit kong ngumiti. Kahit ang totoo parang iiyak nako dahil gagawa ako ng isang matinding desisyon sa buong buhay ko.

"Mamimiss kita, Nicholai." usal ko pero di ko maipagkakaakit sa tono ko ang lungkot.

Nagtaka siya sa sinabi ko, nag iwas na lang din ako ng tingin dahil baka tuluyan akong maiyak sa harapan niya.

"Ingatan mo palagi yang sarili mo, okay? Hinay hinay lang din sa paghahanap ng babae, baka isang araw uwian ka na nyan. Tsaka, bawas bawasan mo din ang pagiging manyakis mo sa babae. Maging mabait ka para naman mas lalong mainlove sayo. Tandaan mo yan!" pahayag ko.

"What are you talking about? It seems that you're giving me a goodbye message, huh? I think, there's something wrong. Tell me, what is it?" he asked.

Mas pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Damn! I admit, I'm fucking inlove with him.


"Walang problema, okay? Sadyang masaya at mabait lang ako ngayon kaya nasabi ko yun sayo. Wag mo na lang pansinin yun." saad ko at pinilit ko rin na matawa para hindi siya lalo maghinala.

"Fine. Sana nga talaga walang problema, kase ayoko nahihirapan ka din. Di ko kakayanin na makita kang nahihirapan, Amarra. Gusto ko lagi kang masaya at mas mabuti pang ako yung mahirapan kesa ikaw." malumanay na sabi nito sabay hawak ng mga kamay ko.

Napatingin ako sa mga kamay namin at agad ko rin siyang tinignan. Nalulungkot ako pero pinipilit kong ipakita sa kanya na okay lang ako. Nginitian niya ko at ganon din ang ginawa ko.

"T-Thank you." usal ko.

"No worries. By the way, kamusta? Wala bang nagbabago sayo? I mean, other signs and symptoms? Nagkakaregla ka pa ba?" biglaan tanong niya.

Napalunok na lang ako sa tanong niya.

"What do you mean, Nicholai? D-Do you still think that I'm pregnant?" tanong ko.

Tumango siya. "There's a possibility that you'll get pregnant after what happened in between of us. Whatever the result is, I'll support and take care my responsibilities on you." Seryosong pahayag nito. "I don't trust words thou I trust actions. And, I'm fully sincere with you Amarra." Dagdag pa niya.

"B-Believe me, I'm not pregnant." kabadong sagot ko.

"Fine. Take a rest now. I know you're tired."

Tumango na lang ako at bababa na rin sana ako ng may biglang sumagi sa isipan ko. Napailing ako kase nahihiya akong gawin yun. Bahala na nga.

"Nicholai? Can I have favor?" usal ko.

"Sure. What is it?"

"Uhm. P-Pwedeng ano.. Pwedeng picture tayo?" utal kong tanong sa kanya. Ito ang huling araw na tuluyan ko siyang makikita at makakasama. Pagkatapos nito, at sa sunod na araw, hinding hindi ko na ulit siya makikita pa. Kahit sa isang simpleng litrato lang sana, pagbigyan niya ko kase mamimiss ko siya ng sobra.


Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon