"Heto na nga.." pambibitin ko.
Kita ko pa rin sa tatlo na nag aabang talaga sila sa sasabihin ko. Kala niyo naman e kung ano na nangyari, kiss lang naman yun. Tss.
Chismis sa bar? Galing!
"Di nga talaga sana ako late dito, kanina kase nung papasok na sana ako rito may bigla akong nakita sa labas. Nakita ko ang isang lalaki at babae na naghahalikan sa gilid kaya---" naputol ako sa pagkwekwento ng magsalita si Yuri.
"Dont tell us, dahil sa pagkacurious mo, nilapitan mo yung dalawa? Tapos nagpahalik ka rin dahil sa sobrang curiousity mo? Ganon ba ha?" biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Di naman ako tanga para gawin yun no.
"Tahimik ka nga muna dyan Yuri. Let Francheska tell the whole story. Hindi na gumagawa ka dyan ng sariling bersyon mo." Biglang sabat naman ni Monica.
Buti pa si Monica. Hay nako.
"Continue." dagdag pa nito.
Wala na rin akong nagawa kundi ipinagpatuloy na ang pagkwekwento. Masyado man labag sa sarili ko, pero wala akong choice.
"So ayun na nga, medyo may connect rin naman yun sinabi ni Yuri pero hindi ako nagpahalik sa lalaking yun dahil sa curious ako, okay? Basta napagtanto ko na lang na pinapanood ko na yung dalawa. Medyo nainis nga ko dahil hindi talaga sila nahihiya na gawin nila yun in public places. Tapos, nung aalis nako.. hindi ko inexpect na.. na hahatakin ako ng lalaking yun. Tapos may sinabi lang siya sakin, mga kamanyakan lang naman, ganon. Tsaka, maya maya pa nun, hinalikan niya ko. Nabigla at nainis ako sa ginawa niya. Yung first kiss ko mapupunta lang dun sa lalaking di ko man kilala o di ko mahal? Tss. Sobrang nakakabobo yun. Naiinis ako sa sarili ko. Akala niya siguro e, katulad ako ng mga babae niyang easy to get? Well, nagkakamali siya."
"Wow! Ang agressive naman nun. Gusto ko rin ng ganong lalaki." Biglang usal ni Monica na tila ba'y kinikilig pa.
"So, ganon pala. Nice, akala ko kase sa sobrang curious mo nagpahalik ka dun. Sorry sa sariling konklusyon ko." paumanhin ni Yuri.
"Okay na yun atleast naintindihan niyo na yung kwento. Eh? Yuri? Di ka na ba galit sakin?" tanong ko kay Yuri.
"Nope. Why would I?" nakangising tugon niya sa sinabi ko.
"Eh? Kase kanina mukhang galit ka talaga sakin e. Tapos.. paano mo nalaman na hinalikan ako?" dagdag na tanong ko dahil nahulaan niya talaga yun.
"Hindi na ko galit, di rin naman kita matitiis e. Tsaka, bakit ko nalaman? Tignan mo nga yang lipstick mo.. gulong gulo na o."
"Huh? Talaga?" bigla akong yumuko dahil sa hiya.
Sure ba? Gosh! Nakakahiya ka Francheska! Bat kase hindi mo muna tinignan yung sarili mo pagkatapos kang halikan ng manyak na yun? Arg.
Agad kong tinignan ang mukha ko sa salamin ng phone ko. Hindi naman masyadong magulo pero yung ibang lipstick ay umapaw na sa labi ko. Eh?
Agad ko rin namang pinunasan yun gamit ang kamay ko. Ng matapos ko yun ay umangat na ulit ako ng tingin sa kanila.
"Okay na ba?" biglang tanong ko sa kanilang tatlo.
"Yup. Okay na but you need to retouch yourselve." Sagot ni Monica.
"Pero bago yan, inom muna tayo ng isang shot. Kailangan din natin e celebrate yon. Ket papaano, achievement yon sa buhay ni Francheska " nakangising usal ni Yuri.
Baliw talaga! Jusko!
Nilagyan niya ang mga shot glass namin at binigay niya ito samin tatlo.
"Cheers!!!" sabi niya at nag cheers na nga kami.
Agad nila yung nilunok at ako naman ang nahuli. Hayss.. kailangan kong sumaya ngayong gabi para naman makalimutan ko lahat ng nangyari kanina. Nilunok ko na ang inumin ko, pero bago ko pa mailagay ang shot glass ay may nahagip ako.
Biglang lumaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Kasalukuyan siyang nakatingin mismo sa gawi ko. Diretso ang titig ng mga mata niya sakin na kala mo'y sinusuri niya ito ng maigi. Napalunok ako ng tatlong beses at kinurap kurap pa ang mga mata ko. Nagpapasigurado lang na sana ay guni guni ko lang siya at di to totoo. Pero naikailang kurap na ko pero patuloy pa rin siyang nakatingin sakin.
No way!
Bigla siyang napangisi sakin. Ano na naman gusto nito? Tss. Inalis ko ang paningin ko sa kanya. Napaka manyakis masyado! Tsk! Tsk! Tsk!
"Anyare sayo? Bat parang ang asim naman niyang mukha mo?" tanong bigla ni Yuri sakin.
"Wala. Medyo nahilo lang ako ng kunti." pagsisinungaling ko. Sana naman maniwala to sakin.
"Nahihilo ka? Eh? Isang shot pa lang naman yung naiinom mo. Wag mong sabihin... baka.. baka buntis ka? Uy, baka mayroon kang tinatago samin ha?"
"Sinong buntis?" singit naman ni Monica na nakikinig na pala sa usapan namin ni Yuri.
Buntis? Ako? What the fuck!
"Easy nga muna kayo. Unang una, hindi ako buntis okay? Wag nga kayong over kong makareact dyan. Tss, cr muna ako." Paalam ko sabay tayo.
Di ko na hinintay na makasagot pa ang isa sa kanila. Agad akong tumalikod kahit alam kong sinusundan parin ako ng mga titig nung lalaking humalik sakin kanina. Mukhang hindi talaga maganda ang ihip ng hangin ngayon. Hayss.
Agad akong pumasok sa comfort room at tinitigan ng maayos ang repleksyon ko mula sa salamin na nasa harapan ko. Maganda pa rin naman ang ayos at mukha ko, kaya medyo nabawasan na lang ang stress na mayroon ako. Why so damn pretty Francheska Amara Abueva? Damn! Kaya habulin ka rin ng mga lalaki e. Kidding.
Naglagay ulit ako ng blush on sa mukha ganon na din ang lipstick sa aking labi. Mas lalong tumingkad ang kagandahan ko. Maganda nga, wala namang jowa. Eh? Ano ba tong pinag iisip ko? Tss. Baliw ka na Francheska! Sobrang baliw ka na!
Lumabas na rin ako at bago pa ko tuluyang makaalis dun ay may isang lalaking naghihintay sa labas ng comfort room kung saan ako galing. Isang morenong lalaki na katamtaman lang din naman ang taas. Sino to? Tss.
"Buti at nakalabas ka na." rinig kong salita nito ng matigilan ako.
Who the heck is he? Ako ba yung kinakausap ng lalaking 'to? Psh, of course Francheska! Halata naman diba, wala naman ibang tao dito kundi kayong dalawa lang.
"What do you mean? And, who are you?" takang tanong ko sa lalaking nasa harap ko.
Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya dahil siguro iniisip niya na interasado ako sa kanya or something. Damn!
"I'm Vincent Manansala. You are?" pakilala niya sabay lahad ng kamay niya sakin.
Ang ganda mo talaga Francheska! Super!
"Oh? I'm Francheska Amara Abueva." pakilala ko na din tsaka inabot ang kamay na nakalahad sa harapan ko. Ayoko rin naman maging snobber baka ano pang sabihin nito pagkatalikod ko.
Mas lalo naging masaya ang kanyang mukha dahil sa tingin nito ay naaayon lahat ng blessings sa kanya.Panandalian lang to, kaya sagarin mo na! Psh.
Nasa ganon kaming posisyon ng biglang may nagsalita sa di kalayuan.
"Alisin mo yang kamay mo sa kamay niya kung ayaw mong kumulang yan mamaya." sabay kaming napalingon ni Vincent sa lalaking nagsalita.
God! No way!
"Di mo ba ko narinig!? Aalisin mo yang kamay mo o babawasan ko yan ng tatlong daliri!?" halos sigaw na nitong tanong sa lalaking may hawak ng kamay ko.
Kita ko ang galit nitong mukha o sadyang lasing na talaga to? At bakit ba nandito to ha?
Gosh! Ayoko na sabi syang makita e! Pero bakit pinipilit pa rin ng tadhana? Arg! Dammit!
Sino pa ba? Ang lalaking bastos at 'di ko kilala. Bakit ba masyado niya na ata akong ginugulo?
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...